CHAPTER TWENTY-TWO

9 1 0
                                    

"Mag-aral ka ng mabuti. Walang Rozen Elizalde na magsasagot ng assignment mo."

Sinamaan ako ng tingin ni Hershey dahil sa sinabi ko pero tinawanan ko lang siya. Nagka-cram na naman siya dahil sa assignment na nakalimutan niya raw gawin.

"Ano sa english yung 'wala akong pake'?" Pairap na anas niya kaya naman mas lumakas yung tawa ko.

"Ano? Ganyan na lang buhay niyong dalawa? Mag-aasaran? Aba! Bakit hindi niyo ako sinasali?" Tinampal ko ang kamay ni Tiffany nang iakbay niya yun.

"Yung kamay mo nga." Halos pairap na saad ko. Ang bigat niya kaya.

"Ay, bakit? Exclusive din ba ang pag-akbay? For boyfie only? Kahit sa friend, bawal? Sino namang bugok ang nagpauso?" Pagdadaldal niya.

"Tanga. Mabigat ka kasi. Malay ko bang kumakain ka ng elepante." Pang-aasar ko rito.

"Hoy!" Nanlalaki ang mata niya kaya natawa ako. "Konti lang naman." Pairap na ani niya kaya inirapan ko rin siya.

"Girl, pano toh? Tinuro ba 'to? Parang wala akong maalala na may ganito dun." Hinarap pa samin ni Hershey yung papel na may mga numbers.

"Seryoso. Anong klaseng penmanship yan? Pangtao ba yan? Alam ko namang walang feelings yang papel mo pero respeto naman." Tiffany joked.

"Pake mo? Ikaw nga rin. Hindi maganda ang penmanship! And excuse me? Lahat naman tayong tatlo, pangit ang penmanship, noh!" Saad ni Hershey.

"Loh, nananahimik ang penmanship ko." Depensa ko sa kanila. "Atsaka sabi ni Harry maganda daw yun!" Dagdag ko.

"Typical boyfriend. Pinapataas ang confidence ng girlfriend." Napanguso ako sa sinabi ni Hershey.

Honest kaya si Harry!

"A bitter once said." Pairap na saad ko. "May assignment pa naman ako. Pakokopyahin sana kita kaso natutunan ko na yung salitang change of hearts." Dugtong ko.

"Uy, ikaw naman hindi na mabiro. Para kang others. Dali na, sis! Pakopya!" Paki-usap niya.

"Sabihin mo muna, 'ganda mo talaga, Master Fiona!'." Nakangising ani ko na ikinanguso niya.

"Go na, sis! Hayok ka sa sagot, di'ba? Keri mo 'yan!" Suporta ni Tiffany.

Hershey scoffed. "Kaibigan ko ba talaga kayo?" She joked. "Ang ganda mo talaga, Master Fiona!" Sinigaw niya pa yun kaya naman tuwang-tuwa ako. Kinuha ko ang notebook ko atsaka binigay sa kanya. "At ang galing ko ring magsinungaling!" Dagdag niya.

"Malamang. Ikaw si Hershey eh." Pambabara ni Tiffany kaya naman tinawanan ko lang sila.

Bumalik na rin ako sa upuan ko. Sinabi ko lang sa kanya na ibalik sa'ken yung notebook kapag natapos niya na. Napatingin ako kay Harry na noon ay nakikipagtawanan lang kina Taylor and friends.

As I watch him, it reminded me of my mother who is also smiling. Memories flashed inside my head and I can't help but to think. Iiwan niya rin kaya ako?

Agad kong pinilig ang ulo nang maisip yun. Alam ko namang hindi niya ako iiwan. He didn't promise but I will believe.

Napaiwas ako ng tingin nang mapabaling sa'ken ang tingin niya. Naramdaman niya siguro na may nakatingin sa kanya. Ramdam ko pa rin ang tingin niya kaya napabaling ulit ako sa kanya. Nakakunot ang noo niya and I can't help but to mimick his reaction.

"Ba't ka nakatingin?" Tanong niya.

"Masama?" Tanong ko pabalik. "Ikaw nga rin." Bulong ko.

"Nakatingin lang ako sa'yo kasi nakatingin ka rin sa'ken. Bakit ka nakatingin?" Tanong niya.

HS1: When Fate PlaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon