Brithney P. O. V
Muling nag-isa ang katawan namin ni Bright. Kayakap ko siya habang mahimbing ang tulog niya. Mainam kong tinitigan ang mukha niya habang hinihimas ang kanyang buhok.
Hindi ko kaya pero kailangan ko siyang pakiusapan.
Ang akala kong mali hindi naman pala totoo. Pero ngayong hindi na mali saka pa nagkakagulo ang lahat na kung saan may mga nadadamay at nasasaktan.
Alas singko ng umaga nang bumangon ako at mabilis na nag-ayos upang kausapin ang isang tao na alam kong kailangan lang niya na maliwanagan para magbago pa.
Maingat ang bawat kilos ko dahil ayokong magising si Bright mula sa pagkakatulog niya. Alam kong hindi niya ako papayagan sa gagawin ko kung kaya't mabuti nang hindi niya alam na aalis ako at may pupuntahang tao.
Naisip ko narin naman na mag-aalala si Bright at ayaw ko 'yon pero pakiramdam ko ito ang paraan para matapos na ang gulong 'to at para maiwasan narin na may masaktan na mga ibang tao dahil lang sa dominong pagmamahal.
Dominong pag-ibig
Nahulog ako sa'yo
Pero ikaw ay nahulog sa ibang tao...Ang hirap ng sitwasyon, ang hirap na kahit hindi mo ginusto ay mangyayare parin sayo. Para saakin ay napakahirap din mangbintang kasi nagmamahal lang naman ang bawat isa. Nagmamahal sila kaya may mga nagagawa silang bagay na kahit masama at ikakapahamak nila ay magagawa nila ng kusa.
Nang makalabas na ako ng bahay ay agad akong nag-abang ng taxi na masasakyan. Luminga linga ako sa paligid ko at nagpakawala ng buntong hininga dahil sa bigat ng nararamdaman ko.
"Kaya ko 'to." Mahigpit akong napakapit sa sling bag na dala ako. Nandito na ako, hindi pwedeng magpadala ako sa pagkakaduwag ko. "Para sa ikakatapos ng gulong 'to." Agad kong inabangan itong taxi na dadaan para makasakay na. Nang huminto ito ay agad akong sumakay at sinabi sa driver ang address ng pupuntahan ko.
Hindi ko alam kung madadatnan ko siya doon pero walang mawawala kung hindi ko susubukan.
Inabot pa kami ng traffic, halos hindi umandar ang mga sasakyan.
Tahimik akong nakatingin sa labas ng bintana nang may mahagip ang mga mata ko.'Siya yon.'
"Kuya, dito na lang po ako." Agad akong nagbayad at bumaba ng sasakyan. Hindi ko inalis ang mga mata ko sa gawi niya at hindi nagpahalata para hindi niya ako makita.
"Anong ginagawa niya dito?" Sinubukan kong mas lumapit pa sakanya. "Sino yung mga lalaking kausap niya?" Pinilit kong marinig ang mga pinag-uusapan nila at kung sino ang mga kausap niya. Sa mukha ng mga ito ay mukhang hindi sila mapagkakatiwalaan.
"Bakit sa ganitong lugar na 'to sila kailangan mag-usap? Sa isang iskinita na tambakan ng mga basura?" Sambit ko. Nakita ko na may hawak na bag ito. Anong meron kaya sa bag na 'yon? Para saan 'yon?
"Siguraduhin niyong malinis ang lahat." Sambit nito at tumango naman ang mga lalaking armado na ito.
"Makakaasa kayo." Sagot ng isa. Kinuha nila ang bag at naglakad na. Agad akong nagtango para hindi nila ako makita. Namuo ang kaba sa dibdib ko habang tinititigan na maglakas paalis ang mga aramadong lalaking 'yon.
BINABASA MO ANG
You're Not My SISTER
Roman d'amourWARNING: MATURED CONTENT R18+ SPG "An affair but not forbidden." PHOTO NOT MINE, ctto: misaki from pinterest All Rights Reserved A jejemon story by:trytobewithme End: May 16, 2024 Unedited