(Phone conversation)
11:03 PM
Mama Lily:
Hello, anak. Nasa Vigan na kayo?Liam:
Opo, Ma. Nasa pabahay na. (Laughs softly)Mama Lily:
Anong pabahay? Akala ko ba ay may hotel?Liam:
May transient house po kaming nirentahan dito. 'Yong hotel room ay bukas pa, sa wedding no'ng client. May kuwarto daw para sa amin do'n sa venue.Mama Lily:
Ah. Kumain na ba kayo? Anong oras pa kayo makakapahinga nyan? Maaga yata kayo bukas.Liam:
Kakain pa lang po. Naghahanap ng kakainan si Magnus. (Pause) 'Musta si Adolfo diyan, Ma?Mama Lily:
Sinong Adolfo?Liam:
(Chuckles) Matanda ka na yata, ah. 'Di mo na agad kilala si Adolfo. (Laughs more) Si Pusa. 'Yong pinadala ko diyan kanina kay Kulot. 'Di ka ba inaaway? Kalmutin mo rin, Ma, 'pag inaway ka.Mama Lily:
Sa dami naman kasi ng pangalan ay bakit Adolfo? (Laughs)Liam:
Si Silas nagpangalan diyan. (Laughs)Mama Lily:
Kumain na si Adolfo. Ang lakas nga sa karne. Aawatin ko sana kaso ay masama tumingin. (Clicks tongue) Wala bang naghahanap dito? Sinubukan mo bang ipagtanong sa Montecristo?Liam:
Pinagtatanong ko na po sina Kulot at Putot. Ipi-pictorial ko nga sana 'yan si Pusa para may pam-post sa announcement, kaso parang laging galit eh. Ang sama tumingin, nakakalmot na nga. 'Kala mo, laging kakalmot. Malakas talaga sa karne 'yan, Ma. Tirador ng manok.Mama Lily:
Sandali. (Away from phone: O, Adolfo, sa'n ka galing? At bakit mukha kang galit? Pumirmi ka rito sa bahay kaysa gala nang gala. Kung saan-saan ka na naman susuot.) Kauuwi lang ni Adolfo, Liam. Mana sa 'yo itong pusa. Parang laging magmumura.Liam:
Ma... pangit mo ka-bonding.Mama Lily:
Mas pangit ka ka-bonding, anak. (Laughs)Liam:
Saka, Ma, (clears throat) ilang araw akong wala sa Montecristo. Ano... dalaw ka bukas do'n.Mama Lily:
Sa Montecristo ako dadalaw o sa 145 lang?Liam:
Sa Montecristo mismo. Hindi ka nakapunta sa birthday ng aso ni Pretty. Hinahanap ka.Mama Lily:
Sinong naghahanap? 'Yong aso ba? Kilala ba ako no'n?Liam:
(Laughs) Ma, inaantok ka na ba? Ayaw mo na ba 'kong kausap? Bakit pangit ka ka-bonding?(Both laughs)
Mama Lily:
Aba, magulo ka magsalita eh.(Laughs more)
Liam:
Si Pretty ang naghahanap sa 'yo! Pa'no ka naman hahanapin no'ng aso niya? (Laughs)Mama Lily:
Kaya nga. Hindi naman ako kilala no'n.(Both laughs)
Mama Lily:
(Clears throat) Pupunta talaga ako ro'n, dahil nga kay Pretty. Dinramahan ako sa message eh. Inireserba niya raw ako ng silya, pagkatapos ay hindi naman ako pumunta sa birthday. Tampo raw siya.Liam:
Anong sabi mo? Sinabi mo bang kasama ka ni Mareng Georgia mo kahapon?Mama Lily:
Hindi. Ang sabi ko ay patingin ng iyak.(Both laughs)
Liam:
Ano ba 'yan, Ma. Sino nagtuturo niyan sa 'yo?Mama Lily:
Sina Vernon at Silas! (Laughs) Naku, matatawa ka. Si Pretty, nag-send nga ng picture niya na ang pangit ng mukha. Tubig lang naman ang inilagay sa pisngi. (Laughs) Sabi ko ay pupuntahan ko siya kaya maghanda siya ng pagkain ko.Liam:
Daanan mo na rin 'yong 145, Ma.Mama Lily:
Oo nga. Dadalhan ko siya ng pasta.Liam:
'Wag mo nang ireto sa 'kin, ha? Baka mailang 'yon.Mama Lily:
Bawal ba kahit remind? (Laughs)Liam:
'Wag na, Ma. Iniiwasan na nga ako no'n.Mama Lily:
O sige. Kahit remind ay hindi ko gagawin. Ayoko rin naman siyang mag-alangan sa Montecristo. Wala pa mandin tayong nakikilalang kahit sino sa kaanak niya. Wala pang dumalaw, ano?Liam:
Wala pa.Mama Lily:
Nakapagtataka naman ang batang 'yon at kung bakit hindi man lang dalawin ng mga kaanak.Liam:
Wala na kasing pamilya 'yon, Ma. Mga tiyahin at pinsan na lang.Mama Lily:
Ah, kaya siguro. Pero kahit na. Sana ay dalawin man lang nila kung saan ang bagong tinitirhan. Mag-iisang buwan na rin siya sa atin.Liam:
Kaya nga po. 'Buti nga at nakakausap naman na siya ni Pretty. Kahit pa'no may iba na siyang kilala ro'n bukod sa akin at kina Silas.Mama Lily:
'Pag wala siya bukas sa Montecristo ay iiwan ko na lang kay Pretty ang ibibigay ko sa kanya. Pero susubukan kong hintayin siya para makumusta.Liam:
Thank you, Ma.Mama Lily:
'Wag mo nang dibdibin ang pagkakabasted sa 'yo. Kung naiilang ay lumigpit ka muna. Baka matakot sa 'yo kung magpipilit kang kumausap o lumapit.Liam:
Hindi ko naman po siya pinipilit.Mama Lily:
Mabuti naman. 'Yong kalmot pala sa 'yo, kumusta?Liam:
Kalmot pa rin po. (Laughs) Makirot lang nang kaunti pero ayos naman na rin. Nagbigay ng gamot kanina si Pretty no'ng nagpunta rito. Tinatanggihan ko nga sana dahil malayo naman sa bituka 'to, kaso makulit.Mama Lily:
Ang bait yata ni Pretty sa 'yo ngayon. Si Magnus ang gusto niyan, ah.Liam:
Sabi ko nga po, nakakaduda siya. Dinramahan naman ako.Mama Lily:
Mag-aartista yata talaga 'to si Pretty eh.(Pause)
Liam:
Sige na po, Ma. Baba ko na 'to. May nahanap na raw na kainan si Magnus. Kain na po kami.Mama Lily:
O sige. Mag-ingat kayo diyan. Magpahinga ka nang maayos pagkatapos, ha?Liam:
Opo. Balitaan mo 'ko bukas, Ma. 'Wag mo na reto si Miles 'pag nakausap mo, ha?Mama Lily:
Oo.Liam:
Tulog ka na rin, Ma. I love you.Mama Lily:
I love you, anak. Mag-ingat kayo.Call ended.
BINABASA MO ANG
Hashtag Boys Series 1: #Awwwit (Liam)
DiversosGalet na galet, gustong manaket? Ganun pag #MasaketPaSaPeyn paglaruan. * Si Liam, moving on from a heartbreak. Si Miles, moving sa Montecristo apartment. Para sa dalawang taong magkaiba, masyado silang magaling sumakay sa trip ng isa't isa. Hangga...