(Phone conversation)
1:47 AM
Liam: (heavy voice) Ano 'yon, Miles?
Miles: (sleepy voice) Are you okay? I heard heavy thuds. Okay pa ba kayo diyan sa labas? Umiinom pa kayo?
(Pause)
Liam: Ah. Si Magnus 'yon, pumlakda sa sahig. Tumama mukha. (Laughs) Bukol 'to bukas.
Miles: Oh. So you're still drinking? (Yawns)
Liam: Dahil subsob na si Magnus, ako na lang umiinom. Suko na sila. Sina Silas at Rohan, pumasok na sa kuwarto. Si Vernon, baka tulog sa harap ng ref. Clingy sa ref 'yon 'pag lasing. Si Magnus, clingy sa sahig. (Laughs)
Miles: Tell me if you need help to move Magnus. Baka you're too drunk para alalayan siya.
Liam: (Gulps) Bakit naman natin gagalawin si Magnus sa sahig? 'Yaan mo siya.
Miles: Eh, it's cold? Baka basa pa 'yong sahig diyan sa pool area?
Liam: Malamig talaga. Pero 'yaan mo siya. Ginusto niya 'yan.
Miles: Kawawa naman eh. Sasakit katawan niya bukas.
Liam: Hindi. Iuutot niya lang 'yong lamig.
(Miles giggles and Liam laughs)
Miles: Ikaw? What's your plan? Uubusin mo pa alak diyan?
Liam: Hindi naman. Iinom lang hangga't may malay pa.
Miles: Malakas kang uminom?
Liam: Hindi. Nandaya lang ako sa tagay kanina. (Laughs)
Miles: Kung nandaya ka kanina, bakit umiinom ka pa ngayon? 'Di ba ang sense ng pandadaya sa tagay ay para hindi malasing?
(Pause)
Liam: Hindi rin. Gusto ko lang sanang pagtripan 'tong mga gago 'pag naunang malasing kaysa sa 'kin.
Miles: How did it go, then?
Liam: Ako pinagtripan eh. Ginigisa ako sa halikan kay Maggie kanina.
Miles: Oh. That. (Giggles) Bakit mo kasi hinalikan?
Liam: (clicks tongue) Grabe bintang ah. Hindi ako ang humalik. Sinunggaban ako.
Miles: Bakit hindi ka umilag?
Liam: Nagulat ako eh.
Miles: (disbelieving) Hmm. Really?
Liam: Oo.
Miles: Bakit ang tagal n'yo nag-kiss?
Liam: Kung nag-a-assume ka na nagustuhan ko, mali ka. Hindi ako nakapalag agad kasi hawak ako sa batok. Maliit lang 'yon si Maggie pero malakas braso no'n.
Miles: Pero hinalikan mo pabalik?
Liam: Hindi.
(Pause)
Miles: Good. Kasi 'di ba, may boyfriend 'yon?
Liam: Oo. Kaya nga sabi ko sa kanya kanina, mahiya naman siya sa boyfriend niya.
(Pause)
Miles: Really? You said that? Wow.
Liam: Oo. Siyempre, cheating 'yon. Kung ako boyfriend niya, magagalit akong ina-ambush pa niya ex niya sa 7-eleven.
Miles: Baka may feelings pa sa 'yo si Maggie.
(Long pause)
Liam: (Sighs) Kung halimbawang totoo 'yan, ano naman?
Miles: Tch. Sungit mong lasing ah. (Laughs softly)
Liam: 'Di naman magbabago 'yong nangyari dahil lang may feelings pa pala siya. Nakipaghiwalay siya sa 'kin. Nag-boyfriend siya ng iba. Dini-display niya bago niyang boyfriend. Eh ano ngayon, kung may feelings pa pala siya sa 'kin?
Miles: (Soft voice) Hindi mo na ba siya... mahal?
(Pause)
Liam: (Sighs) Hindi ko alam. Basta kapag iniisip ko siya, nagagalit ako.
Miles: Nagagalit ka kasi nasasaktan ka pa?
Liam: Nagagalit ako kasi nagagalit ako.
(Pause)
Miles: Uhm, seryoso ba kayo before?
Liam: Pa'nong seryoso?
Miles: Umabot sa pagpapakilala sa parents, sa families... gano'n.
Liam: Ah. No'ng gusto niyang ipakilala ko siya, ayoko pa. No'ng gusto ko na, ayaw na niya. In short, malabo.
Miles: Hindi ka nanghihinayang?
Liam: Nanghihinayang. Nanghihinayang akong minahal ko siya.
(Long pause)
Liam: Na-in love ka na ba?
Miles: Uhm... Hindi pa yata.
Liam: Bakit hindi ka sigurado? (Chuckles)
Miles: Kasi I experienced romantic feelings before, but I don't know kung love na 'yon.
Liam: (sighs) 'Pag na-in love ka na, 'tapos minahal ka rin, isa lang ang 'wag mong gagawin.
Miles: Ano? Maghabol sa magiging ex ko? (Laughs)
Liam: 'Wag kang magsisinungaling.
(Long pause)
Miles: Whoa...
Liam: Kapag nagsinungaling ka sa taong mamahalin mo... pahihirapan mo siyang magtiwala at maniwala sa 'yo.
Miles: I'll keep that in mind. (Clears throat) Uh, so, nagsinungaling ka ba kay Maggie before?
(Glass clinking, long gulps)
Liam: Antok na 'ko, Miles...
Miles: Uhm, do you need my help to go to your room?
Liam: Hindi naman. Clingy ako sa mesa 'pag ganito. (Pause) Inform lang kita na mawawalan ka na ng kausap. (Chuckles)
Miles: (Laughs softly) Okay. Good night, Liam.
Liam: Good night.
End of call.
BINABASA MO ANG
Hashtag Boys Series 1: #Awwwit (Liam)
RandomGalet na galet, gustong manaket? Ganun pag #MasaketPaSaPeyn paglaruan. * Si Liam, moving on from a heartbreak. Si Miles, moving sa Montecristo apartment. Para sa dalawang taong magkaiba, masyado silang magaling sumakay sa trip ng isa't isa. Hangga...