CHAPTER THIRTEEN

12 3 0
                                    

"Di nga? Ako na kasi! Kaya ko naman"

Naglalakad kami ngayon papasok sa school. Nagulat pa ako kaninang umaga kasi pagkalabas ko, naabutan ko siyang naghihintay sa gate namin. Buti na lang maaga ako nakapag-ayos!

"Kanina ka pa?" yun ang tanong ko sa kanya dahil nakasandal lang siya sa pader at pinaglalaruan ang ID niya.

"Hindi naman" nataranta pa ata siya nang makita ako. Well, ako rin naman. "Tara na?" Tanong niya.

"Sabi ko ayos lang kahit hindi na sumabay eh" napakamot pa ako ng ulo dahil naghintay talaga siya!

"At sinabi ko rin sayo na gusto ko sabay na tayo" saad niya. Inabot niya pa ang bag ko. Hindi na shoulder bag ang dala ko kasi medyo marami na rin kaming ginagawa. "Akin na ang bag mo" anas niya. Binigay ko naman.

"Hoy! Kaya ko naman" patuloy pa rin ako sa pag-agaw ng bag ko pero parang wala siyang naririnig. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kung kikiligan ba or mahihiya. Pero dahil nga medyo malandi ako, kikiligin na lang ako, hihi.

"Sabay na rin tayong kakain mamaya, ah?" Napakamot ako sa ulo dahil sa sinabi niya. Yung totoo? Ako ba ang nililigawan nito? Kasi naman! Dapat ako ang masusunod! Pero dahil nga malandi ako, kinilig na naman ako.

"Ikaw bahala. Kahit naman komontra ako, hindi ka papayag. Basted ka saken mamaya" anas ko nang hindi siya tinitignan.

"Bawal din akong basted-in" nakamot ko ang kilay ko dahil ang demanding niya! Akala mo naman kawalan.

"Eh, gago ka pa---"

"Hindi ka pwedeng magmura. Magbabayad ka ng barya depende sa bigat ng profanity" saad niya. I exhaled sharply. Buiset!

"Nyeh nyeh! Bahala ka sa buhay mo!" Pikon na anas ko saka nagpamaunang naglakad. Nilakihan niya ang hakbang niya kaya nakakahabol siya pero hindi niya napapantayan ang bilis ko.

"Hintayin mo ako, huy! Hoy!" Natatawa ako kapag pilit niyang sinasabayan ang lakad ko pero di niya napapantayan. Ha! Bahala siya dyan.

"Dalian mo kung gusto mong sumabay" tinatago ang ngisi na saad ko.

"Libre ko snacks mo sa break time!" Otomatiko akong napahinto nang marinig ang salitang 'libre'.

Baka pwede naman naming pag-usapan? Pwede naman diba? Pwede na yan!

"Ha! Basta libre, hihinto agad noh?" Tinampal ko ang braso niya dahil sa inis. Buiset!!

"Bahala ka sa buhay mo!" Aalis na sana ako nang i-akbay niya ang kamay niya saken.

"Hindi ko hahayaang iwan mo ulit ako" I can even hear him smirk because the distance of his mouth from my ear is not that far.

OMAYGASH! Ngayon alam ko na kung anong pakiramdam nung may paru-paru sa tyan. Mapapa-english ka na lang talaga kapag nilalandi ka, eh, noh?

"Yieeeee~"

Nagulantang ako at napabalik sa wisyo ng maghiyawan ang mga kaklase namin. Naka-akbay pa rin kasi si Harry saken nang pumasok kami sa classroom. Yung totoo? Mukha kaming tanga habang naglalakad.

"Ang ganda ng umaga, pars ah!" Jahred teased.

"Pasimpleng landi!" Nagtawanan pa sila.

Tinulak ko na si Harry saken, hindi dahil naiilang, kundi dahil ang init! Baka hindi pa ako nakaka-uwi, mukha na akong crumpled paper.

"Sabay ulit tayo mamaya, ah?" Yan na naman siya sa pagiging bossy niya na akala mo obligasyon ko pang sundin siya.

"Libre mo kamo eh" nakangising ani ko kaya inirapan niya ako.

HS1: When Fate PlaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon