"Girl, ayos ka lang?"
Habang nagbabasa ng history book, may quiz kasi kami, lumapit saken si Tiffany. Wala pa si Hershey.
"Yeah..." Pagod na anas ko.
"You look tired and...sad" tinuro niya pa ang mukha ko saka naupo sa tabi ko. "Pwede mo namang sabihin sakin kung may problema ka" hinaplos niya pa ang likod ko kaya nginitian ko lang siya.
"Ayos lang ako." Sabi ko para gumaan ang loob niya.
Ayos lang naman talaga ako. Sanay na rin naman ako dun eh. Sanay na akong bigla-bigla na lang babalik yung pangyayaring yun. Kaya nga ginawa ko ang lahat para makalimutan yun. Nagbasa ako ng mga fictions...at masasabi kong, minsan, gumagana. Pero hindi ko pa rin matakasan. Ilang beses na nga akong magtangkang kunin ang sarili kong buhay eh. If not because of Papa and Ate.
Nakaka-trauma makita ang mahal mo na mawalan ng buhay sa harap mo mismo at wala ka man lang nagawa. Ilang beses kong sinisi ang sarili ko. Kesyo, pano kung nagtawag ako ng tulong? Pano kung hindi ko binitawan ang kamay niya? Maraming pagsisisi at 'what if's' ang utak ko.
Nakakapagod na rin minsan na balikan yung mga yun eh. Kung may choice lang, edi sana, matagal ko ng kinalimutan.
Sanay na sanay na ako pero hindi porke sanay ka na eh hindi ka na masasaktan.
Hindi naman totoong wala ka ng nararamdaman kapag manhid ka na. Kasi diba? Naramdaman mo ngang manhid ka na eh.
"GoodMorning, class" napatayo ako nang pumasok ang teacher namin. Masyado yatang clouded ang utak ko kaya hindi ko namalayan na time na pala. Kahit bell hindi ako napahinto sa pag-iisip.
Tinigil ko na muna ang kakaisip ng kung ano-ano at pinilit ang sarili na makinig sa guro namin.
Wala namang bago sa umaga ko. Nandyan yung magtuturo yung guro, magrerecite yung mga feeling great, mag-iingay ang mga lalaki, magdadaldalan ang mga babae kapag break time. Si Harry, patuloy lang sa pangungulit. Si Tiffany at Hershey naman, dinadaldal ako. Tumahimik ako ng slight ngayon and...sa tingin ko naman ay hindi nila pansin.
Or that was what I thought...
"Ang tahimik mo naman ngayon. Nasaan na yung buiset na babae na maingay?" Sabi ni Harry.
"Pinatago ko muna. Ayaw niya daw lumabas" tamad na ani ko habang nagsusulat ng kung ano-ano sa notebook ko.
"May nangyari ba?" Tanong niya, nag-aalala. Nginitian ko naman siya.
"Parati namang may nangyayari" nakangiting anas ko. "Pero magiging okay rin naman ang lahat." Parang sarili ko na ang kinukumbinsi ko sa part na yun. "Sana..."
"Tama! Magiging okay lang ang lahat!" Saad niya kaya naman napangiti ako. "Saglit. Hindi ka nagbabasa ngayon, ah?"
Tama siya. Hindi ako nagbabasa. Wala kasi ako sa mood. Madalas kasi tuwing break ay nagbabasa lang ako. Ganon lang ng ganon hanggang sa hindi ko namalayan na tapos ko na pala ang story kaka-isang chapter na lang.
"Oo, eh. Wala lang akong mood para magbasa" sagot ko. "Ikaw ha! Alam mo ang mga habit ko" pang-aakusa ko. Natigilan naman siya. Umiling na lang ako dahil pumasok na naman ang teacher namin.
Hapon na at pauwi na ako ngayon. Napagdesisyunan kong maglakad na lang. 30 minutes lang naman ang walking distance. Para na rin makapag-isip. Minsan kasi, kapag marami na akong iniisip at pinagdadaanan, bukod sa pagbabasa, ina-appreciate ko rin ang kalikasan. Gumagaan kasi ang pakiramdam ko kapag nakakakita ng puno at mga ibon. Alam mo yun? Iba yung dala niyang vibes. Good vibes.
Napagpasyahan kong umupo muna sa isang bench na nakita ko. Malapit na rin naman dito yung bahay so okay lang.
Napabuntong hininga ako. Saktong may dumating na nagtitinda ng ice cream kaya napagdesisyunan kong bumili.
"Anong sayo, neng?" Nakangiting tanong nung Mama. Gusto ko sanang sabihin na, 'may cotton candy ba kayo dyan, Manong?' kaso masyadong maganda ang pagkaka-approach niya at nakakakonsensiya ang ganda ng ngiti niya.
"15 pesos po na ice cream. Vanilla at chocolate lang po. Wag niyo na samahan ng peanut" nakangiti ko ring sagot. May allergy kasi ako sa peanut. Hindi naman siya yung malala pero nagpapantal ang balat ko.
Nakatingin lang ako sa kanya habang kumukuha siya ng ice cream.
Bakit siya nakangiti kahit kita naman sa kanya na hirap na siya? Nakakainspire naman.
"Kahit anong problema pa ang harapin mo, lagi mong iisipan na hindi ka nag-iisa. May pamilya ka na pwede mong sabihan. May mga kaibigan na pwedeng hingian ng tulong. Dahil hindi sa lahat ng oras ay kakayanin mong mag-isa." Nagulat ako sa sinabi niya. Na-weirduhan din ng slight pero nagawa ko pa ring ngitian siya nang ibigay niya saken ang ice cream.
"Salamat ho" saad ko.
"Magiging maayos din ang lahat, ineng. Tiwala lang" tango lang ang naging saad ko.
Pagkaalis niya ay umupo ako sa bench. Unang dila pa lamang sa ice cream ay naiyak na ako. Ang tamis ng ice cream pero ang pait ng nararamdaman ko.
Natrauma na ako sa pang-iiwan. Ayoko ng maiwan. Wala nang mas sasakit pa kapag iniwan ka ng nanay mo at alam mong kahit anong gawin mo ay hindi mo na siya makikita.
Bata pa lamang ako ay nasanay na ako na nandyan siya para saken kaya nung iniwan niya ako, lagi na lang akong tahimik at umiiyak hanggang sa makatulog. Gigising at hahanapin si Mommy, hoping that everything is just a dream...a nightmare.
Pinunasan ko ang luha ko nang may tumabi saken. Baka mamaya isipin nitong baliw ako. Hindi naman noh! Hindi pa.
"Ngayon alam ko ng hindi ka okay." gulat akong napatingin sa tumabi sa akin. Si Harry.
Dali-dali kong pinunasan ang luha ko ngunit napatigil nang pigilan niya ako at ipaharap sa kanya at siya na ang nagpunas. Mukha na akong tanga ngayon sa harap niya.
"H-Harry..." Sambit ko nang yakapin niya ako. Nang dahil sa yakap na yun, napaiyak ulit ako. I felt comfort. Hindi ko maramdaman na nag-iisa ako.
"It's okay. Magiging maayos din ang lahat. Nandito ako"
BINABASA MO ANG
HS1: When Fate Plays
Teen FictionHIGHSCHOOL SERIES 1 [C O M P L E T E D] Fiona is cheerful and optimistic girl. She lived in her sister and father. Her father decided to move place for a better access of their little business. And on that place, he met Harry, the man who loved Ka...