Day 27.1

3.3K 323 55
                                    

(Phone conversation)

09:56 PM

Mang Tadzy:
Liam, nasaan ka ba? 

Liam:
Sa clubhouse, Mang Tadzy. Bakit po?

Mang Tadzy:
Ay, 'eto kasing girlfriend mo, nagpasundo sa laboratoryo nila. Ang daming dala-dala eh. Tinanong ko kung bakit hindi nagpasundo sa 'yo, ngumiti lang. Nakisuyo lang na ibaba ko sa gate ng Montecristo itong mga dala niya. Kako, tutulungan ko syang iakyat, matindi naman tumanggi. Mukhang mabibigat ang dala eh. (Pause) Nag-away ba kayo? 

Liam:
Nasa'n na kayo? 

(Pause)

Mang Tadzy:
Lasing ka yata. Sabi mo, nasa clubhouse ka. 

Liam:
Nakainom lang po kaunti. Kaya ko naman magbuhat. Sa'n na po kayo?

Mang Tadzy:
Nakainom nga rin yata ito. (Clicks tongue) Malayo-layo pa naman sa Montecristo. Mga fifteen minutes pa siguro.

Liam:
Bakit n'yo nasabing nakainom?

Mang Tadzy:
No'ng nagsasalita eh. Parang lasing. Tulog nga ngayon sa sasakyan kaya ako nakatawag sa 'yo. Kanina kasi ay nagsasabi akong tatawagan kita, panay ang pigil.

Liam:
Ah. Baka lasing lang ho sa antok at pagod 'yan.

(Pause)

Mang Tadzy:
May gano'n ba?

Liam:
Meron ho. Si Miles. (Chuckles) (Pause) Sige po, Mang Tadzy. Punta na 'ko sa Montecristo. Hintayin ko kayo sa gate.

Mang Tadzy:
Sige. Salamat.

Liam:
Salamat din po. Ingat kayo sa pag-drive. Pakiingatan 'yong tulog. Pagod 'yan.

Mang Tadzy:
(Laughs a little) Oo naman. Kabisado ko na 'yang bilin mo.

Liam:
Sige ho.

Call ended.

Hashtag Boys Series 1: #Awwwit (Liam)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon