(Phone conversation)
06:17 PM
Mama Lily:
Hello? Ano 'yon, anak?Liam:
May pusa rito sa unit ko, Ma. Mamamatay na yata 'to.(Noises and meows)
Mama Lily:
Pusa? Kaninong pusa? May nagpaalaga sa 'yong pusa?Liam:
Tsk. (Pause) Hindi ko pa po alam kung kanino 'to. 'Yong pusa 'to na trespassing sa unit ni Miles. Kanina lang, nando'n uli 'to, eh. Ako, naglabas.Mama Lily:
O? Eh bakit sabi mo ay mamamatay na yata? Sinaktan mo ba kanina? Ano'ng ginawa mo?Liam:
'Di ko sinaktan, Ma. Pinakain ko pa nga kasi mukhang gutom.Mama Lily:
Sira ba ang pinakain mo? O baka naman bawal?Liam:
Hindi po sira. Hotdog pinakain ko.Mama Lily:
Kumain ng hotdog? Ay bawal 'yon sa pusa. Hindi mo ba alam?Liam:
Bawal ba 'yon? Kinain naman nito kanina. (Away from phone: O, bawal pala sa 'yo hotdog, kinain mo rin.)Mama Lily:
Bawal 'yon. Baka gutom na gutom lang kaya pumatol. Kawawa naman. Ano na ginagawa?Liam:
Naduduwal yata, eh. Nasa ilalim ng lamesa ko. Saka nag-iihi. (Away from phone: 'Wag kang iihi--naku po.)Mama Lily:
Naparami nga yata ang kain no'ng hotdog. Bayaan mong magsuka at mag-ihi. Kasalanan mo 'yan at tanga ka. Bigyan mo rin ng tubig.Liam:
'Di ko naman alam. (Clicks tongue) Bilhan ko na lang cat food at chicken 'to maya-maya.Mama Lily:
Lutuin mo nang maayos ang manok, gaya ng ginagawa mo para sa mga pusa natin dito. 'Yong cat food, naaalala mo 'yong binibili ko para sa mga pusa rito sa bahay?Liam:
Pamilyar naman, Ma. 'Pag 'di ko naalala, tanungin ko na lang si Kulot.Mama Lily:
Oo, at maraming alam sa hayop 'yon. Abang-abangan mo rin ang amo niyan. Baka may maghanap.Liam:
Oo nga po.Mama Lily:
'Yon lang ba ang itinawag mo?Liam:
Opo. Bigla kasi pumasok sa unit ko 'tong pusa. Dahil siguro ako nagpakain dito kanina. 'Buti na rin na dito nagpunta kaysa kay Miles. Mag-aalala pa 'yon. Saka, magluluto ako pasta at baked mac bukas, Ma. Dalhan ba kita diyan? O baka may lakad ka?Mama Lily:
Ayos na ba ang kotse mo?Liam:
Dadalhin daw po bukas ng umaga dito.Mama Lily:
Ah, gano'n ba. Sige, dalhan mo nga ako ng pasta mo. Dito ka ba manananghali?Liam:
Opo.Mama Lily:
Ano'ng ulam ang gusto mo?Liam:
Sinigang, Ma.Mama Lily:
O sige, ipagluluto kita. Kung wala kayong shoot bukas ay mag-bake din tayo ng cake, ha? May mga ingredients dito. 'Tapos ay dalhan mo si Miles. Wala pa akong welcome gift sa kanya.Liam:
Sige po. Sige na, Ma. Baba ko na.Mama Lily:
Sige, anak.Call ended.
BINABASA MO ANG
Hashtag Boys Series 1: #Awwwit (Liam)
RandomGalet na galet, gustong manaket? Ganun pag #MasaketPaSaPeyn paglaruan. * Si Liam, moving on from a heartbreak. Si Miles, moving sa Montecristo apartment. Para sa dalawang taong magkaiba, masyado silang magaling sumakay sa trip ng isa't isa. Hangga...