Chapter 11:Feelings are Mutual

16.8K 190 5
                                    

Brithney P. O. V

Mga araw ang lumipas nanatili ang lihim na relasyon namin ni Kuya. At sa ilang araw na iyon, masasabi kong nahuhulog na ako sa kuya ko. Na kahit pilit kong pigilan, hindi ko magawa dahil nasasaktan ako.

"Kuya? Pwede kabang makausap?". Tanong ko sakanya. Kasalukuyan siyang nagpipindot sa Cellphone niya. Hindi siya lumingon saakin at nanatili ang tingin sa Cellphone niya.

Ngayon ko sana balak sabihin na... Gusto ko na siya at parang... Mahal ko na siya hindi bilang kapatid, Mahal ko na siya higit sa pagturing ko sakanyang kapatid.

"K-kuya?". Pagtawag ko muli ng atensiyon niya. Bumuntong hininga ito bago tumayo mula sa kinauupuan niya at hinarap ako.

"Ano yun? Baby?". Tanong niya. Bumuntong hininga ako bago magbaba ng tingin. Tila nauubusan ako ng hininga dahil sa mga titig na niya nagbibigay saakin ng matinding kaba.

"Baby?". Ani ni Kuya Bright...

"A-alam kong mali itong nararamdaman ko para s-sayo pero hindi ko maintindihan kasi ang hirap pigilan". Nagtaas ako ng tingin sakanya. "G-gusto kita". Napaiwas ako ng tingin pagkatapos kong umamin.

Namuo ang katahimikan saaming dalawa, hindi ko maipaliwanag ang matinding kaba na bumabalot sa dibdib ko. Hindi ko makita ang reaksiyon niya sa pag-amin ko dahil nanatili akong nakaiwas ng tingin.

Kahit gusto kong bawiin ang inamin ko hindi ko magawa dahil nahihiya na ako. At kahit pilit kong lakasan ang loob ko, hindi ko kaya dahil masyado akong mahina.

"Kailan mo pa nararamdaman yan?". Nangibabaw ang tinig ni Kuya. Napatingin ako sakanya, hindi ko mapaliwanag ang reaksiyon ng mukha niya. Hindi ko alam kung masaya ba siya o hindi sa sinabi ko.

Naipaglapat ko ang sarili kong labi bago sumagot. "N-nitong mga nakaraang araw, n-naiinis ako kapag may nakikita akong k-kasama ka, l-lalo na kapag babae... T-tapos grabe yung saya sa dibdib ko kapag kasama ka. Kinakabahan ako kapag titig ka. A-alam kong mali itong nararamdaman ko... D-dahil alam kong ako lang ang may nararamdaman saating dalawa". Nandoon ang lungkot sa tinig ko.

Nagbaba ako ng tingin. "Alam kong lilipas din ito, at mawawala din". Naipagtiklop ko ang sariling kamay pagkatapos sabihin iyon.

"Hindi mawawala yan... Our feelings is mutual". Gulat akong napataas ng tingin sakanya. Tama ba ang narinig ko? Mutual ang feelings namin?

Mabilis akong niyakap ni Kuya at hinalikan ang hibla ng buhok ko. Hindi ko alam kung bakit ang saya sa pakiramdaman na para bang nakakalimutan kong mali itong nararamdaman ko para sakanya.

"B-bright". Nauutal na sambit ko sa pangalan niya. "P-paano sina Mee at Dee? Magagalit sila kapag nalaman nila ang relasyon natin". Nag-angat ako ng tingin sakanya.

"Hindi ko rin alam... Pero ang mahalaga ay parehas tayo ng nararamdaman". Hinalikan niya ang noo ko at muli akong niyakap.

You're Not My SISTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon