Day 15.2

3.9K 372 358
                                    

(Phone conversation)

10:44 PM

Liam:
Hello? Ano 'yon, Miles?

Miles:
Uh, nothing. Kumakain kasi ako. (Laughs softly) I thought kung gising ka pa, iistorbohin kita.

Liam:
Ba't late na kain mo?

Miles:
Nakaidlip ako kanina pag-uwi, after ko i-receive 'yong food na bigay mo. Ngayon lang uli nagising, kasi I'm hungry. (Munched) You? Why are you still awake? O nagising nga kita?

Liam:
Patulog pa lang ako. Nakaidlip din ako kanina pag-uwi, pagkabigay ko sa 'yo no'ng pagkain.

Miles:
(Laughs softly) Ang dami mo kasing niluto! I'm amazed pagsilip ko sa paperbag. I thought pasta lang ang dinala mo. May mga bread pa pala and muffins. May lasagna pa.

Liam:
May cake ka pa sa ref. Si Mama kasi, lakas ng trip. (Chuckles) Mag-bake daw kami 'ta's bigyan ka namin dahil wala pa siyang welcome gift sa 'yo.

Miles:
Really? Sinabi ni Tita 'yon? But—wait. Let me get something to drink.

(Muffled noises and humming)

Miles:
I have juice na.  (Pause) So I was saying, bakit sinabi ni Tita 'yon eh she already gave me houseplants when I moved here? Sabi niya, pampapresko raw ng bahay. Hindi pa ba gift 'yon?

Liam:
O? Lakas talaga trip nito ni Mama. 

Miles:
And she gave me a cooking pot, too. Hindi nga lang ako nagluluto.

Liam:
'Ba. Sandok pa lang nabigay sa 'kin ni Mama, ah. Bakit may lutuan ka? (Chuckles)

Miles:
Ako lang 'to, Liam Guwapo. (Laughs softly) (Pause) Anyway, I should give her something, too, 'no? Ano kayang puwede kong ibigay?

Liam:
Pusa siguro, para may naaalagaan siya. (Laughs) O aso, para may kaaway mga pusa namin, 'tapos may sasawayin siya.

Miles:
(Laughs) You're bad.

Liam:
Hindi ah. Gusto ko lang may entertainment siya. Puro gala 'yon kasama mga amiga niya. Puwede mo siya bigyan ng magagamit niya sa paggala. (Laughs)

Miles:
Oh. Noted. (Munched) Hindi na siya nagha-handle nitong apartment n'yo?

Liam:
Hindi ko na pinagha-handle. Hirap maningil sa upa 'yon, eh. (Laughs) Sabi ko, ako na lang, kasi takot sa 'kin mga umuupa. Sa takot mamura, puro advance magbayad. 

Miles:
True nga? You don't look scary naman.

Liam:
Weh? Kahit no'ng una mo 'kong nakita, 'di ka kinabahan?

Miles:
No. You're guwapo.

Liam:
Naks. Parang naniniguro ka ng masarap na pagkain bukas, ah.

Miles:
(Laughs softly) Of course! Puwede ka ba mag-extra ng puwede kong dalhin sa work? (Laughs more) I'm just kidding. You really didn't look intimidating to me. Although, yes, sa normal standards siguro, mukha kang angry. 

Liam:
'Yan na, nam-bash na.

Miles:
No po. I'm just telling the truth.

Liam:
Ikaw, mukha kang mayaman.

Miles:
Mayaman lang? I'm pretty din!

Liam:
Lakas, ah. (Chuckles) (Clears throat) Yes, you're pretty.

Miles:
And I have beautiful eyes. Asset ko 'to.

Liam:
Sino nagsabi n'yan? Si Hammond? (Laughs)

Hashtag Boys Series 1: #Awwwit (Liam)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon