CHAPTER TWENTY-THREE

12 1 0
                                    

"And that is the presentation that I with my group, prepared. Thank you for listening."

Nakahinga ako ng maluwag nang matapos ang reporting namin. Kami pa naman ang naka-assign. Boang pa si Ma'am dahil hindi niya kami sinabihan. Buti na lang may dinala siyang Manila Paper at marker.

"Good Job. Since it's already time... Goodbye class." Lumabas na si Ma'am pagkatapos nun, dala-dala yung mga one-fourth kung saan nakasulat ang mga pangalan namin.

"Hindi ko naman alam na mahilig pala si Ma'am sa surprise."

"Ang hirap gumawa. Ang sakit ng kamay ko kakamadali."

"Huy, nilagay niya yung name ko dun, ah?"

"Ako nag-isip ng concept!"

"Huy, mahirap den maglagay ng design noh!"

Patuloy na nag-uusap ang nga kaklase ko. May ibang nagrereklamo na bakit daw hindi sila sinali sa wamport. May mga leaders naman na takot sa member kaya walang choice. I wonder kung may ganito rin kaya sa college.

Naisipan kong itali ang buhok ko kasi ang gulo na niya. Nilabas ko ang suklay ko at sinuklay muna ito. Ang init! Defutta.

"Kababae mong tao, hindi ka marunong mag-ayos." Nagulat ako nang agawin ni Harry yung suklay ko at siya na ang nagsuklay. Napanguso naman ako, nagtatago ng ngiti. Hinayaan ko na lang siya.

"Ayos lang ba yung pag deliever ko ng report kanina? Feeling ko kasi wala silang naintindihan eh. Para akong tuod na nagsasalita sa harap." Hinampas ko siya ng tinawanan niya ako. "Napakasama mo. Palibhasa, ang smooth ng pagkakareport mo!" Pairap na anas ko.

"Maayos naman ang pagkadeliever mo. Kulang lang kayo sa nilalaman pero, all in all, maayos naman." Pinisil niya pa ang pisngi ko matapos niyang ipitin ang buhok ko.

"Sana sa grupo niyo na lang ako napasama. Daya ni Tiffany!" Pagrarant ko.

"Ayos na. Atleast, nakapagsalita ka sa harap. Nagawa mo na. Atsaka, tapos na rin naman. Move on den!" Tinawanan niya pa ako kaya napangiti ako.

"Pero hindi eh!" Patuloy pa rin ako sa pagreklamo.

"Anong balak mo sa unang monthsarry naten?" Nakangiting tanong niya. Natigilan naman ako. Hindi ko alam pero kinikilig ako kapag nagtatanong siya tungkol d'yan tas nakangiti pa. Posha! Nakakainis.

"Dunno. Ikaw? Saan mo trip?" Balik na tanong ko sa kanya. Napaisip naman siya. Ako, kahit saan lang, basta may pagkain.

"Anong tingin mo sa buffet?" Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Ngeek? Seryoso?

"Joke ba 'yan?" Tanong ko sa kanya pero nagkibit-balikat lang siya. "Sige. Ikaw bahala. This time, ikaw naman ang magdecide. Parati na lang ako. Eguls ka naman." Nakangiting sabi ko. Guguluhin niya na naman sana ang buhok ko ngunit iniwas ko na ito. Kakatali lang noh!

"Sa buffet, ha? Sunduin kita 'non!" Tumango na lang ako sa kanya kaya naman umalis na rin siya. Saktong pag-alis niya naman, dumating si Hershey at Tiffany.

"Bakit may pa-buffet ang mayora?" Nakangising saad ni Hershey. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"May ka-date kasi ako. Ikaw, try mong maghanap ng sa'yo. Baka maranasan mo ring ma-buffet." Nakangising anas ko sa kanya na ikinanguso niya.

"HAHAHAHAHAHA!" Nagulat ako sa biglang pagtawa ni Tiffany na nasa likod lang ni Hershey. Nahawa ako sa tawa niya. "Walang magbu-buffet kay Hershey! Kawawang bata!" Patuloy pa rin siya sa pagtawa kaya napapatingin na sa amin yung mga kaklase naming nagdadaldalan.

"Ha-Ha. Tiffany makatawa, hampaslupa naman." Pairap na anas ni Hershey kaya naman natawa ako. Napatigil naman sa pagtawa si Tiffany kaya kami ni Hershey ang tumawa.

HS1: When Fate PlaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon