CHAPTER EIGHTEEN

10 2 0
                                    

"Girl, dalian mo. Mamaya na ang pasahan niyan"

Habang abala si Hershey sa paghabol ng project niya, nandito ako at pilit siyang pinagmamadali. Wala lang. Wala lang akong magawa sa buhay.

"Mamaya rin saken yang mukha mo, isa pa" pagbabanta niya kaya natawa ako. Nagsayaw-sayaw na lang ako sa harap niya habang hinihintay siya na matapos.

Sabi nila, masaya daw ang buhay high school. Kung ganto naman pala ang buhay masaya, sana hindi na lang ako naging masaya. Para kasi saken, it's just the matter of survival.

"Umalis ka nga dito! 'Don ka sa kalandian mo!" Iwinasiwas niya pa ang ballpen niya para lang maitaboy ako. Nagsalubong naman ang kilay ko, hindi siya maintindihan.

Kalandian? Sino dun? Charot.

Months na rin ang nakalipas simula nung ligawan daw ako ni Harry. Sa mga nagdaang araw, I can say na...nag-improve na ang relasyon namin. We're more than of friends but less than of being a lover. In short, walang label.

Ewan ko. Hindi naman ako stapler pero ang bilis ko ma-attach.

"Bakit ba kasi hindi pumasok si Tiffany para naman hindi ka mabaliw eh" saad niya. Tumigil naman ako sa kasasayaw dahil sa sinabi niya.

Baliw? Ako? Hah! Paano niya nalaman?

"Hoy, Harry!" Tawag ko nang dumaan siya. Nilingon ako nito saka tinaasan ng kilay. Sungit talaga.

"Oh?" Tanong niya. Napahagikgik naman ako ng may maisip.

"Anong sabi ng bulkan sa bundok?" Nakangiti kong saad.

"Ano?" Walang pake-alam niya na tanong.

"Edi...I lava you" nagfinger heart pa ako saka humalaklak ng malakas.

Bulkan. I lava you. Ang galing!!! Hihi.

"Ano namang sabi ni Luis Manzano kay Billy Crawford?" Nakataas ang kilay na tanong niya.

"Ano?" Nakangiting tanong ko.

"Walang may pakealam" tumawa pa ako kahit walang nakakatawa. Hindi ko nga mahagilap yung humor dun pero keri lang. Tatawa na lang para hindi siya mapahiya. "Magpagaling ka, ah?"

"Wala naman akong sakit, ah!" Depensa ko.

"Minsan talaga, hindi mo malalaman na may sakit ka na sa utak. It's either, hindi mo naramdaman o since birth na kaya na-normalize mo na" pairap na saad niya kaya naman dinampot ko ang crumpled paper tsaka binato sa kanya.

"Ikaw yung pangit sa salitang pangitain. Ikaw yung tae sa taena." Pairap na anas ko saka bumalik sa upuan, wala ng balak mangulit.

Sakto namang pumasok si Christian kaya nakaisip na naman ako ng kabobohan.

"Chris! 'Uy! Katropa! Kahit hindi ka TM user!" Tawag pansin ko rito. Nginitian niya naman ako saka kinawayan. Buti pa toh, approachable.

"'Uy!" Bati niya.

"Nasamid ako! Pwedeng magbigay ka ng number...mo" tumawa na naman ako. Tumawa rin naman siya. Hayst. Wala lang. Memasabe lang. Hindi kasi pumasok si Tiff eh. Edi sana masaya.

"Pwede ba, Fiona? Ako ang nahihiya para sayo eh" inilingan ako ni Hershey. Kunot noo ko naman siya tiningnan.

"May mas nakakahiya pa ba sa rej---"

"Masarap 'tong nilamukos na papel, baka bet mo?" Natawa na lamang ako sa iniasta niya.

"Taylor! Taylor, Taylor!" Paulit-ulit kong binanggit ang pangalan ni Taylor, isa pa sa tropa ni Harry-bhie.

HS1: When Fate PlaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon