Day 11.3

4.1K 387 110
                                    

(Phone call)

Vernon in Liam's phone:
Hello, Miles.

(Pause)

Miles:
Uhm... Is this Vernon?

Vernon:
Oo. Nasa shoot si Liam kaya ako ang sumagot. Ano 'yon?

Miles:
Oh, nothing, really. I'm just checking kung nakarating siya nang maayos sa venue n'yo.

(Long pause)

Miles:
Hello?

Liam:
Hello. (Deep breath) Ano 'yon, Miss?

Miles:
Hello, Liam Guwapo. Uh... I'm just checking if nakarating ka on time sa venue.

Liam:
Ah. Na-late nang kaunti, pero nakarating naman.

Miles:
Great. Nasa shoot ka raw, sabi ni Vernon?

Liam:
Oo. (Pause) Ano, pina-retouch ko saglit 'yong bride.

Miles:
Oh. Nag-lunch na kayo? Late lunch kami today here.

Liam:
Tapos na, Miss. Bakit late na lunch n'yo?

Miles:
We had a meeting earlier. 'Tapos alam mo ba, I almost dozed off. (Giggles) 'Buti na lang, hindi ako tinanong about anything, 'cause I'm sure I won't be able to say anything sensible.

Liam:
Naka-lunch break ka pa ngayon?

Miles:
Yes. I'm eating.

Liam:
Umidlip ka kaya pagkatapos?

Miles:
I really plan to, 'cause caffeine's the only thing that's keeping my eyes open.

(Pause)

Liam:
May kasama kang mag-lunch?

Miles:
Yes. Some of my workmates.

Liam:
Ah. That's good.

Miles:
And you know what, I found my tumbler! Inabot ko pala sa maintenance man namin. (Giggles)

Liam:
Lutang na lutang ka, ah. (Chuckles) Pa'no mo nakita uli tumbler mo?

Miles:
The maintenance gave it back to me. Mukha raw kasing naibigay ko sa kanya kanina by mistake. (Giggles) I know, right? I'm super lutang, right? (Giggles more) Confused raw sya kanina no'ng inabot ko 'yong tumbler. Nahiya lang siyang hindi kunin kasi mukha akong decisive. And dismissive.

Liam:
(Laughs) Dapat kang ingatan 'pag puyat na puyat ka. Baka kung ano-ano maibigay mo sa kung kanino.

Miles:
(Giggles) Yeah. I should be careful. But really, it's that damn cat's fault!

Liam:
Kahit sisihin mo 'yong pusa, ngingiyawan ka lang no'n. (Laughs)

Miles:
Eh 'di I'll meow, too! Nando'n pa kaya 'yon sa unit ko?

Liam:
Tingnan natin mamaya. (Laughs) Aawayin mo ba?

Miles:
Puwede. I can away that cat. (Giggles)

Liam:
Sige. Panoorin ko away n'yo mamaya. Lumaban ka sa ngiyaw at kalmutan. (Laughs)

Miles:
Is that all? 'Kala mo ba aatrasan ko ang pusa? I'm good at meowing!

Liam:
Pero wala kang kuko. (Laughs)

Miles:
Yeah. I don't do nails kasi hassle sa work. May kuko ka ba? Can you kalmot for me? (Giggles)

Liam:
Magbo-volunteer ka ba uling magbayad ng SSS ko 'pag kinalmot ko 'yong pusa? (Laughs)

Miles:
Puwede. Kakalmutin mo ba for me? (Giggles)

Liam:
Wala akong kuko. (Laughs) Saka mahilig ako sa pusa.

Miles:
Really? You're a cat person?

Liam:
Medyo. Isa lang pusa namin noon, 'tapos nadagdagan no'ng 'di na 'ko sa bahay umuuwi. Tatlo na pusa ni Mama ngayon. (Laughs)

Miles:
Really? Are they good cats? 'Yong intruder sa unit ko looks mean.

Liam:
Mababait naman, lalo na 'pag busog. Baka kilala ko pa intruder sa unit mo, ah. (Laughs)

Miles:
Why? Kilala mo all cats sa Montecristo?

Liam:
'Yong iba.

(Vernon on background: Liam-)
(Muffled sounds)
(Long pause)

Liam:
Sorry, Miss, kailangan nang bumalik sa trabaho.

Miles:
Oh, sorry. I forgot that you're at work.

Liam:
(Laughs) Okay lang. Kain kang mabuti. Sunduin kita mamaya.

Miles:
Yeah. Drink water, ha? Lalo na if you're outdoors.

Liam:
Thanks. Idlip ka. Kailangan mo. (Laughs)

Miles:
I will!

(Silas on background: Liam-)
(Muffled sound)

Liam:
Sige na, Miss.

Miles:
Bye, Liam Guwapo. Work well!

Call ended.

Hashtag Boys Series 1: #Awwwit (Liam)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon