"Ayos ka lang ba?"
Nandito pa rin ako sa kusina, pinapanood kung paano magluto ang nanay ni Harry, nang dumating siya.
"Oo naman" mahinang anas ko dahil nakapokus ako sa kunh paano sumayaw-sayaw ang mama niya. Ang carefree niya. Jolly den. Parang siya lang.
"Pasensiya ka na kay Mama, ah? Ganyan kasi talaga yan kalikot eh" napakamot pa siya sa ulo niya, nakakaramdam ng secondhand embarrassment.
"Ayos lang. Ang saya niya nga panoorin eh" nakangiting anas ko. True naman kasi.
"Harry, wag mo nga akong siraan sa bisita mo. Hahambalusin kita dyan eh" natawa ako ng samaan ng tingin ng mama niya si Harry na ngumuso lang. "Malapit na rin itong maluto. Tinawag mo na ang mga kapatid mo?" Tanong ni Mama niya habang nakatalikod.
"Tatawagin pa lang po" napabuntong hininga pa siya atsaka muling umalis. Nagpatuloy naman sa pagluto ang mama niya.
Hindi ko alam kung anong itatawag ko sa kanya. Di naman pwedeng tita dahil baka mamaya, ayaw niya diba? Eh, kung Mrs. Jaranilla na lang kaya? Kaso masyadong formal. Hayst. Mama kaya? Charot!
"Anong buong pangalan mo, Fiona?" Nagulat ako nang banggitin niya ang pangalan ko pero nagawa ko pa rin naman siyang ngitian.
"Fiona Zin Perallejo, ho, Mrs. Jaranilla" magalang na sabi ko. Syempre mas matanda siya saken noh!
"Wag mo nga akong tawagin na Mrs. Jaranilla. Nakaka-cringe" tumawa pa siya kaya natawa din ako. Bakit ganon yung tawa niya?
"Uh...hindi ko naman po alam ang itatawag ko sa inyo" nahihiyang anas ko habang pinaglalaruan ang daliri sa ilalim ng lamesa.
"Tawagin mo na lang akong tita. O kaya Tita-Mama o kaya Goddess. Kung saan ka komportable"
It warmth my heart na may taong pwedeng tawagin kong Tita-Mama. Kaso nahihiya pa rin ako kaya pwede namang tita na lang muna.
"S-Sige po...t-tita" I stuttered.
"First!" Muntikan na akong matumba sa kinauupuan ko ng may biglang umupo sa tabi ko. Napatingin naman siya saken at nawala ang ngiti niya, napalitan ng hiya kaya nagbaba siya ng tingin.
"Hi" masayang bati ko. Feeling ko, grade 5 na siya or 6?
"H-Hello" the boy shyly smile. I pat his head making him still. I stifle my laughter cause he really feels uncomfortable.
"Anong name mo?" Nakangiting tanong ko.
"H-Harvey" he said, avoiding my eyes. Tinanggal ko na ang kamay ko na nasa ulo niya dahil halatang naiilang siya. Mga bata nga naman.
"Who's this lovely lady in the dining room?" Napalingon ako sa nagsalita. Alam ko na agad na kuya niya yon kasi ang laki ng pagkakapareho nila. Mukha nga lang tong tripper. Playboy.
"She's Fiona, my classmate. Obviously, younger than you" nakita ko pa ang pasimpleng pag-irap ni Harry. Dali-dali naman akong tumayo para i-acknowledge ang presence ng kuya niya.
"F-Fiona" naglahad pa ako ng kamay. He take my hand. Nakipagkamay din siya.
"Harley" he said, wearing a playful smirk. Binawi ko agad ang kamay ko. Sinulyapan ko si Harry at nakita kong nakataas ang kilay niya kay Harley na wala namang ginagawang masama.
"Kumain na kayo. Nasan na ba ang Papa niyo?" Napatingin ulit ako sa mama niya na noon ay naghahain na. Umupo na rin si Harley sa isang upuan, kaharap ng inuupuan ko kanina. Pang-animan kasi eh.
"Nadinig ko ang pagtawag saken! Grabe naman ang asawa ko. Nasa likodbahay lang ako, na-miss na agad ako" napalingon ako sa lalaking kakapasok lang rin, Papa nila. "Oh...we have a visitor. Who is she?" Nakangiting tanong nito. Nginitian ko rin naman siya at magpapakilala na sana nang maunahan ako ni Harley.
BINABASA MO ANG
HS1: When Fate Plays
Novela JuvenilHIGHSCHOOL SERIES 1 [C O M P L E T E D] Fiona is cheerful and optimistic girl. She lived in her sister and father. Her father decided to move place for a better access of their little business. And on that place, he met Harry, the man who loved Ka...