Day 97.4

2.7K 227 71
                                    

(Phone conversation)

11:55 AM

Liam:
Miles...

(Silence)

Miles:
Liam?

Liam:
Nasa'n ka? Inalok ka na bang magpakasal ni Hammond? Hintayin mo 'ko, please...

(Silence)

Miles:
How did you get my new--

Liam:
Sa tarantadong si Magnus. Nilandi yata isang katrabaho mo. (Swallows) Pero nasa'n ka? Please, sabihin mong hindi ka pa inaalok pakasal ni Hammond. Alam kong sinabi ko sa 'yong itigil muna natin 'yong atin... hinayaan kitang lumayo... hindi ako nagparamdam... ang gulo kong magplano at magdesisyon kung ano ang gagawin para abutin o lapitan ka uli... Natatanga lang ako sa gagawin, Miles, pero hindi ibig sabihin n'on nakalimutan na kita. 

Liam:
(Swallows) Hindi ko lang alam kung pa'no lalapit uli... o kung kailan. No'ng dinala kita sa Montecristo no'ng lasing ka, noon lang uli nakumpleto 'yong unit ko. Umalis lang ako sandali pero pagbalik ko, wala ka na. Kahit alam kong posibleng sumuko ka na sa 'kin no'n kaya nag-iwan ka na lang ng note, iniisip ko na kung pa'no ka susuyuin pabalik. Kaya 'wag ka naman munang magpakasal sa iba, baby. Baka puwede mo 'kong hintay--

Miles:
Did you just... call me baby? Did you forgive me already?

Liam:
Ba't, baby rin ba tawag sa 'yo ni Hammond? 'Pag pinatawad ba kita, lalo kang magpapakasal sa iba? Kasi kung oo, 'di pa kita patatawarin. 

Miles:
What are you saying...?

Liam:
'Wag ka munang magpakasal sa iba. Hintayin mo muna ako. Mag-usap muna tayo.

Miles:
Are we... I mean... pinipigilan mo 'kong magpakasal kasi...?

Liam:
Hindi ko kayang mawala ka, Miles. Nag-iisip  pa lang ako ng mga gagawin para lumapit uli sa 'yo pagkatapos kong malaman lahat sa pinsan mo, 'tapos magpapakasal ka kaagad sa--

Miles:
Sino ba'ng magpapakasal? Kanina mo pa sinasabi but it's not me.

Liam:
A-Ano...?

Miles:
Sino'ng sinasabi mong magpapakasal? 

Liam:
Nasa engagement ka ngayon, 'di ba? 

Miles:
You mean proposal? 

Liam:
Oo. Yayayain kang pakasal ni Hammond, 'di ba? 

Miles:
No. Why would he do that? Girlfriend niya si Viv. 

Liam:
Viv? Sino 'yon?

Miles:
Someone at work. Hindi ba sinabi nina Magnus sa 'yo? 

Liam:
A-Anong...

Miles:
I'm... uh, I'm preparing to go back to you, too. (Softer voice) Why would I marry someone else and... not you? 

(Silence)

Liam:
'Tangina...

Miles:
Babawiin mo ba lahat ng sinabi mo now that you know na hindi ako ang magpapakasal? 

Liam:
Teka... Sandali lang...

Miles:
You can bawi it. But let me court you.

(Tires screeching)

Liam:
A-Ano? Ulitin mo nga.

(Cars honking)

Miles:
I--I've been talking to your mother and I asked her if I can court you. I introduced Tita Emer din sa kanya so she'd know I'm serious and that I won't hurt you or trick you again. Kaya puwede ba kitang ligawan, Liam Guwapo?

(Silence)

Liam:
(Swallows) 'Tangina, Miles, bakit mo 'ko liligawan? 

Miles:
Because I want to be your girlfriend again. (Breathes deeply) I did you wrong and I hurt you... and I don't think I'm worthy of you... but I still want to be your girlfriend. Hindi mo alam kung pa'no lalapit uli sa 'kin kasi hindi naman ikaw 'yong dapat lumapit this time. It's me. Ako 'yong dapat gumawa ng daan pabalik. 'Di ba? 

Liam:
'Tangina...

Miles:
But since you're coming for me, you can't back out now. You're driving na papunta rito, 'di ba? Meet me here at the venue. Sabihin mo uli sa 'kin ang mga sinabi mo na. 

Liam:
'Tanginang Magnus at Rohan 'to. 

Miles:
You're not backing out now, right? Papunta ka pa rin dito, right?

Liam:
Uh... oo.

Miles:
Okay.

(Silence)

Liam:
Papunta na 'ko sa 'yo, Miles.

Miles:
I'll wait, Liam Guwapo. 

Call ended. 

Hashtag Boys Series 1: #Awwwit (Liam)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon