Day 27.3

3.2K 305 58
                                    

(Phone conversation)

10:43 PM

Liam:
Hello, Silas. Tama ang pagma-marites n'yo. 'Di na 'ko babalik d'yan.

Silas:
Kinausap ka na ni Miles? 

Liam:
Kinausap na rin. Tipid lang. 

Silas:
Umiiwas pa rin? 

Liam:
Malamang.

Silas:
Awts. Peyn. 'Kala namin kanina maghahalikan kayo. (Laughs) Lala ng titigan n'yo, eh.

Liam:
Halikan ampota. Napatitig lang ako kasi... ang ganda kasi. 'Di ko alam kung gumanda ba lalo o kung na-miss ko lang. 

Silas:
Sinabi mo ba sa kanyang maganda siya?

Liam:
Hindi. Baka ma-awkward. Kaya nga tinitigan ko lang. Saka antok 'yon. Lutang 'yon 'pag antok. Baka walang preno akong mabasted. 

Silas:
Peyn part two. (Chuckles) Bakit pala may echo ka diyan?

Liam:
Nasa banyo ako, tanga. 

Silas:
Tumatae ka pa yata 'tapos tumawag ka. Ang baboy mo. (Laughs loudly)

Liam:
Tanga. Naghilamos lang ako para magising nang kaunti. Saka... (Pause)

Silas:
Saka ano?

Liam:
(Lowers voice) Tumahimik ka sandali. (Pause) May nagbubukas yata ng pinto ko. 'Tang inang 'yan. Nambiktima na ba uli 'yong akyat-bahay na nirereklamo no'ng isang linggo?

Silas:
Malay ko. (Pause) May nagbubukas nga ng pinto mo? Kahit nandiyan ka?

Liam:
Wala akong nakabukas na ilaw, eh. Baka 'kala, walang tao.

Silas:
'Sus. Sino naman maglalakas-loob pumasok sa unit mo. Alam sa buong Roseville kung sa'n ka nakatira. 

Liam:
Malay ko kung sino. (Pause) May nagbubukas talaga. Mu-mute kita pero 'wag mo bababa, ah. Kung magnanakaw 'to 'tapos mahuli ko, tumawag ka agad ng barangay o pumunta kayo rito. 

Silas:
Baka mas pwede pa back-up si Pretty. (Chuckles)

Liam:
Sshhh. Lalabas ako ng banyo.

(Silence. Noises.)

Liam:
(Mutters) Ano 'to? 

Silas:
Ano? 

Liam:
May... (Silence)

Silas:
Hoy, Liam.

(Silence. Noises. Door opening. Silent footsteps.)

Miles on background:
(Small voice) Hello? You're not here, right? Ugh, stupid. (Pause) What am I even doing inside his unit? I should have just left this outside his door. (Unintelligible words) (Noises) I should have just given this to his mother. Stupid self. 

(Footsteps. Door closing.)

(Long silence)

Silas:
Hoy, tanga. Buhay ka pa ba? 

Liam:
Nandito pa, tanga.

Silas:
Si Miles 'yon?

Liam:
Oo.

Silas:
Ba't parang kaaway sarili niya? (Laughs)

Liam:
Naglagay ng box ng dessert yata 'yon dito sa mesa ko. Kinuha uli. Baka iniwan sa pinto. 

Silas:
Anong dessert? 

Liam:
Cupcakes yata 'yon. Mukhang sosyal na cupcake. (Pause) Sandali uli.

(Noises. Long pause)

Liam:
Palakad-lakad 'to sa labas si Miss Miles. Tinutukso akong lumabas.

Silas:
Baka makikipagbati sa 'yo. 

Liam:
'Di naman kami nag-away. Nabasted lang ako.

Silas:
Baka hindi ka basted.

Liam:
Kung hindi siya ang magsasabi, basted ako.

Silas:
(Laughs) 'Ge, 'ge. 

Liam:
Wala na yata. Tahimik na sa labas ng pinto. 

Silas:
Kinikilig ka na niyan? 

Liam:
(Chuckles) Wala kang paki. Marites ka. 

Silas:
(Laughs) Pota na 'yan, kinikilig nga. Sige na. Namnamin mo kilig mo, tanga.

Liam:
S'yang tunay. 'Ge. Kita na lang bukas.

Silas:
'Ge.

Call ended.

Hashtag Boys Series 1: #Awwwit (Liam)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon