Day 94

2.1K 150 3
                                    

(Phone conversation)

07:54 AM

Silas:
Hoy, nasa'n ka? Aga-aga ko nagpunta rito sa Montecristo para magdala foods 'tapos wala ka?

Liam:
Shhh. Sakit mo sa tainga. 

Silas:
Sa'n ka nga? Nasa kapehan ka nang ganito kaaga? Kay Melissa na naman? Nachi-chismis na kayo sa Roseville, hoy.

Liam:
Nachi-chismis na ano?

Silas:
Na bago mo 'yan.

Liam:
'Sus. Nakasama ko lang magkape minsan 'tapos nilibre lang ako donut isang beses dahil malay ko sa kanya, bago na agad?

Silas:
(Laughs) Eh 'yon nababalita eh. 'Lam mo naman mga marites sa lugar natin, lagi naghahanap tsaa. (Laughs)

Liam:
Laki ng mga mata nila. Puro tsaa amp. Magkape sila.

Silas:
(Laughs) Corny mo. Wala ka nga sa kapehan? 

Liam:
Wala nga. 

Silas:
Papabili pa naman sana ako kape. Hindi mo type si Melissa? 

Liam:
Ba't ko magiging type?

Silas:
'Sus. Baka sabihin mo na naman na tropa 'yan 'tapos biglang mahal mo na. 

Liam:
(Sighs) Daldal mo, Silas.

Silas:
(Laughs) Wala kang paki. (Laughs) Mahal mo pa Miles? Kailan mo babalikan? 

Liam:
Alam n'yo kayo--

(Silence) (Muffled noises)

Silas:
Hoy, Liam? Ano nangyayari? 

Liam:
(Male voice: ... Sir, 'kala ko kung sino, eh. Tagal n'yo 'di nagagawi rito sa lab.
Liam away from phone: Baka mabanggit n'yo bigla, ah.
Male voice: Hindi, Sir. O, 'ayun si--)

(Silence)

Silas:
Ah, stalker. 

(Silence)

Silas:
Ah, dami kong load. 

(Silence)

Silas:
'Tangina mo ka, Liam, 'di ka na lang nagbaba ng tawag para 'di maubos load ko. 

(Silence)

Liam:
Ano 'yon uli? Hindi ko type si Melissa.

Silas:
Layo na ng usapan natin diyan, Paps.

Liam:
Ano dinala mong pagkain sa 'kin? Lomi lang yata 'yan eh.

Silas:
Budbod 'to. May bagong bukas malapit sa litsunan. Masarap daw pagkain eh. 

Liam:
O, ba't mo 'ko dinalhan? 

Silas:
Bait ko, eh. Perpek ako, eh. (Laughs) Saka bobo ka kasi. (Laughs)

Liam:
Gago ka. Babayaran ko ba 'yan?

Silas:
'Wag na. Kainin mo na lang pagbalik mo. Nakita mo na Miles?

Liam:
Ba't ko makikita?

Silas:
Utot mo. Alam ko kung nasa'n ka.

(Silence) (Muffled noises)

Silas:
Hoy.

(Silence)

Liam:
(Sharp tone) Putangina. Uwi na 'ko.

Silas:
Bakit na naman gagalet? Hoy--

Call cut. 


Hashtag Boys Series 1: #Awwwit (Liam)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon