(Phone call)
Miles:
Hello, Liam? Are you driving? (Pause and murmurs: Of course, he's driving. He needs to be somewhere.)Liam:
(Chuckles) Hello, Miles. Oo, nagda-drive. Wireless naman headset ko, don't worry.Miles:
Tsk. You heard me yata. Sorry, medyo lutang ako.Liam:
Oo, narinig kita. (Chuckles) May break ka naman siguro. Matulog ka sa break.Miles:
Yeah, except I want to sleep now and I just got here. (Laughs) Kanino ba kasing pusa 'yong nakapasok sa unit ko? It kept on meowing the whole time I was trying to sleep. 'Tapos no'ng nakita ko na, sa 'kin pa galit? Imagine? Hindi ko pa makuha ro'n sa sulok ng bathroom, gosh. Naubos energy ko kahahabol sa pusa!Liam:
(Laughs) Pusa ba 'yong magulo sa 'yo no'ng madaling-araw? Sabi mo kanina, rabbit.Miles:
Sinabi ko na rabbit?Liam:
Oo. No'ng nasa kotse ka.Miles:
Baka lutang lang ako no'n! It's a cat! Gosh... bakit rabbit ang sinabi ko?Liam:
(Laughs) Malay ko sa 'yo. Hindi ko na lang pinansin kanina kasi halatang antok na antok ka.Miles:
(Sighs) Yeah. Antok talaga ako. I had a good nap in your car while you're driving, but kulang pa rin. Oh my god...Liam:
Uminom ka ng kape.Miles:
Nasa 'yo 'yong tumbler ko?Liam:
Iniwan ko na sa 'yo kanina. Nilagyan ko pa ng kape at nilagay sa kamay mo. Hindi mo nadala sa lab?Miles:
Totoo?Liam:
Oo. Hindi mo hawak ngayon?Miles:
Where did I...(Pause)
Miles:
Oh my god! Ibinigay ko yata sa nasalubong ko or something? Oh-em-gee! Kanino ko ibinigay?Liam:
(Laughs out loud) Tindi ng pagkalutang mo ah.Miles:
Seryoso ba? Ibinigay mo talaga sa 'kin 'yong tumbler ko? Totoo?Liam:
Oo. 'Di mo maalala?Miles:
Parang oo na parang hindi. Oh-em-gee!Liam:
(Laughs harder) Magkape ka, Miss. Kailangan mo na talaga.Miles:
Oh-em-gee. I'm so bothered kung kanino ko inabot 'yon. And what about you? Anong pinaglagyan mo ng kape? You need it, too, while driving.Liam:
Nagdala ako ng tumbler. Pinagbalakan ko talaga 'yang kape diyan sa inyo. (Laughs)Miles:
Oh. That's good. Anyway... why am I calling again?Liam:
(Laughs) Ang cute mo, Miles. (Laughs)Miles:
(Whiny voice) No... I'm really serious. Hindi ko maalala kung bakit ako tumawag? O ikaw ba ang tumawag?Liam:
(Coughs while laughing) Tumawag ka lang at tinatanong kung nagda-drive ako.Miles:
Oh. Then I guess I just want to make sure that you're okay, you're awake, and you're safely on your way to work. And I guess I want to talk to you more because I kind of missed it since I just slept the whole time in the car kanina.Liam:
Ah, miss mo 'ko. (Chuckles)Miles:
What? What did I say?Liam:
(Laughs) Wala. Sabi ko, salamat sa pagche-check. Okay naman ako, miss. Magkape ka na. Baka magamot pagkalutang mo. (Laughs)Miles:
Yeah. I really need coffee in my system! And 'ayun. Drive safely. Saan ka nga uli papunta?Liam:
Batangas, miss.Miles:
Oh, sa Batangas. (Pause) Sa Batangas?! And you went out of your way and drove me to work, kahit pupunta ka ng Batangas after? Are you nuts? Binabayaran ko ba ang SSS mo? Why didn't you tell me?Liam:
(Laughs harder) Ibang klaseng lutang ka. Sinabi ko po sa 'yo kaninang nagtanong ka. Kaso antok ka. (Laughs) Saka okay lang naman ako. Mabilis ako mag-drive.Miles:
(Apprehensive) Then later...Liam:
Susunduin kita. Don't worry.Miles:
Pero ang layo mo. Mapapagod ka...Liam:
Paladesisyon ka sa pagod ko, ah. (Laughs)Miles:
I don't need to be paladesisyon to know na mapapagod ka! (Hmp)Liam:
Okay lang ako, miss. Susunduin kita mamaya.Miles:
I can... commute?Liam:
Sa lutang mong 'yan ngayong araw? 'Wag na. Susunduin kita para panatag ako at panatag ka. Okay?Miles:
Well... Okay...(Pause?)
Miles:
I'm not... abusing your kindness, am I?Liam:
Hindi. Ginagawa ko ang ginagawa ko kasi gusto ko ring gawin.Miles:
Baka kasi mabait ka lang, eh.Liam:
Kahit magpakabait ako, hindi ko gagawin ang mga bagay na hindi ko gusto.Miles:
Okay, then. Thank you, Liam.Liam:
No problem, Miles.(Pause)
Miles:
Uhm... ano, drive safely. Magkakape na 'ko.Liam:
Sige, miss. Kumita ka ng limpak-limpak diyan. (Laughs)(Pause)
Miles:
Yeah. (Pause) Uh... Yeah.Liam:
Hmm. May sasabihin ka pa ba?Miles:
No, wala. (Muffled sounds) Natutulala lang. Bye, Liam!Liam:
Okay, Miles.Call ended.
BINABASA MO ANG
Hashtag Boys Series 1: #Awwwit (Liam)
RandomGalet na galet, gustong manaket? Ganun pag #MasaketPaSaPeyn paglaruan. * Si Liam, moving on from a heartbreak. Si Miles, moving sa Montecristo apartment. Para sa dalawang taong magkaiba, masyado silang magaling sumakay sa trip ng isa't isa. Hangga...