Brithney P. O. V
Nandito na ako sa parte na sinisimulan nang kalimutan ang mga masasamang nangyare sa buhay namin. Ilang buwan nadin ang lumipas simula ng mangyare ang mga iyon at dapat naman na talagang limutin.
"Masaya ako para sayo, Brithney." Hinawakan nito ang kamay ko at matamis na nakangiti sa akin. "Masaya ako na dumating ka sa buhay namin. Napakabuti mo simula noon hanggang ngayon." Ngumiti ako pabalik sa kanya. "Mahal kita." Niyakap ako nito kung kaya't niyakap ko din siya pabalik.
"Mahal din kita." Yumakap ako ng mahigpit sa kanya. Isa siya sa pinakapinasasalamatan ko at pinagkakatiwalaan ko. Hindi ako nagsisisi na nakikilala ko siya at masayang masaya ako nagkaroon ako ng tulad niya. "Maraming maraming salamat, Mee." Kumalas kami sa pagkakayakap sa isa't isa at sumilay sa labi namin ang ngiti. "Salamat sa lahat, Mee. Sainyong dalawa ni Dee. Hindi niyo ako pinabayaan bagkus inalagaan niyo ako simula noon hanggang ngayon ay nananatili kayo sa tabi namin ni Bright." Hinawakan niya ang pisngi ko habang siya ay nakangiti parin.
"Anak na ang turing ko sa'yo at hindi ko kaya na may mangyareng masama sa inyo ni Bright. Hindi namin kaya iyon ng Dee niyo." Tumango tango ako. "Mahal na mahal namin kayo." Hinalikan nito ang noo ko.
"Mahal na mahal namin kayo, Mee."
"Palagi, Brithney." Tumango ako. "Oh siya, ako muna ay magtutungo sa kusina. Malapit ng mag-gabi at padating na din sina Bright at Dee."
"Opo, Mee. "
"Magpahinga ka lang diyan." Muli akong tumango kung kaya't lumabas na ito mula sa kwarto ko.
Nagtungo ako sa balkonahe at tumitig sa kalawakan habang dama ang lamig ng hangin.
Naging hindi man patas ang mundo sa akin noon pero nagpapasalamat parin ako dahil kahit hindi naging maganda ang mga nangyare ay binigyan niya parin ako ng pamilya na minamahal at tinuturing akong pamilya.
Napakadaming hindi magandang nangyare sa amin, mga problema na muntik ng magwakas ang mga buhay namin pero nandito parin kami, humihinga at buhay parin.
Mga hindi magandang pinagdaanan dahil sa labis na pagmamahal na humantong sa pagkadesperada, nakagawa ng mga bagay na hindi karapatdapat kasi nagmamahal sila kung kaya't mahirap sisisihin ang mga tao na ang gusto lang ay mahalin din.
Sa sobrang pagmamahal, pati ang pagrespeto sa sarili ay nakakalimutan na. Handang ibigay ang lahat maging ang sariling katawan at ang buong buhay.
"Nagmamahal lang sila, mahirap manghusga kahit pa gaano kalaki ang kasalanan nila." Niyakap ko ang sarili ko dahil napakalamig at pumikit. "Hmm." Gustong gusto ko ang simoy ng hangin, masarap sa pakiramdam ito.
"Nandito ka lang pala." Isang tinig ang narinig ko na siyang nagpamulat sa mga mata ko at lingunin ito. "Akala ko ay nasa cr ka at naligo." Naglakad siya palapit sa akin. "Sasabayan sana kita." Isang ngisi ang sumilay sa kanyang mga labi. "Binitin mo ako, alam mo ba 'yon?" Hinapit niya ang bewang ko at inamoy-amoy ang leeg ko.
"Ako? Binitin ka? Hindi kaya." Ani ko at kumapit sa magkabilang balikat niya at siya naman ay tumingin sa akin.
"Hindi huh?" Aniya.
"Hindi naman talaga. Paanong binitin?" Ngumuso ako habang nakatingin sa kanya.
"Painosente?" Tumawa siya nang mahina at hinalikan ang noo ko. "I like it." Bumab ang labi niya sa ilong ko. "As always." Hanggang sa naabot na ng labi niya ang labi ko. Nakadampi lang ang labi niya sa labi ko, hindi iyon gumagalaw pero may kakaibang init na dulot 'yon sa akin.
BINABASA MO ANG
You're Not My SISTER
عاطفيةWARNING: MATURED CONTENT R18+ SPG "An affair but not forbidden." PHOTO NOT MINE, ctto: misaki from pinterest All Rights Reserved A jejemon story by:trytobewithme End: May 16, 2024 Unedited