Day 11.2

3.8K 327 30
                                    

(Phone call)

Liam:
Ano 'yon?

Silas:
Papunta ka na ba, paps?

Liam:
Papunta na. Sigurista ka, ah.

Silas:
Siyempre, paps, wala akong tiwala sa 'yo, eh. Alam ko namang tanga ka 'pag inlab ka. (Chuckles)

Liam:
Inlab ampota. Naghatid lang ako, inlab agad.

Silas:
'Sus, naghatid. Ano ka, Grab? (Chuckles)

Liam:
Baba ko na 'to. Istorbo ka sa pag-drive.

Silas:
Istorbo ampota. Ako pa istorbo, ikaw nga ang pahintay. 'Di ka pa inlab niyan ah. (Laughs)

Liam:
Alam mo... putang ina ka.

Silas:
Galit yarn? (Laughs louder)

Liam:
Baba mo na kung wala ka namang ibang sasabihin.

Silas:
Ikaw ba? Wala kang tatanong? Para kang walang project ah. (Laughs)

Liam:
'Tang inang 'to. Oo na, sige. Ano na ganap diyan?

Silas:
Wala pa, kaya nga may oras pa 'kong mambuwisit. (Laughs) Nagme-make up pa bride at groom. Nag-aayos camera setting si Vernon.

Liam:
Nagme-makeup pa lang? Tataas na araw. Mamaya, mag-a-adjust uli ng setting dahil sa exposure.

Silas:
Marami silang indoor shots. Easy ka lang, paps.

Liam:
Remind mo pa rin sa oras.

Silas:
Sige, sige. Pero bilisan mo pag-drive kasi hinahanap ka rin ng client.

Liam:
Oo. Before lunch, nandiyan na 'ko.

Silas:
Sige, paps. Ingat.

Liam:
Ge.

Silas:
Ingat sa puso mo. (Laughs)

Liam:
Korni ampota.

Call end.

Hashtag Boys Series 1: #Awwwit (Liam)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon