(Phone conversation)
1:36 PM
Liam: Hello?
Caller: (something heavy drops, sidewalk noises, plastic rustles)
(Pause)
Liam: 'Tang ina, sino 'to?
Caller: (female voice) Hello? Please, don't curse...
Liam: Uh... (clears throat) Sorry. Sino po ito?
Caller: (soft voice) Sa Montecristo Apartment ba ito?
Liam: Hindi... pero... puwede na rin. Sino po ito?
Caller: This is Millicent Abuevida. I'll be renting apartment 145 at ngayon ako lilipat... Uhm... The landlord's expecting me... but I think... naliligaw ako?
Liam: Okay, Miss Millicent—
Caller: Miles na lang.
Liam: Okay, Miss Miles, what's your situation? Nasa sasakyan ka ba? Commute? May mover na inupahan?
Caller: Uh... wala akong masyadong gamit so walang mover na need upahan. Dalawang maleta lang ang dala ko. I got off the taxi at a street... I don't remember. Sorry.
Liam: Medyo magulo mga kalye papunta rito. Nasa'n ka ngayon para matulungan kita?
Caller: (Pause) Uhm, nasa 7-eleven ako ngayon...
Liam: (whispers "tangina") Ano... May apat na 7-eleven sa paligid, Miles.
Caller: Really?
Liam: (sighs) Oo.
Caller: Ba't... parang galit ka?
Liam: (whispers "ampota") Hindi naman galit. Bale, ano... (pause) tingin ka sa labas ng 7-eleven. Ano'ng nakikita mong establishment?
Caller: Manukan...?
Liam: (whispers "manukan ampota") You mean, tindahan ng lechon manok?
Caller: (soft laugh) Oo pala, sorry.
Liam: (whispers "ginawang manukan ampota") Alam ko na kung nasa'n 'yan. Stay put ka na lang. Sunduin kita.
Caller: Oh. That's so nice of you. Naka-red dress ako at red boots. Medyo kulot. Pretty.
(Pause)
Caller: Hello?
Liam: Nandito pa. (clears throat) Naka-white shirt at walking short lang ako. Matangkad. Guwapo.
Caller: (giggles) So 'pag may lumapit pero hindi guwapo, hindi ikaw?
Liam: 'Pag wala akong nakitang maganda, kahit naka-red dress at red boots, hindi rin ikaw?
Caller: (laughing) You'll see me for sure.
Liam: Ako rin. You'll see me. (laughs)
Caller: (still laughing) Okay. What's your name again?
Liam: Liam guwapo, Miss.
Caller: Oh my god! (laughs)
Liam: (Clicks tongue) Tama na nga. 'Ge. Punta na 'ko diyan.
Caller: Thanks. See you.
Liam: 'Ge.
End of call.
BINABASA MO ANG
Hashtag Boys Series 1: #Awwwit (Liam)
RandomGalet na galet, gustong manaket? Ganun pag #MasaketPaSaPeyn paglaruan. * Si Liam, moving on from a heartbreak. Si Miles, moving sa Montecristo apartment. Para sa dalawang taong magkaiba, masyado silang magaling sumakay sa trip ng isa't isa. Hangga...