Brithney P.O.V
Iminulat ko ang mga mata ko dahil wala akong naramdaman pagkatapos ng pagputok ng baril. Inilibot ko ang mga mata ko hanggang mahagip ng mata ko ang isang lalaki na may hawak na baril. Hindi ko maaninag ang itsura nito dahil sa linawag ng araw sa likod niya.
'Sino 'to?'
"W-Why?" Ang tinig na iyon ay kay Malandy. Agad siyang hinanap ng mga mata ko. Nakahandusay ito habang nakahawak sa kanyang tiyan, punong puno ng dugo. "S-Sa lahat ng... tao, why y-you?" Lumabas ang dugo mula sa bibig ni Malandy.
Naramdaman ko ang sakit ng balikat ko at napahawak dito. "Tama na, Malandy." Ang boses na iyon ay pamilyar sa akin. "This is too much. Hindi na ikaw 'yan." Itinutok muli ng lalaking ito ang baril kay Malandy. "Itigil na natin." Muli akong napatingin kay Malandy at saka ibinalik ang tingin sa lalaking ito.
"Hindi na ikaw yung Malandy na kilala ko. Ganiyan talaga siguro kapag mahal mo na ang isang tao kaya kahit mali at kasalanan ay magagawa mo para lang makuha ito. Totoo 'yon, kasi maging ako nagawa kong manugod at muntik ng makabaril para lang sa babaeng mahal ko. Yung babaeng gustong gusto kong bumalik sa akin ay mamamatay mismo sa mga kamay ko. " Nakita ko ang pagpatak ng mga luha nito mula sa mga mata niya at ang pagpikit ng mga mata ni Malandy.
"Parehas na sitwasyon pero magkaiba na ang nararamdaman. " Nilapitan niya si Malandy at iniupo sa hita niya ang ulo ni Malandy.
"Pagmamahal. Pagsisinungaling. Pananakit. Pagpapahirap. Pagkakait. Pagtitiis. Pag-ganti. Pagkamatay." Hinagod nito ang buhok ni Malandy. "Sa bawat araw na dapat itinama mo ang mga mali mo pero mas pinili mong dagdagan pa ang mga kasalanan na nagawa mo. " Nanginginig ang mga kamay nito habang patuloy sa paghagod sa buhok ni Malandy.
"Sana bumalik ka nalang sa akin para sana hindi na umabot sa ganito. Nandito naman ako. Tatanggapin kita kasi mahal kita kahit pa hindi na katulad ng dati. Ako yung nandito eh pero bakit hindi na lang ako ulit?" Hinawakan nito ang baba ni Malandy at ngumiti ito ng pilit.
Nakahawak pa din ako sa balikat ko at iniinda ang sakit nito habang patuloy ko silang pinagmamasdan.
'Is this a love?'
Napalunok ako nang makita itong tumawa habang umiiyak. "Mahal na mahal kita."
Nagulat ako dahil dahang dahan nitong itinutok ang baril sa kanyang ulo.
'Anong nangyayare?'
"Sabay na nating tapusin iyong mga pagkakamali natin." Aniya pa habang patuloy sa pagtawa habang umiiyak. Nakatutok parin ang baril sa kanyang ulo. Nagsimulang manginig ang buong katawan ko dahil sa nakikita ko.
'Nababaliw na ba siya?'
Pakiramdam ko ay parang may mali sa kilos ni Weyn. Ang patuloy na pagtawa niya habang umiiyak, may mali. Bumigat ang paghinga ko nang mapatingin ito sa akin. Napalunok ako nang unti-unting hinarap niya aa akin ang baril na hawak niya.
"Ikaw." Aniya habang deretsong nakatingin sa akin. "Patawarin mo kami." Napasinghap ako sa sinabi niya, hindi ko maintindihan ang kinikilos niya. Tumawa muli ito at tumingin kay Malandy at doon ay biglang nagbago ang reaksiyon ng mukha niya. Umiyak muli ito at biglang niyakap si Malandy.
"Malandy! H-Hindi! Anong nangyare?!" Ani Weyn. "B-Bakit?!" Napatingin siya sa hawak niyang baril at kita ko ang pagsimula ng panginginig ng kamay niya. "A-Ako? Hindi... H-Hindi ko magagawa 'to. A-Anong? H-Hindi." Napasabunot ito sa kanyang sarili habang ako ay nagsimulang umatras kahit pa inda ko ang sakit ng balikat ko.
BINABASA MO ANG
You're Not My SISTER
Storie d'amoreWARNING: MATURED CONTENT R18+ SPG "An affair but not forbidden." PHOTO NOT MINE, ctto: misaki from pinterest All Rights Reserved A jejemon story by:trytobewithme End: May 16, 2024 Unedited