Day 12.4

4.1K 347 94
                                    

Guwapo Lang Puwede Rito (Bat nandito ka, Vernon?)
Fri | 09:19 PM


Landlord Liam:
salamat sa kotse @Muntangang Rohan

Muntangang Rohan:
no problem.

Vernon Baho:
musta paghatid, paps? masaya ka na? 

Vernon Baho:
pota ganap ko kanina. inabutan ako rush hour, sakit ng kili-kili ko pagsabit sa jeep amp

Silas Kabet:
nag-sorry ka ba sa nakatabi mong sumabit? baka may sinuntok ng amoy mo. hahahaha

Vernon Baho:
tangina ka hahaha

Silas Kabet:
musta na paps @Landlord Liam? kinilig ka na sa thank you ni Miles? 

Landlord Liam:
bored na bored kayo no

Vernon Baho:
ay, sungit. di yata na-thank you han. hahahaha

Landlord Liam:
nag-thank you naman siya. nag-aalala lang ako. weird kasi Miles kanina

Vernon Baho:
panong weird? 

Landlord Liam:
tahimik na tahimik sa biyahe. sabi ng katrabaho niya, may bisita si Miles kanina. tas nagbago mood pagkatapos nun

Silas Kabet:
tingen ng tahimik? hahahaha

Silas Kabet:
pero sino raw bisita?

Landlord Liam:
malay ko. di naman na ko nagtanong

Silas Kabet:
hina mo naman papi. chismis na, naging bato pa. hahaha 

Landlord Liam:
gago

Vernon Baho:
panong weird ba si Miles? yung parang may nakitang ex, o parang may nakitang current? 

Landlord Liam:
ewan. basta matamlay tas mailap. tinanong ko kung may problema siya, wala naman daw. 

Vernon Baho:
baka may bad news na bitbit yung dumalaw sa kanya kanina

Landlord Liam:
siguro

Vernon Baho:
tindi mo naman yata mag-worry as a landlord paps hahahaha

Landlord Liam:
balik landlord na naman amp. kick kaya kita?

Silas Kabet:
wag mo lagi inaasar si Landlord Liam, Vernon. ganun lang talaga ma-concern mga landlord. hahahahaha

Magnus Pakboy: 
hoy Liam, pano bukas? makukuha mo na ba kotse mo o dadaanan ka namin papunta sa clubhouse? 

Silas Kabet:
tanginang Magnus to, panira sa usapan amp

Magnus Pakboy:
hahahahaha ah may usapan ba? kala ko gaguhan lang dito

Silas Kabet:
pota ka

Vernon Baho:
hahahaha

Landlord Liam:
daanan nyo na lang ako sa bahay. sa isang araw ko pa makukuha kotse ko

Magnus Pakboy:
ge

Hashtag Boys Series 1: #Awwwit (Liam)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon