(Phone conversation)
10:27 PM
Miles:
(Whispering) Hello, baby. Why aren't you sleeping yet?Liam:
(Low voice) Bumubulong ka na, ah. Tulog na si Mama?Miles:
(Whispering) Yes. How about si Lolo?Liam:
Oo rin. Nakasakal na sa 'kin eh. (Chuckles)Miles:
(Giggles quietly) Don't make me laugh. It's hard.Liam:
'Di naman kita pinapatawa. Nananakal talaga 'to si Lolo 'pag natutulog. (Laughs softly) Ewan ko nga kung pa'nong na-survive ni Lola 'to. O baka ako lang paboritong sakalin?Miles:
Are you comfortable in your room? Ang dami n'yo d'yan.Liam:
Ah dapat ba komportable 'pag matutulog? Giyera kasi talaga kami matulog. (Laughs) Lakas-trip nito ni Lolo. Boys bonding daw 'tapos unang lapat ng likod sa malambot, tulog. (Laughs) Hindi nga naubos 'yong isang lata lang ng beer niya.Miles:
Oh-em-gee. (Giggles)Liam:
Kayo diyan ni Mama? Okay ba kayo?Miles:
I think. She's sound asleep. She's actually intimidating. Naka-cross arms siya matulog.Liam:
O? 'Buti naman hindi nakapamaywang. (Laughs)Miles:
Oh-em-gee, I'm lucky pa pala. Baka nasisikipan pala siya kaya siya naka-cross arms.Liam:
Baka pinipigilan kamo mangyakap. Nangyayakap 'yan 'pag natutulog.Miles:
Tumatabi ka pa ba sa kanya matulog? When you visit her?Liam:
Oo, minsan, 'pag gusto ko o gusto niya. 'Tapos uunan sa 'kin o ako sa kanya.Miles:
(Sighs) That's sweet.Liam:
Wala naman kasi siyang ibang yayakapin. (Pause) Ah, mayro'n pala. Sina pusa. Nakita mo si Adolfo kanina?Miles:
Adolfo? O, the mean cat! (Whispers) Sorry... But yes, nakita ko siya. Dumaan lang siya kanina and he looks mad!Liam:
Sandali ko lang din nakita eh. No'ng nagbi-videoke na sina Lolo.Miles:
Same. Gano'ng time nga. (Pause) Speaking of, next time, you sing na, ha? Si Vernon, magaling pala kumanta.Liam:
Lagi ba naman nagso-solo sa mic 'yon eh. Saka maraming sama ng loob na paghuhugutan 'to. Nagsasalita na nga yata 'to ng tulog. Kanina pa nagmamakaawa eh. (Laughs) Basta 'wag mo na 'ko pilitin kumanta. Uulan.Miles:
You sang naman kanina and it's good naman. Hindi naman umulan.Liam:
Mahal mo lang ako.Miles:
(Giggles) Oo rin.(Both laughs)
Miles:
You know what, I'm tired sa biyahe natin but I enjoyed tonight. (Sighs)Liam:
Sina Mama, hindi pa masyado nag-enjoy. Nahihiya lang daw siya kanina imbestigahan ka.Miles:
Oh-em-gee...Liam:
Nag-alala nga kasi baka raw naiilang ka o nabibilisan. 'Tapos sinabihan pa tayong matulog dito. Baka raw isipin mong pinipikot ka. (Laughs)Miles:
Kaya siguro she was constantly asking me if I was okay? Nagwo-worry pala. Uhm, to be honest, medyo nagulat lang ako na we have to sleep here. But hindi naman ako uncomfortable. Si Cathy nga, dumating kanina na may pillows nang dala. Si Rohan, may dalang kutson. (Giggles silently)
BINABASA MO ANG
Hashtag Boys Series 1: #Awwwit (Liam)
RandomGalet na galet, gustong manaket? Ganun pag #MasaketPaSaPeyn paglaruan. * Si Liam, moving on from a heartbreak. Si Miles, moving sa Montecristo apartment. Para sa dalawang taong magkaiba, masyado silang magaling sumakay sa trip ng isa't isa. Hangga...