Day 1.3

6.4K 378 149
                                    

***

Monday | 4:24 PM

Mama Lily Montecristo: Nak, dumating ba si Maleficent?

4:46 PM

Liam: baka si Millicent, Ma? yung uupa sa 145? iba si Maleficent. haha

Mama Lily: A basta ay yun ang pangalan.

Liam: Miles daw palayaw niya.

Mama Lily: Dumating nga? Anong oras?

Liam: nagpasundo kanina sa 7eleven. mga alas dos yata yun.

Mama Lily: Komportable naman sya sa apartment nya?

Liam: di ko pa nakatok, ma. hinatid ko lang sya sa pinto nya kanina.

Mama Lily: Kumustahin mo dahil baka walang dalang gamit.

Liam: katukin ko mamaya.

Mama Lily: Maganda ba siya, nak?

Liam: amoy reto yan, ma

Mama Lily: Haha. Curious lang ako kung magugustuhan mo.

Liam: maganda sya, ma. pero wag ka na magreto. kaya kong maghanap ng igi- girlfriend.

Mama Lily: Kung ayaw mo ay baka magustuhan nina Silas o Vernon.

Liam: marunong maghanap ng babae ang mga yun.

Mama Lily: Haha. O sige. Basta wag na sana si Maggie sayo, ha?

Seen

4:58 PM

Mama Lily: Tama na yung minsan na sinaktan ka. Ayoko ng ganoong babae para sayo.

Liam: kahit mag-sorry sya, Ma?

Mama Lily: Kahit mag-sorry. Ha?

Seen

Mama Lily: Mahal mo pa ba?

Liam: hindi ko po alam.

Mama Lily: Block mo na para hindi mo laging nakikita sa facebook.

Liam: sige, ma.

Mama Lily:

Liam: haha

8:01 PM

Mama Lily: Liam, may problema si Miles sa lababo. Puntahan mo nga.

Liam: okay, ma.

Hashtag Boys Series 1: #Awwwit (Liam)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon