Chapter 20:You're Not My Sister

11.7K 151 43
                                    

Brithney P. O. V

Nagising ako dahil muling sumasakit ang ulo. "Ahhh!" Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ka sakit? Hindi normal ang pagsakit-sakit ng ulo ko.

May sakit ba ako?

Hawak-hawak ko ang uluhan ko habang tinitiis ang sakit na dinudulot nito sa buong ulo ko. Nanghihina ako. Hindi ko magawang humingi ng tulong. Nagising ako na wala sa tabi ko si Bright.

Nasaan ka Bright?

Halos mapaluha na ako dahil sa sobrang sakit nito. "A-aray!" Muli akong napahiga sa higaan at pumikit. Masyado talagang masakit ito. Ano ba ang dahilan?! Bakit laging sumasakit ang ulo ko?!

Kasi hindi talaga normal ito. "A-aray! T-tama na." Tuluyan na akong napaluha dahil sa sobrang sakit nito. Nanghihina ako. Nanlalambot ako. Masakit. Masakit. Sobrang sakit. Napahawak ako sa ulo ko at napasabunot sa aking buhok.

***

"Mama? Bakit kailangan nating magbakasyon?" Tanong ko kay Mama na kasalukuyan na hawak ang kamay ko habang naglalakad kami papunta sa sasakyan.

"We need a family vacation, Brith. At saka alam kong mag-eenjoy tayo, lalo na ikaw Anak." Aniya habang nakangiting hindi lumilingon saakin.

"Pero Mama, paano po si Bih? Hindi pa po ako nakakapag-paalam." Ani ko at tumigil sa paglalakad kaya naman napatigil din siya sa paglalakad.

"Maiintindihan naman siguro niya, hindi ba?" Ani ni Mama at tanging tango na lang ang naisagot ko nang may makita akong itim na paru-paro na dumapo sa balikat ni Mama.

"Ma. May paru-paro oh." Ani ko at pinagmasdan ang paru-parong nasa balikat ni Mama. Napatingin doon si Mama at agad niya iyong tinaboy na siyang pinagtaka ko. "Bakit mo po tinaboy?" Naguguluhang ani ko.

"Wala anak." Pilit na ngiti ang iginawad niya saakin. Naguguluhan man ay tumango na lang ako. Nakasakay na kami ng kotse at handa na iyon para umalis.

Tahimik ako sa buong byahe pero may kung anong takot akong naramdaman. Hindi ko 'yon inaasahan na para bang may masasaktan o mamamaalam. Nakailang iling ako pero yung takot hindi mawala-wala.

Yung itim na paro-paro...anong ibig sabihin no'n?

"Anak." Kusa akong napalingon kay Mama na katabi ko dito sa passenger seat. "Masaya ka ba na ako ang Mama mo?" Emosyonal ang pagkakasambit niya.

You're Not My SISTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon