Chapter 8: It's possible?

22K 223 13
                                    

Brithney P. O. V

"MAG-IINGAT kayo dito Bright... Alagaan mo ang kapatid mo ah? Huwag mo siyang papabayaan". Rinig kong paalala ni Mee kay Kuya Bright. Tumango si Kuya at bigla niyang hinawakan ang kamay ko na siyang ikinagulat ko. Nang susubukan kong binatawan ang kamay ay mas hinigpitan niya ang hawak niya.

"Opo Mee, aalagaan ko po si Brithney". Sambit ni Kuya at bahagya niya pang pinisil ang kamay ko. Napangiti naman si Mee sa sinabi Kuya...

"Tsaka Mee... Pangako po hindi na ako magiging masungit kay Brithney". Hindi ko alam pero nag iinit ang pisngi ko dahil sa sinabi ni Kuya Bright...

"Nakakatuwa naman kung gaanon Bright... I hope maging ayos na ang samahan niyong magkapatid". Nakangiting sambit ni Mee at niyakap si Kuya patin narin ako. Malungkot man na mawawala sina mama about 3 months ay alam ko namang babalik din sila.

"Hija, Brithney... Mag iingat ka ha? Wag mong papabayaan ang sarili mo... Tsaka maaga kang uuwi kapag may mga school projects ka hmm?". Tumango ako at kumalas sa pagkakayakap sakanila...

"Mag ingat din kayo Mee at Dee... Mamiss ko po kayo... Sobra". Biglang tumulo ang luha sa mata ko dahil sa lungkot na nararamdaman ko...

"Anak... Halika ka nga". Sambit ni Dee, lumapit ako sakanya at niyakap siya... Naging emosyonal ang pamamaalam ko sa mga magulang ko.

Lumipas ang oras at umalis na sila... Gusto kong sumama pero hindi pwede... Naramdaman ko ang isang kamay ni Kuya Bright sa bewang ko kaya napatingin ako sakanya.

"Don't cry please". Pinahid niya ang basa sa pisngi ko at niyakap ako. Yumakap ako pabalik at sumiksik sakanya...

"Babalik din sila Baby". Bulong niya sa may tenga ko. Tumingala ako sakanya at ngumiti... Hinalikan niya noo ko kaya napangiti ako...

"You're officially mine"

Umuwi na kami ng bahay ni Kuya Bright at nakatulala ako sa sofa habang nakaupo. Lagi naman wala sina Mee at Dee sa bahay pero bakit hindi na ako nasanay? Pero iba kase eh... Malayong malayo sila saamin...

"Baby". Sambit ni Kuya Bright at tumabi saakin. Isinandal niya ang ulo ko sa balikat niya... Pumikit ako at yumakap sakanya...

"Are you okay?". Tanong ni Kuya Bright, minulat ko ang mata ko at tumingin sakanya...

"Okay lang ako". Maikling sambit ko sakanya... Hinagod niya ang buhok ko habang nakatingin parin saakin.

"Let's make a deal Baby". Sambit niya habang nakatingin saakin. Napakunot naman ang noo ko habang nakatingin din sakanya...

"Deal?"

"Hmm mmm"

"Ano naman yun?"

"First, Akin kalang... Second, lumayo ka sa mga lalaki lalo na sa Allen na yan... Third, please ayokong napupunta ang atensiyon mo sa iba". Malungkot na tinig niya... Hindi ko alam kung kapatid parin ang turing niya saakin o Ano na...

You're Not My SISTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon