Mon | 10:58 PM
Mama Lily:
Nasaan ka? Bakit hindi mo sinasagot ang mga tanong ko?Mama Lily:
Inaabuso mo na naman yata si Miles!11:18 PM
Liam:
grabe bintang mo, ma. hahaMama Lily:
Nasan ka?Liam:
nasa 145 po. pero wala akong ginagawang masama.Mama Lily:
Panong nandyan ka pero wala kang ginagawa. Bumalik ka sa unit mo kung wala ka palang gagawin!Liam:
nakaunan sakin si miles, ma. sarap ng tulogMama Lily:
Hay naku, Liam!Liam:
wala kaming ginawa. pinatulog ko langMama Lily:
Anong klaseng patulog? Nagkamot ka ng kati?Liam:
lupit naman haha
hindi ako nagkamot ng kati
pinatulog ko lang talaga
cuddle lang maMama Lily:
Cuddle cuddle. Wala bang ibang unan yan at naging unan ka?Liam:
boyfriend duties to, ma. hahahahaMama Lily:
Ang highblood ko sayo, mother duties dinLiam:
wag ka na highblood mama. wala naman kami ginawa. pramis.
kahit mabulunan pa si vernon hahaMama Lily:
Naku... Ang sabi kanina ni Putot ay may ipinagagawa raw sa unit mo.
Anong pinagawa mo na naman?Liam:
magagalit ka yata pag sinagot ko ah hahaMama Lily:
Umayos ka, Liam.Liam:
nagpa soundproof po.Mama Lily:
At bakit kailangan mo na naman ng soundproof? Nung huli kang nagpa-soundproof, akala ko ay magkakaapo ako run sa marumi ang pusod!Liam:
hahahaha taenang yanLiam:
nubayan ma
hahahahMama Lily:
Ay totoo naman na ganun ang nangyari! Naghihintay kami nina Pretty na lumobo ang tiyan ni landi!Liam:
dami dami kong condom maMama Lily:
Hina-highblood talaga ako sayo, Liam! Hindi pa natin kilala ang pamilya niyan!Liam:
iniingatan ko naman po si miles.Liam:
may naging gf na ba ko na nagreklamo sayo sakin?Mama Lily:
Wala pa.Liam:
wala talaga dahil maingat ako.Liam:
saka napag-usapan na namin ni Miles yung sa pamilya niya. papakilala nya raw akoMama Lily:
Totoo? Baka binobola nyo ako.Liam:
totoo hahaLiam:
tindi trust issue mo ah hahaMama Lily:
Ay natural. Noon kay Maggie ay puro tayo plano sa pakilala, wala naman akong nakilala. Mas nakita ko pa yung ipinalit sayo!Liam:
peynLiam:
pero past is past po hahaLiam:
nag-usap na rin kami na punta kami dyan sa weekend. para mapagalitan mo kami sa personal. hahahahaMama Lily:
Pagagalitan ko talaga kayo, aba!Mama Lily:
Alam kong malaki ka na pero kahit ikaw ang anak ko, ingatan mo si Miles. Lalo na kung wala na siyang magulang at puro tiyahin at pinsan na lang ang kamag-anak. Ikaw ang dapat na unang mag-isip ng para sa interes niya. Hindi porke girlfriend mo ay aabusuhin mo.Liam:
alam ko naman po. akong bahala sa kanya. turuan ko si Miles magsumbong sayo para lagot ako. hahaMama Lily:
Lagot ka talaga sa akin.Liam:
ma, naiistorbo si miles sa katatawa ko rito. hahaMama Lily:
Ay di wag kang tumawa!Liam:
hahahahaLiam:
wag ka na magalit. di pa naman ako mag-aasawaLiam:
pero baka pwede na maging daddyMama Lily:
Punyeta ka!Liam:
joke lang ma. hahahahaLiam:
love you. wag ka na masyado highblood. hahaLiam:
tulog na. anong oras na o.Mama Lily:
Dyan ka ba matutulog?Liam:
opo ma. boyfriend duties. luluto pa ko nang maagaMama Lily:
Paano ang lakad nyo bukas?Liam:
antipolo lang naman po yun.Mama Lily:
O sige. Huwag ka nang mangalikot diyan!Liam:
hahahahahaLiam:
hindi poLiam:
kailangan magpahinga ni miles. may trabaho to bukasMama Lily:
Mabuti at naiisip mo.Liam:
sabi ko naman po sayo, misis montecristo, di naman masyado gago ang anak mo. hahahaMama Lily:
O siya sige. Good night na. I love you. Umayos ka.Liam:
maayos naman po. love you.
BINABASA MO ANG
Hashtag Boys Series 1: #Awwwit (Liam)
RandomGalet na galet, gustong manaket? Ganun pag #MasaketPaSaPeyn paglaruan. * Si Liam, moving on from a heartbreak. Si Miles, moving sa Montecristo apartment. Para sa dalawang taong magkaiba, masyado silang magaling sumakay sa trip ng isa't isa. Hangga...