"Dito yan, tas ito dito"
Pikon na pikon na ako kay Ate Jane. Hindi man lang tumulong sa pag-aayos ng mga gamit. Nakasimangot tuloy ako habang bitbit ang karton ng damit ko.
"Mali. Wag mun---"
"Tangina! Tumulong ka! Mas madaling gawin ang mga bagay kesa ituro lang. Ikaw dito at ako ang magtuturo kung san ilalagay!" Bulyaw ko sa kanya.
"Aba! Hoy, babae! Paalala lang. Libre ang meryenda mo kanina, ah!" sumbat niya.
"Aba, ate! Ipagpapasalamat ko pa yun gayong ito naman ang kapalit? Edi sana ikaw na lang ang pinakain ko sa lahat ng yun!" Bulyaw ko naman sa kanya. "Ina ka. Ikaw magbitbit ng mga gamit na yan, ah. Gamit ko lang at libro ang kukunin ko, bahala ka dyan" saad ko saka inumpisahang ibaba lahat ng gamit ko.
Ganon na nga ang nangyari. Kanya-kanyang baba ng gamit. Syempre, si Papa, nag-aayos ng bahay. Tangina, sama pa naman ng araw ko tas gaganyan-ganyan pa si Ate? Baka makalimutan kong kelangan, dalagang Pilipina ako at baka may kapitbahay kaming Ginoo.
Pangit ng gising ko, pramis. Yung boyfriend ko. Chour, may boyfriend ako. So, sinabi ko sa boyfriend ko na aalis na kami. Sinabihan ko pang, LDR rarely works but we are an exception, tas nakipag-break pa. Tangina lang. Mamatay na lahat ng may pangalang Harry.
"Sayang naman yung living fiction mo, noh? Kundi lang tayo lumipat, ang saya niyo sana" hindi ko makapa ang sincerity ni ate nang sabihin niya yun. It was like, she stated that to annoy me. Well, she failed. It does not annoy me. It makes me pissed, bitch.
"Kumati sana likod mo tas di mo maabot" pairap na anas ko. Tinawanan niya lang ako. So bale, nasa veranda na kami ngayon ng bahay. Unlike before na magkahiwalay kami ng kwarto, we shared a room now, which was just fine for me as long as it can be call as room.
"Malay mo, taga-dito pala ang forever mo. Maxpein be like. Nagtransfer, pinatid, binully, nagkaforever!" Energetic na anas niya. Napaisip naman ako. Hindi sa gusto kong magpapatid pero malay ko ba kung effective.
"Ate, tingin mo may locker sa school namin?" Tanong ko. "Natin" bawi ko. Same school nga pala kami. Sa college nga lang siya while I was in Grade 10.
"Aba! Nangarap ka pa ng pagcorner sa locker ah? Alam mo, ang mga ganyang pangarap, natutupad naman yan eh. Itulog mo lang" nakangising ani niya. I just made face on her. Epal.
"Ate, since ikaw ang nakagala here sa buong village, may nasagap ka bang guwapo?" anas ko sa kanya. Nasa lamesa na kami ngayon, naggagabihan. Kasama namin si Papa na busy sa pagkain, oblivious sa paligid niya.
"Ha? Village? Zoo toh diba?" Natawa ako sa sinagot niya. Boba rin eh.
"So walang nasagap yang mata mo? Ang pangit ng village naten, literal" anas ko. Nag-angat naman ng tingin samen si Papa saka napa-tsk.
Ganyan lang yan si Papa, mukhang walang pake pero ilang beses nang nabanatan si Harry dahil sa panliligaw kuno. Consistent naman ang EX ko dahil napa-aprob niya na rin si Papa. Kaso, back to zero na naman ang lovelife ko, shutangnames.
"Naayos niyo na ba ang mga gamit niyo sa pagpasok? Magsisimula na kayo bukas" saad ni Papa.
"Char. Hindi naman halata na prepared kayo, Pa, ah?" Ramdam na ramdam ang sarcasm sa boses ni Ate, making Papa laugh a bit.
Can't y'all normalized using sarcasms? Chour! Mema lang. The audacity.
"Echos. Pero ano pa lang dahilan at nagdesisyon kayong lumipat dito, Pa. I mean, we're fine naman there diba?" takang tanong ko.
"Well---"
"Char, English" sabay naming banggit ni ate at sabay-sabay kaming tumawa na tatlo. Feeling kabataan din itong si Papa eh.
"Nilipat ko kayo rito kasi gusto ko kayong mahirapan maglipat ng mga libro niyo" deretsong saad niya.
"Gandang dahilan. Nakakagana mabuhay. Nainspire tuloy akong maglayas" saad ni Ate.
"Kidding aside. May property kasi akong imamanage dito. Kelangan kong magfocus dun kaya bumili ako ng isang bahay sa village nato. This is my hometown, anyways" saad niya, sinagot ng buo ang tanong namin.
Nagpatuloy kami sa pagkain ng gabihan. Lagi naman kaming sabay kumain, though parang laging may kulang. At kahit hindi ko sabihin kung ano, alam ng puso ko na yun talaga ang hinahanap nito.
I lost her when I was six. She had cancer. She fought it for us. Pero hindi lahat ng laban ay naipapanalo. May mga laban na kailangang isuko dahil nakakapagod na. At yun ang pinakamasakit na parte ng laban. Ang katotohonang, gusto mo pang lumaban pero kelangan mo nang sumuko.
Before anything turns into emotional, inisip ko na lang na sana, walang mang-aagaw ng asawa sa lilipatan ko. Dahil kapag meron, dadalhin ko na talaga araw-araw ang Diary ng Panget.
Nilingon ko si Ate Jane. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya tapos sa Temptation Island: Sinful Desire. Favorite niya talaga ang Red Room. Napailing na lang ako. Hinanap ko ang isang aklat na labis akong nakakarelate. Ang Wake Up, Dreamers ni AnakNiRizal. Chour~
At nang mahanap ko na ang Possessive Series 14: Lysander Callahan, sinimulan ko na itong basahin. Pinangako ko sa sarili kong maaga na akong matutulog. Tinupad ko naman yun. Umaga na nga ako natulog.
"Hoy, gising na! Hinahanap ka ni Peter! Sumama ka na daw sa kanya" Inis kong minulat ang mata ko.
Tangina mo, Ate Jane.
"Ah, talaga? Hanap ka nga ni Yeshua eh. Reunion daw kayo" pairap na anas ko. Bumangon na ako. 1 am, tulog na ako. Pag ganon, 8 ang gising ko. Kaso, 6 ako nagising ngayon. Fuck!
"Jeep lang daw ang sasakyan na naglilibot sa village" anas niya paglabas ko sa cr.
"Kahit kulto pa ang naglilibot dyan, hindi pa rin mabubuhay si Lovemir" saad ko saka naghalungkat ng mga damit.
Panghuli, nagsuot na lang ako ng white tank top, denim jacket at maong skirt. Wala akong makita eh. Hinayaan ko lang na nakalugay yung buhok ko. Silky black yan, uy! Palmolive gamit ko. Walang kulot. Straight and smooth!
Kinuha ko na yung sling bag ko na may lamang isang notebook, isang bolpen, at kung ano pa mang school stuffs.
"Kabagal mo, literal!" singhal saken ni Ate Jane.
Nag-aayos pa ako sa salamin, shuta ka. Maghintay.
"Liptint lang toh, tanga. Ang pangit mo, literal" I mocked her sound. She made face then stepped out from our room. Kinuha ko na yung lollipop ko saka lumabas.
In every place, there's a new beginning. In every beginning, there's a new story. In every story, there's new character. And that new character, will bring a new life. And I am going to start a new life, in my new place. Chour~
BINABASA MO ANG
HS1: When Fate Plays
JugendliteraturHIGHSCHOOL SERIES 1 [C O M P L E T E D] Fiona is cheerful and optimistic girl. She lived in her sister and father. Her father decided to move place for a better access of their little business. And on that place, he met Harry, the man who loved Ka...