Day 12.5

4K 339 98
                                    

(Phone conversation)

11:27 PM 

Miles:
Hello.

Liam:
Hello, Miss. Ano 'yon?

Miles:
Uhm, sorry for calling so late... uh, again.

Liam:
(clears throat) Okay lang. Bakit hindi ka pa tulog? May binabasa ka uli para sa trabaho?

Miles:
No, no. I've... (Pause) May mga iniisip lang, and sort of reviewing my day. And then, I realized that I might have weirded you out earlier tonight when you fetched me. Saka, feeling ko, hindi ako nakapag-thank you nang maayos.

Liam:
Ah. Kaya ka tumawag para magpasalamat? Okay lang naman 'yon. 

Miles:
I'm sorry if I ever made you uncomfortable, ha?

Liam:
Hindi naman uncomfortable. Nag-alala lang din ako... dahil parang may problema ka. Okay ka lang ba talaga?

(Pause)

Liam:
Sorry. Hindi mo naman kailangang sabihin sa 'kin kung anuman ang gumugulo sa isip mo o nagpatamlay sa 'yo. Pero kung may magagawa ako para sa 'yo, 'yon, sabihin mo.

(Pause)

Liam:
Miles?

Miles:
I'm still here... uh, sorry. (Sighs) Can I ask you something?

Liam:
Ano ba 'yon? 

Miles:
What if someone you love... is with a person who's bad for him and you have the means to make him see it? Would you do anything?

(Long pause)

Liam:
(Clears throat) Ga'no mo kamahal 'yong someone you love mo?

Miles:
Huh?

Liam:
Kasi kahit bigyan kita ng rason, logic, konsensiya... kung mahal na mahal mo 'yong someone na 'yon, hindi ka makikinig. Maiisip mong 'yong paraan mo lang ang tama at 'yong mga dahilan mo lang ang makatwiran.

(Pause)

Miles:
Wow. That makes sense.

Liam:
Pero kung kailangan mo pa ring marinig 'yong rason at logic... paaalalahanan kitang magdalawang-isip. Baka mali ka ng gagawin. Baka mali ka ng tantya. Baka hindi kailangan ng tulong ng taong mahal mo. Mahirap din makialam sa dalawang taong may relasyon. Baka kahit maganda ang intensyon mo, mapasama ka. Baka mapahamak ka. (Pause) Basta pag-isipan mong mabuti.

Miles:
But if it's you... would you do something? Anything?

Liam:
Kung ako, oo. Kasi kung puwede kong mailigtas ang mga mahal ko sa buhay sa sakit at problema, ililigtas ko.

Miles:
Kahit... may masaktan ka?

Liam:
Kahit makasakit ako o masaktan ako.

(Long pause)

Miles:
Sorry. Ang heavy yata ng usapan natin.

Liam:
Soft hours na eh. (Chuckles)

Miles:
Uhm... I can't remember kung nabanggit ko kanina sa 'yo, but I have work tomorrow. Since sira ang kotse mo at may plans din kayo for the day, magga-Grab na lang ako, ha? 'Wag ka nang magpagod para lang maghatid. Naaabuso na kita.

Liam:
Hindi naman ako ang naabuso kanina. Si Vernon. (Chuckles)

Miles:
(Laughs softly) Bad. I need to thank him, too.

Liam:
Ako na magte-thank you para sa 'yo. (Laughs)

Miles:
Hmp. I'll think of something.

Liam:
Sige. Ikaw bahala.

Miles:
We should sleep, Liam Guwapo. Thank you.

Liam:
No problem. Good night, Miles.

Miles:
(Sighs) Good night.

End call.

Hashtag Boys Series 1: #Awwwit (Liam)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon