(Phone conversation)
09:47 AM
Liam:
Hello, Ma, libre ako ngayon. Punta ko diyan sa bahay. Ano gusto mo iluto ko para sa 'yo?Mama Lily:
Pupunta ka? Ay aalis ako, eh. May lakad ako.Liam:
May lakad ka na naman? Sa'n na naman 'yan? Linggo-linggo ka umaalis ah.Mama Lily:
(Laughs softly) Ay bawal ba? Para kang guwardiya ah.Liam:
'Di naman bawal. Pero kada Linggo, may lakad ka. Baka may ka-date ka, ah.Mama Lily:
Parang lunch date nga.Liam:
May boyfriend ka na ba? O may nanliligaw ba sa 'yo? Baka humaharot ka, Ma, may dala ka man lang bang proteksyon?Mama Lily:
(Laughs hysterically) Iniisip mo bang sa 'kin ka nagmana sa kaharutan? Hindi sa 'kin kundi sa ama mo! Hindi ko kailangan ang proteksyon, anak.Liam:
Alam kong may asim ka pa, Ma, pero ayokong magulat 'pag biglang may kapatid na pala ako.Mama Lily:
(Laughing, coughing) Punyeta ka, Liam. Apo ang gusto ko at hindi anak. Ayoko na uli mag-alaga.Liam:
(Laughs) Ah, harot na lang habol mo? Alam ba no'ng lalaki? 'Wag kang magpaasa, Ma.Mama Lily:
(Coughing) Punyeta kang bata ka. (Coughing, laughing) Nahihirapan ako huminga.Liam:
(Laughing) Kalmahan mo, Ma.Mama Lily:
(Breathes deeply) Basta 'wag kang guwardiya diyan. Walang problema sa kinikita ko tuwing Linggo.Liam:
Wala palang problema eh. Pakilala mo muna sa 'kin bago ka makipagrelasyon. Hingin mo man lang boto ko kung magkaka-stepdad ako.Mama Lily:
Nanliligaw pa lang naman 'to. Sabi ko nga, ligawan ka.Liam:
Kahit 'wag na. Inuman na lang kami.Mama Lily:
(Laughs) Ayaw mong ligawan ka?Liam:
Inuman na lang. O suntukan.Mama Lily:
(Laughs) Parang lugi naman siya sa suntukan, 'nak.Liam:
Bakit? Sobrang tanda na ba nyan? Baka naman sandali lang buhay nyan, 'tas tayo pa papalibing ah.Mama Lily:
(Laughs hysterically) Mapera 'to.Liam:
Mayamang matandang madaling mamatay ba dini-date mo, Ma? May problema ba tayo sa pera? Kaya ka naman namin buhayin nina Vernon. Saka dumadami na clients namin.Mama Lily:
(Laughs) Hindi. Kung ano-ano iniisip mo.Liam:
'Di mo kasi pinapakilala eh.Mama Lily:
Ipapakilala ko rin sa 'yo. Tumitiyempo lang kami.Liam:
(Pause) (slightly higher tone) Magbo-boyfriend ka nga?Mama Lily:
Male-late na ako, anak. Magsa-shopping pa raw kami bago kumain.Liam:
Saan?Mama Lily:
Hindi mo ako susundan at hindi mo ako pamamanmanan. Pipingutin kita sa itlog.Liam:
Punyeta. (Laughs out loud)Mama Lily:
(Laughing) May gusto ka bang bilhin ko para sa 'yo?Liam:
Wala.Mama Lily:
Sigurado ka?Liam:
Wala. (Clears throat) 'Wag mo sasagutin 'yan nang 'di ko nakikilala ah.Mama Lily:
(Laughs) Hindi. 'Wag kang masyadong pangit ka-bonding, anak.Liam:
(Laughs) Sige, Ma. Wala ako next weekend, ah. May shoot kami.Mama Lily:
Sabi nga ni Magnus.Liam:
Sige po. Ingat ka at proteksyon kung haharot ka.Mama Lily:
Tarantado! (Laughs)Liam:
(Laughs) Love you, Ma.Mama Lily:
I love you, anak.Call ended.
BINABASA MO ANG
Hashtag Boys Series 1: #Awwwit (Liam)
RandomGalet na galet, gustong manaket? Ganun pag #MasaketPaSaPeyn paglaruan. * Si Liam, moving on from a heartbreak. Si Miles, moving sa Montecristo apartment. Para sa dalawang taong magkaiba, masyado silang magaling sumakay sa trip ng isa't isa. Hangga...