(Phone conversation)
01: 33 AM
Liam:
Hello, Miles? Bakit gising ka pa? May nilalamay ka uling basahin?Miles:
(Soft voice) Hello, Liam. Wala akong binabasa. (Yawns) Nagising lang ako sandali, then I checked my phone and I got worried 'cause you didn't have a message for me. Nakauwi ba kayo? Are you safe?Liam:
Ah. (Clears throat) Nasa club house kaming apat nina Magnus. Sinamahan lang mag-inom si Silas. Tanga kasi 'to. Baka kung ano gawin 'pag mag-isa lang siya.Miles:
Oh, why? Is he okay?Liam:
Buhay pa naman siya. Tulog na, kani-kanina lang.Miles:
What happened to him?Liam:
Naku, mahabang kuwento. Sabihin na lang nating nagpapakatanga siya sa isang babae, kahit 'di naman siya mahal.Miles:
Oh.(Pause.)
Miles:
That's sad.Liam:
Wala eh. 'Yon pinili niyang gawin, eh.Miles:
Break na sila no'ng girl?Liam:
Pa'no sila magbe-break kung hindi naman siya 'yong boyfriend?Miles:
(Yawns) That's complicated. (Yawns) You? Are you okay?Liam:
Antok ka na, Miles. You should sleep.Miles:
But are you okay? Uuwi ka pa ba o diyan ka na matutulog? Makikita ba kita?Liam:
Okay naman ako. 'Di naman ako masyadong uminom. 'Mayang madaling-araw ako babalik sa apartment para magluto.Miles:
Will that be okay? Pagod ka na ngayon at nagpuyat ka pa.Liam:
Masarap pa rin naman ako magluto kahit pagod o puyat ako.Miles:
(Laughs softly) That's not my point.Liam:
Ano po ba, Miss Miles?Miles:
I'm just worried about you.Liam:
(Sighs) Nag-aalala na rin ako sa sarili ko. (Chuckles)Miles:
Ha? Why? Do you feel sick? Puwede naman akong mag-order na lang mamaya for breakfast or kumain sa pantry namin.Liam:
Ayoko. Gusto kitang ipagluto at gusto kong kumain kasabay ka.Miles:
Gusto ko rin 'yon.Liam:
Good. Tulog na, Miles. On time ako sa almusal natin mamaya.Miles:
I would love that. (Yawns) Para 'di kita ma-miss...(Pause.)
Liam:
Ano uli 'yon?Miles:
Huh? Ano 'yon? What did I say?Liam:
(Chuckles) Wala.Miles:
Oh-em-gee. Kung ano-ano na naman ba sinasabi ko? (Yawns) I should sleep.Liam:
(Yawns) Oo. Tulog na. Good night, Miles.Miles:
Good night, Liam Guwapo.Call ended.
BINABASA MO ANG
Hashtag Boys Series 1: #Awwwit (Liam)
RandomGalet na galet, gustong manaket? Ganun pag #MasaketPaSaPeyn paglaruan. * Si Liam, moving on from a heartbreak. Si Miles, moving sa Montecristo apartment. Para sa dalawang taong magkaiba, masyado silang magaling sumakay sa trip ng isa't isa. Hangga...