Day 18.3

3.5K 380 187
                                    

Thu | 06:22 PM

Miles:
Liam Guwapo, you're not here sa apartment?

Liam:
wala, miss. schedule kasi ng mga pusa sa vet kanina. ako nagdadala para kay mama.

Miles:
But it's night na?

Miles:
I mean, bukas pa ba ang vet until ganitong oras?

Liam:
de, kanina pa yun. nakabalik na ko. pero punta pa kami ni mama kina lolo at lola. may sakit daw kasi si lola. dadalhan namin sila pagkain.

Miles:
Oh. Anong sakit? Is their house far from where you are?

Liam:
hindi pa namin alam kung ano sakit kaya pupuntahan namin para ma-check. makukulit kasi yung mga yun. ayaw nagpapa-check up kasi nanghihinayang sa gastos. 

Liam:
mga one-hour drive din. bakit, miss?

Miles:
Oh. That means you're gonna be out for a while.

Liam:
oo. bakit? iniisip mo ba yung dinner ko? kahit wag mo na muna ako bilhin. bawi ka na lang bukas. haha

Miles:
Actually, I already bought dinner for you. I got home early today. 

Liam:
ang aga yata. karaniwan, ganitong oras, nasa lab ka pa.

Miles:
Well, I just thought I'd go home extra early. 

Liam:
pagod ka ba? mabuting maaga kang nakauwi para makapahinga ka. 

Miles:
I'm not tired naman. Umuwi lang talaga ako nang maaga. 

Miles:
I guess I'll save your food na lang. Lagay ko na lang sa fridge. 

Liam:
sige, miss. 

Miles:
Don't cook breakfast for me tomorrow.

Liam:
bakit naman? nakabili na ko ingredients ng breakfast para bukas.

Miles:
Omggg. 🥺

Liam:
paladesisyon ka na naman ba sa pagod ko?

Miles:
Sobra mo na kong ini-spoil, Liam Guwapo. 

Liam:
hayaan mo lang na i-spoil kita. 😁

Miles:
I can't even bawi. 🥺

Liam:
dalhan mo na lang uli ako ng dinner bukas sa editing. kung hindi ka naman busy. may edit uli ako bukas, eh.

Miles:
All-nighter uli? 

Liam:
madalas naman magdamagan para sulit renta sa editing studio. 

Miles:
Oh. I'll buy you lots of food and coffee. Can I tambay again?

Liam:
oo naman.

Miles:
I'll spoil you tomorrow night. 

Miles:
Uh, nandun ba kaya bukas your cousins and friends?

Liam:
bakit? gusto mo rin sila i-spoil?

Liam:
wag mo silang spoil. ako lang. 

Liam:
magastos pag kaming lahat ililibre mo. ba-ban ko sila bukas sa studio. 

Miles:
No. I'm not thinking of spoiling them. Just curious if they'd be there. 

Liam:
yown. wag mo talaga silang isipin. 

Miles:
Why?

Liam:
para tipid. hahaha

Miles:
Tch.

Liam:
alis na muna kami, miss. 

Liam:
hi raw sabi ni mama

Miles:
Oh, okay. Ingat kayo.

Miles:
Hi rin po kay Tita. 

Liam:
ganda at bait mo raw sabi ni mama

Liam:
pinapa-type lang ako tas pinapanood nya. wag ka mawirduhan

Liam:
sure ka raw bang wala kang boyfriend?

Liam:
ano raw ideal type mo?

Liam:
marami pa sya pinapatanong pero wag na

Liam:
hinampas ako. hahahahaha

Liam:
no ba to si mama

Miles:
Hahaha. Ingat, Liam Guwapo. 

Miles:
Mama Lily, ingat po.

Liam:
Salamat, Miles anak. Single ang anak ko. Remind ko lang. - Mama Lily

Miles:
Omgggg

Liam:
yaan mo lang topak ni mama. haha. rest well, miss. mag-lock ka pinto at bintana sa unit mo. baka pumasok si pusa at istorbohin ka uli. 

Miles:
Will do. Thank you! 💕

Hashtag Boys Series 1: #Awwwit (Liam)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon