Brithney P. O. V
"BRIGHT!!!" Mabilis ang mga pangyayari pero nagkamali ako sa unang pakiramdam ko na isa sakanila ay may natamaan pero wala. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi napahamak si Bright. Nahagip ng mga mata ko na si Bright na ang may hawak ng baril at itinutok iyon kay Weyn
Bright...
"Umalis ka na, Weyn. At maniwala ka sa h-hindi, hindi ko sinaktan si Malandy dahil siya mismo ang nanakit sa sarili niya dahil sa pag a-assume niya na may gusto ako sakanya pero wala!" Sambit ni Bright. Tumingin ako kay Wayne na tila hinihingal pa. "Huwag ka ding tanga. Umalis ka na! O gusto mong ipa-pulis kita!" Walang sabi-sabi ay tumakbong umalis si Weyn at doon kami nakahinga ng maluwag ng tuluyan.
"Salamat at hindi ka nasaktan, Anak ko!" Agad na lumapit si Mee kay Bright upang yakapin ito nang mahigpit. "Ayos ka lang ba?" Tanong ni Mee kasabay nang pagkalas nito sa pagkakayakap kay Bright. Tumango si Bright at ngumiti kay Mee.
"Ayos lang po ako, Mee. Kayo po? Ayos ka lang ba?" Sinuri ng tingin ni Bright si Mee upang alamin kung ayos lang ba ito.
"Don't worry I'm okay." Ngumiti ito kay Bright. Hanggang sa mapunta ang mga mata nila sa akin upang ako ay tingnan. Mabilis na lumapit si Bright sa akin upang ako ay yakapin.
"Are you okay?" Tanong ni Bright habang yakap niya ako. Habol ko ang hininga ko at niyakap siya pabalik.
"Ikaw dapat ang tinatanong niyan, B-bright. A-ayos ka lang ba?" Kumalas ako nang yakap sakanya at tiningnan ang kabuuan niya. "Sorry. Sorry, Bright." Pag-hingi ko nang tawad habang sinusuri ang buong katawan niya. "Hindi ko a-akalain na aabot sa ganito." Nagsimulang pumatak ang mga luha mula sa mga mata ko. "S-sorry." Muli kong pag-hingi ng tawad kasabay nang pag-angat ng tingin ko sa kanya.
"Shh. No need to say sorry. Wala kang kasalanan. Si Malandy dapat ang sisihin dito, Brith. Siya ang may kasalanan kung bakit sumugod ang ex niyang si Wayne. A-at kasalanan ko din k-kasi kung hindi ko tinulungan si Malandy hindi aabot sa ganito. Mali ako nang pagkakakilala sa kanya. Tinulungan ko siya kasi ayokong nakakakita ng babaeng sinasaktan at dahil don naloko niya ako."
Pinunasan niya ang basa na nasa aking pisngi. "Sorry, Brith. Ako ang mali, simula noon pa lang. Naglihim ako sa'yo tungkol sa pagtulong ko sakanya at alam kong naging dahilan iyon upang mabawasan ang pagtitiwala mo saakin. Sorry dahil sa akin ginigulo tayo ni Malandy at ni Weyn. Sorry at nadadamay ka sa galit ni Malandy. Sorry." Muli niya akong niyakap nang mahigpit. Niyakap ko siya pabalik.
"No. Wala kang kasalanan. G-gaya nang sabi mo si Malandy ang may kasalanan. "
BINABASA MO ANG
You're Not My SISTER
RomanceWARNING: MATURED CONTENT R18+ SPG "An affair but not forbidden." PHOTO NOT MINE, ctto: misaki from pinterest All Rights Reserved A jejemon story by:trytobewithme End: May 16, 2024 Unedited