CHAPTER 23: She's Brithney...

7.9K 108 26
                                    

Brithney P. O. V

Ngayon ay pumasok kami ni Bright sa eskwelahan. Ayokong manatili sa bahay lamang dahil pakiramdam ko ay paulit-ulit akong nagi-guilty. Minsan ay iniisip ko kung tama pa bang makitira ako doon,gayong wala akong karapatan dahil hindi naman ako parte ng kanilang pamilya.

Hindi parin mawala wala sa isip ko ang sinabi ni Bright tungkol sa kapatid niyang si Brix. Ako ang naging dahilan ng pagkamatay ng kapatid niya.

At kahit pa sabihin niya na wala naman talaga akong kasalanan ay patuloy ko paring sisihin ang sarili ko. Dahil nararapat lamang na sisihin ko ang sarili ko.

"So,ayon na nga Brith. Maraming activities na gagawin and need mo talagang gawin. Like research in Biology and Research in History. Ghads my brain,wala na ngang laman,naubos pa sa mga ginawa namin this past few days." Ani ni Xandra.

'Sana ay 'di na lang kami naaksidente. Para walang nabawian ng buhay'

"But don't worry,I'll help you naman. And kahit 'di ka humingi ng help,tutulungan parin kita hihihi." Sambit niyang muli.

'Pero kung hindi nangyare iyon...hindi kami magiging ganito ni Bright...ang maging magkasintahan.'

"Brith? Are you with me ba?" Napabuntong hininga ako at umiling iling. "Seriously? Salita ako ng salita but you're not listening naman pala!" Anito at inirapan ako.

Bigla naman akong nabalik sa realidad dahil sa pagsigaw ni Xandra sa mismong mukha ko. Napakamot ako sa uluhan ko. "Hehe,s-sorry Xandra. May iniisip lang ako." Ani ko at maamong tumingin sa kanya.

Muli naman siyang tumingin sa akin at ngumuso. "Eh ikaw ih. You're not listening to me." Lalo itong ngumuso at umastang naiiyak.

"Sorry na Xandra. Sorry na." Ani ko at ngumiti ng bahagya sa kanya.

"Yah! Stop smiling,natatalo ganda ko sayo ih." Aniya at nag-cross arms pa. Natawa naman ako at nailing-iling kasabay ng pagtawa niya din.

Nandito kami ngayon sa bleachers habang hinihintay na mag-ring ang bell. Hinanap din ng mga mata ko ang presensiya ni Bright,pero hindi ko siya nakita.

"Brith. May hinahanap ka ba?" Napalingon ako kay Xandra ng magsalita ito.

"A-ahh,wala." Pasisinungaling ko at napatango naman siya sa akin. "Xandra,can i say something to you?" Ani ko at umupo ng maayos at humarap sa kanya.

"Ohh look so serious...what it is?" Tanong niya at hinawi ang buhok niya na napahid ng hangin sa harap ng mukha niya.

"May nabasa kasi ako na 'yung babae ay hindi totoong anak ng mga tinuturing niyang magulang...uhmm..wala siyang ka-alam alam tungkol doon. Then,may tinuturing siyang kapatid na lalaki na tila ayaw sa kanya ng lalaking ito. That guy act like he don't care about that girl. Being cold to her." Huminga ako at nagpatuloy.

You're Not My SISTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon