(Phone conversation)
10:41 PM
Liam:
Hello, Ma.Mama Lily:
Ano'ng nangyari at maghapon akong tumatawag ay ngayon ka lang sumagot?Liam:
Sorry, Ma, 'kala kasi namin nawala 'tong phone ko. Naipit lang pala sa bag ni Magnus 'tapos wala nang charge battery.Mama Lily:
O, bakit hindi ka nakitawag sa mga pinsan mo? O kay Rohan?Liam:
May after party pa kasi 'yong kasa. Nagtrabaho pa kami hanggang kanina. Sorry, nawala na sa isip ko. Puro na nga kami tulog dito. Si Vernon na nagda-drive.Mama Lily:
Ah, gano'n ba. Nasa'n na ba kayo? Ano'ng oras kayo makakauwi?Liam:
Baka madaling-araw na po kami makauwi. Sa clubhouse kami dederetso para higa agad. (Laughs)Mama Lily:
May pagkain pa kayo? Baka gutom kayo...Liam:
Meron po kami take-out pero mas gusto na namin matulog. Dami ganap sa kasal, Ma. Halos lahat, gusto pakuhanan. Magaling naman magbayad 'yong kinasal. Dami lang masyado kaibigan at ninang. (Laughs) Pati yata mga opisyal ng barangay nila, nando'n. Para kaming nag-cover ng pista.Mama Lily:
Ay nagko-cover naman kayo ng malalaking kasal ah.Liam:
Opo, pero hindi kami iisang team lang 'pag gano'n. May isa kaming niyayaya.Mama Lily:
Sina Hulyo ba 'yan?Liam:
Opo.Mama Lily:
Malaki naman bayad sa inyo diyan sa project sa Vigan?Liam:
Opo, Ma. Mula pre-nup namin hinawakan 'to eh. Kinukursunada na nga ng coordinator si Magnus. (Laughs)Mama Lily:
'Sus. Sabihin mo kay Magnus, taliang mahigpit ang bayag niya.Liam:
Huli na ang lahat.(Both laughs)
Mama Lily:
Naku, ewan ko sa inyo. (Pause) Pero mabuti kung ayos ang bayad sa inyo. O siya. Matulog ka pa sa biyahe para makabawi ka.Liam:
Opo.Mama Lily:
Teka. Bukas ba ay may trabaho pa kayo?Liam:
Wala po. Next week na uli. Pahinga muna.Mama Lily:
Pumunta tayo sa mga lola mo bukas. Doon na rin tayo matulog dahil birthday ng lolo mo sa isang araw.Liam:
Sige po. Pero mga hapon na sana, Ma.Mama Lily:
Oo. Magpahinga kayo. Dadalhan ko kayo ng pagkain sa club house.Liam:
Thank you, Ma. Ganda, bait, at the best ka ah.Mama Lily:
Sisingilin ko sa 'yo ang pagkain.Liam:
Ma... ayoko po magmura.Mama Lily:
(Laughs loudly) Joke lang. Pangit ka ka-bonding.(Both laughs)
Mama Lily:
Sige na, 'nak. Ingat kayo.Liam:
Opo.Call ended.
BINABASA MO ANG
Hashtag Boys Series 1: #Awwwit (Liam)
RandomGalet na galet, gustong manaket? Ganun pag #MasaketPaSaPeyn paglaruan. * Si Liam, moving on from a heartbreak. Si Miles, moving sa Montecristo apartment. Para sa dalawang taong magkaiba, masyado silang magaling sumakay sa trip ng isa't isa. Hangga...