"Hoy ako den dapat! Bahala ka dyan. Di kita titigilan"
Hindi makapaniwalang tinignan ko siya. So...sinundan niya ako kasi...g-gusto niyang magpaalam ako sa kanya? Hindi ko alam kung matatawa o maiinis ako eh. Pero...I found that...cute.
Kinagat ko ang loob ng pisngi ko para pigilan ang ngiti. Galit ako pero ang cute niya rin magalit. Ayaw ko na!
"Sige ka. Bahala ka kapag gabi ako nakauwi. Kasalanan mo yon" ako pa ang binintangan niya ah! Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi niya ako pinapansin. Ang weird niya, promise.
"Sabi ko Taylor and friends diba? Kasama ka na dun!" Inis na sabi ko at tinalikuran siya pero seryoso ata siya nang sabihin niyang hindi siya uuwi hanggang hindi ko siya sinasabihan!
"Dapat ako lang! Dapat 'babye, Harry' hindi Taylor and friends. Bahala ka dyan" nakahalukipkip pa rin siya.
Tumawa ako ng malakas kaya naman sinamaan niya ako ng tingin. "Selos ka?" Saad ko kaya naman namula siya, nahiya siguro.
"B-Bakit naman ako m-magseselos?" Nauutal pa siya. Inirapan ko na lang siya at umayos ng tayo.
"Oh di sige" tumikhim pa ako. Nakahalukipkip pa rin siya at nasa malayo lang ang tingin. "Babye, baby Harry!" Nakangiting saad ko. Tinapik ko pa ang pisngi niya para mas dama.
Tumalikod na ako pagkatapos nun at masayang naglalakad papunta sa bahay namin. Feeling ko naka-achieve ako ng something. Gulat kasi ang mababakas sa mukha niya nang sabihin ko ang baby. Natatawa tuloy ako sa daanan.
"Nandito na ako~" pakanta ko pa yung sinabi. Lumabas naman si Papa mula sa kusina na nakasuot pa ang apron.
"Gutom ka na?" Kung ibang tao siguro, sarcasm ang maririnig nila pero dahil sanay na kami, ocakes lang, lodicakes.
"Hindi pa. Sabay na lang kami ni Ate. Ikaw Pa, kung gutom ka na, pwede ka naman nang kumain" saad ko habang hinuhubad yung sapatos ko.
"Sasabay na lang din ako sa inyo. Marami naman akong kinain kanina sa trabaho ko kaya ayos lang" he shrugged. "Siya nga pala, naayos na yung isang kwarto dun. Mamili na lang kayo kung sinong gagamit nun. Nalipat ko na yung mga aklat niyo sa isa pang kuwarto. Ano bang laman nun ang dami naman ata?" Nakakunot ang noo na tanong niya.
"Aklat, dictionaries, ano pa ba?" Saad ko. Merchandise, souvenirs, bookmarks, gamit na may autograph. Hindi ko na lang yun isinatinig.
"Oh sige. Dyan muna ako sa kapitbahay. Kumain na lang kayo kung gusto niyo" hindi na hinintay ni Papa ang sagot ko.
Si Papa, kalalaking tao, ang chismoso. Palagi na lang sa hapon, kapitbahay. Hayst.
Joke lang! Okay lang naman saken yung ganong trip niya. Kung san siya masaya, edi go! As long as hindi niya napapabayaan ang health niya...at kami.
Inayos ko na lang ang bagong kwarto ko. Ako na lang ang uukupa dun. Masyado atang busy si ate kaya baka hindi niya na maharap ang pag-aayos ng bagong room. Maayos na naman ang kwarto niya kaya hindi na rin siya mahihirapan.
"Hayst..." napabuntong hininga ako at tinapon ang sarili sa kama ko. Humiga ako dun at kinuha ang cellphone ko para makita kung may nagchat or what. Nag facebook na lang ako. Nakita ko namang puro reaction lang sa profile pic ko ang nasa NC ko. Yung iba comments. Hindi na ako nag-abalang tingnan. Memes lang atsaka picture laman ng timeline ko. 500 lang ata ang friends ko? Ewan ko. Basta three digits lang siya.
Harry Juarez sent you friend request.
Natawa ako dahil ang tanga niya. Hindi naman yun yung surname niya eh. Pero kanya yung pic. I tried to stalk him pero private.
Naks! Pa-showbiz.
In-accept ko na lang siya. Sa dami nang friend request ko, dapat lang magpasalamat siya kasi inaksep ko siya. Baka lang maganda ang nag-accept sa kanya?
Harry: Hi! Pwede makipagfriends? Ay? Ayaw mo? Sige okay lang. Tanggap ko naman. Ganito lang kasi ako noh? Hindi naman ako gwapo at mayaman, haha. Okay lang. Haha, pwede mo na ako i-block.
Napairap ako sa ka-OA-yan niya. Pinindot ko tuloy yung block. Naglog-out na rin ako at pumunta na lang sa wattpad. Ngayon ko na babasahin yung Safe Skies Archer since kakatapos ko lang nung TRIE nung isang araw. Hindi naman ako ganon kaadik sa wattpad. I know my limits.
Muntik ko nang matapon ang cellphone ko nang may tumawag. Hindi ko pa nabubuksan ang wattpad ko, may eepal pa.
Harry calling...
Loh? Naano toh? Friend kami? Ulol, pakyu!
Hinayaan ko lang na magring yung phone ko. Sinayawan ko pa para mas masaya. Nakatatlong tawag na siya kaya naman sinagot ko na. Sayang sa load amputa.
"Hello. Balenciaga residence. How may I help you sir?" Nakangising tanong ko.
[F-Fiona? Please---thank God! Please don't drop the phone! I n-need to say s-something] he muttered. Bagong gising ba siya or ano? Whatever it is, wala akong pake. [F-Fiona? Nandyan ka pa ba?] Nagsalita ulit siya. Tumango lang ako para pagtripan siya. [Fiona please. I'm sorry for breaking up with you...]
"Oh, tapos?" I sounded like I doesn't care. I mean, i really don't.
Why would he feel sorry for breaking someone's heart. Sinadya mo man o hindi, ang nasaktan ay nasaktan. At para saken, kaya nagso-sorry ang isang tao hindi para mabawasan ang sakit na dinulot niya sa isa kundi para mawala ang guilt niya. So, siya lang rin ang magbe-benefit. Kasi siya, nabawasan yung guilt, ikaw, hindi nabawasan ang sakit. Mas nadagdagan lang kasi pinaalala niya pa.
[Please, Fiona. Comeback to me, please] he sounded like he had the urge to cry.
"Sorry pero di ako marupok" anas ko habang nagsusulat ng kung ano-ano.
[Please, please. I'll do everything just for us to be again. Let's try to work it out again.] He's so desperate.
Oo, mabait si Harry kaya nga nagustuhan ko siya. Pero these past few days, naisip kong, 'kung pumayag pa siya sa LDR, magiging masaya ba siya? Magiging masaya ba ako?'. Alam ko namang walang taong naging masaya sa relasyong yun. Sure! May mga naging masaya pero sa una lang. Duh!
"You'll do everything, right?" I could hear myself smirking.
[Everything! Just...just please comeback to me again] he's crying now.
"Okay" I sighed. "I want you...to end this call...and never call for the same reason" sabi ko, hinihintay na ibaba niya. I felt hurt to hear him cry like that so ako na ang nag-end ng tawag.
Hindi ako umiyak. Hindi naman na ako umiiyak. Nakakaramdam naman ako ng sakit pero hindi ako umiiyak. The last time I cry is when she left us and then I promised myself not to cry again for the reason that someone will leave me. I had enough of that shit. Kung aalis sila, edi go! Sabi nga ni Jonaxx, 'kung aalis siya, i-hatid mo!'.
Dumating na rin si ate kaya kumain na kami. Actually, kinatok niya pa ako sa pinto para hanapin yung bra niya. Ako pa ang pinatawag kay Papa na noon ay nagbabahay-bahay na. He's not drinking though. Wala naman siyang bisyo. Nagkaroon lang nong nawala siya.
Habang nandito sa kwarto ko at iniisip kung paano isasalvage si Shiela, tumunog ang phone ko. Bushet! Iniisip ko pa nga kung anong klaseng planeta ang ibabato ko kay Shiela dahil sa ginawa niya kay Behati at Peter eh! Natawa ako sa text niya.
From: bobongke!
Bakit mo ako blinock?
BINABASA MO ANG
HS1: When Fate Plays
Novela JuvenilHIGHSCHOOL SERIES 1 [C O M P L E T E D] Fiona is cheerful and optimistic girl. She lived in her sister and father. Her father decided to move place for a better access of their little business. And on that place, he met Harry, the man who loved Ka...
