Sun | 5:01 PM
Cataleya:
Hello, Kuya. May kasalanan ka sakin...Liam:
ano yun, cathy?Cataleya:
Kausap ko kanina po si Ate Miles. May baked mac siya kasi sabi mo raw, nilutuan mo ako. Nasan na po baked mac ko? 🥺Liam:
ah yun ba? anong sabi mo kay Miles? sinabi mong wala akong binigay na baked mac sayo?Cataleya:
Di na lang po ako nag-comment. HmpLiam:
haha. sorry na, baby. lulutuan kita, pero bukas na lang. dadalhin ko dyan sayo.Cataleya:
Hmp.Liam:
sorry na talaga, baby. ayoko lang mailang si miles dun sa baked mac. puyat kasi sya. naisip ko, baka tamarin mag-order at hindi makakain.Cataleya:
Crush mo si Ate Miles, no, Kuya? Hihi.Liam:
bat napunta sa crush?Cataleya:
Uyyy. Crush mo si AteeeeLiam:
crush ampCataleya:
Di naman ako magtataka po, kasi she's nice and cool. Ang pretty-pretty pa. Tapos friendly pa. Hindi pa maarte. Tapos galante pa sya, Kuya.Liam:
grabe compliments mo ah. ikaw yata may crush, baby
hahahahaCataleya:
I'm just saying po na crushable talaga si Ate. Bagay kayo. AyiiiiiiLiam:
bilis ng talon mo ah. hahahaLiam:
di ko crush yun. ilang araw ko pa lang na kilala, crush agadCataleya:
Nasusukat po ba sa time yun? Bakit si Kuya Magnus, kakikilala pa lang nya, crush na nya?Liam:
malandi kasi kuya mo. hahahahaCataleya:
I have friends din po na alam nila agad if they're going to like a person. Kahit hindi pa nila matagal na kilala.Cataleya:
Saka di ba po, mas importante yung quality of time together, regardless kung mahaba o maikli? Like when we receive a random act of kindness, kahit short amount of time yung experience, malaki ang impact.Liam:
hmm. laki na ng baby namin, ah. bakit iniisip mo na yang mga crush-crush. may crush ka na ba sa school?Cataleya:
Hala, Kuya, bakit napunta sakin? huhu 🥲Liam:
o baka may mga nanliligaw sayo? o baka may first love ka na? alam na ba ni Rohan? ipakilatis mo samin, para mabura sa mundo. hahahahaCataleya:
Ano ba yan, Kuya... 🥲Liam:
may crush ka na nga sa school?Cataleya:
Crush mo nga si Ate Miles?Liam:
hindi ngaCataleya:
Bakit mo sya pinagluluto ng food po?Liam:
wala. gusto ko lang. concern lang ako sa kanya kasi walang ibang mag-aalala sa kanya. parang wala syang ibang kaibigan at malalayo rin mga kamag-anak.Cataleya:
Sabagay... But she's pretty, di ba, Kuya?Liam:
ooCataleya:
And she's nice and cool?Liam:
ooCataleya:
Saka galante po, no?Liam:
dami nga pera lagi. malapit ko na i-refer sa mga nagbebenta ng insurance at retirement plan. hahahahaCataleya:
What if crush ka ni Ate Miles, Kuya? Hindi mo pa rin siya crush?Liam:
di ako crush nunCataleya:
Bakit naman po?Liam:
tingin ko lang.Liam:
ikaw? sino crush mo sa school? baka crush mo nga yung chinismis ni putot, ah. yung nakitang kasama mo sa 7elevenCataleya:
Huhu. Hindi po, Kuya. 🥲Cataleya:
Kuya, may gagawin na po pala ako. Yung baked mac ko bukas po. 🥺Liam:
may gagawin o umiiwas?Cataleya:
May gagawin po. Huhu 🥲Liam:
dagdagan ko garlic at cheese bread yung dadalhin ko sayo.Cataleya:
Bibigyan mo rin uli si Ate Miles po?Liam:
bakit ko bibigyan?Cataleya:
Kasi ginawan mo ko tas idadamay mo sya. Kasi concern ka sa kanya. ✨Liam:
ah oo nga. pwede. sige, gawan ko sya.Cataleya:
Gawan mo uli sya baked mac, Kuya. ✨Liam:
pasta naman siguroLiam:
mahal gumastos sa inyo ahCataleya:
heheCataleya:
You're the best, Kuya! Bye po! ✨Liam:
gege
BINABASA MO ANG
Hashtag Boys Series 1: #Awwwit (Liam)
RandomGalet na galet, gustong manaket? Ganun pag #MasaketPaSaPeyn paglaruan. * Si Liam, moving on from a heartbreak. Si Miles, moving sa Montecristo apartment. Para sa dalawang taong magkaiba, masyado silang magaling sumakay sa trip ng isa't isa. Hangga...