EPILOGUE

44 1 3
                                    

Patak ng ulan...

Busina ng sasakyan...

Sirena ng pulis...

Tunog ng ambulansiya...

Cameras...

Nadidinig ko lahat. Unti-unti, minulat ko ang mata ko, to see a crowd. Napuno ako ng pagtataka. Saka ko naalala ang lahat. Dali-dali akong bumangon. Akala ko mapapansin nila ako pero sa isang direksyon sila nakatingin. Sa pinagbangunan ko. Napatingin din ako dun.

Napangiti ako ng mapait. Hindi ako takot mamatay. Para sa akin, kamatayan lang ang makapagbibigay sa atin ng totoong kapayapaan.

Napatingin naman ako sa isa pang taong binubuhat sa isang stretcher.

Harry...

Lumapit ako dun at sinubukang hawakan siya pero wala. Hindi ko na siya mahawakan. Ibig-sabihin, buhay pa siya.

Napangiti ako dun.

Masaya ako. Dahil buhay siya. Hindi ko lang maiwasang malungkot dahil maiiiwan siya.

Tama nga sila. Death is not hard. Leaving someone you love is.

Pero okay lang. Pagod na rin naman ako. And this time, sarili ko naman ang papasayahin ko. Sarili ko naman ang pipiliin ko.

Napatingin akong muli sa kumpol ng mga tao. Napangiti pa ako nang makita siya.

Sa lahat ng bagay na ginawa ko, ito ang hindi ko pagsisisihan. Nailigtas ko na ang taong mahal ko, makakasama ko pa ang taong mahal na mahal ako.

"Baby..."

Napangiti ako at tumakbo sa kanya. Ang gaan sa pakiramdam. Parang hindi ako nakaramdam ng sakit kanina. It was her who can make me feel at ease. It is always her. It's always a mother's love who can make a human's heart happy.

"Mommy, na-miss kita." Nakangiting saad ko saka siya niyakap.

"I miss my baby, too." Sagot niya. Her voice is like a lullaby. Inaantok ako.

"Mommy...gusto ko na pong sumama sa inyo. I want to be with you na." Sagot ko. Hinawakan niya naman ang kamay ko at tumango.

Nilingon ko naman ulit si Harry pero ibang tao ang nakita ko. Si Papa at Ate. They are crying.

Napangiti na lang ako.

They love me...

Marami akong gustong sabihin kila Papa at Ate. Pero hindi ko na masasabi ng personal. I will let the wind bring my messages. Isa lang naman yun.

I love you...really.

Napatingin na naman ako kay Mommy na ngayon ay nakangiti lang sa akin habang tinatanaw ko sila Papa.

"Tara na, Mommy." Anyaya ko sa kanya. Sabay naming tinahak ang puting liwanag.

Mapaglaro talaga ang tadhana. Pero sa laro ng tadhana at buhay, hindi mahalaga ang pagkapanalo at pagkatalo. Ang mahalaga ay natuto ka. At nalaman mo kung anong layunin mo. Sa sandaling nalaman mo na ang layunin mo at nagampanan mo na, saka ka lang magiging masaya.

Masasabi kong ngayon na ang panahon para sumaya ako. Panahon na para makasama ang taong tunay na nagbibigay sa akin ng galak.

At magkasama naming tatahakin ang lugar kung saan walang pagdududa, kasinungalingan, pighati at pag-iisa.

I am a victim of a playful fate. My identity had been hid but I choose to forgive. I fell in love with someone who lied to me but I choose to believe. Now I can say that...

...When Fate Plays, no one is exempted.

-END-

HS1: When Fate PlaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon