(Online status)
Eloisa Madrigal
42m • 🌎Maraming sana pagdating sayo
Sana iniisip mo ko
kung paano kitang iniisip
Sana inaalala mo ko
sa aking pananahimik
At sana kung sakaling hindi
magawa ko sanang manatili
na nag-iisip
na nananahimik
na umaasam
sa mga sana pagdating sayo.Maraming bakit pagdating sakin
Bakit mas makulit ang mata kong
hanap-hanapin ka
kahit alam ng utak ko
na wala ka naman na
Bakit mas makulit ang puso kong
pangarapin ka
kahit alam ng utak kong
baka walang pag-asa
At bakit kung sakaling totoong
maghahanap lang akong lagi sayo
dahil lalagi kang wala
at lalagi kang pangarap lang
bakit mas gusto kong manatiling
naghahanap
nangangarap
at umaasa
sa kabila ng mga bakit pagdating sa akin.Maraming pag-ibig pagdating sayo
mula sana sakin
na nag-iisip sayo kahit nananahimik
at makulit na naghahanap sayo kahit wala ka
Na kung saka-sakali at may tamang panahon
o tamang paraan
baka masumpungan ko ang mga sana ko sayo at masagot ko ang mga bakit sa akin
at bakasakaling
masumpungan din natin ang pag-ibig
para sa ating dalawa.#ParaSayo #BakitPaikotIkotAngMgaSalita
__________________________
Like | Comment | Share
💜 Liam Montecristo, and 145 others
BINABASA MO ANG
Hashtag Boys Series 1: #Awwwit (Liam)
RandomGalet na galet, gustong manaket? Ganun pag #MasaketPaSaPeyn paglaruan. * Si Liam, moving on from a heartbreak. Si Miles, moving sa Montecristo apartment. Para sa dalawang taong magkaiba, masyado silang magaling sumakay sa trip ng isa't isa. Hangga...