CHAPTER TWENTY-FOUR

18 1 0
                                    

"Mga mare! May chika ako sa inyo."

Habang nakaupo ako sa upuan ko, dumating si Hershey. May sinusulat lang akong requirement. Mamaya, hindi ko na naman mapasa. Kawawa naman yung card ko.

"Bukod sa sinungitan ka na naman ng boylet mo, may iba pa ba?" Nakangiwing tanong ni Tiffany.

"Huy, hindi ah. Friends na lang kami nun. Tinigilan ko na rin siya since may nililigawan na daw siyang iba. Ewan ko, bahala siya sa buhay niya." Mukha namang hindi affected si Hershey dun habang sinasabi niya.

"Oh, ano?" Pinalabas ko na hindi ako interesado sa sasabihin niya pero naku-curious din. Chika daw eh.

"May balak daw lumipat si Katleya dito next year. So magiging classmate natin siya." Initriga niya.

Yun na yun? Yun na yung inabangan kong chika? Parang story ni Meg at Noah. Worthless.

"Napakawalang kwenta mo naman magbalita. Turuan kita kung paano maging useful na reporter. Magkaroon ka ng useful at may kwentang balita, okay?" Tinapik ko pa ang balikat niya pero siniringan lang ako nito.

"Alam niyo, parang may something si Harry at Katleya." Napatingin ako kay Hershey nang dagdagan niya pa ang sinasabi niya.

"Bakit naman?" Kaswal na anas ko.

"Minsan, nakikita ko sila na nag-uusap. Alam mo ba? Dati, nililigawan ni Harry si Katleya? Hindi ko nga alam kung bakit niya nagustuhan si Katleya eh." She stated, acting dumb. Hello? Baka girlfriend ako ng topic mo?

"Past na rin yun." Walang pake na anas ko, iniiwasang mag-isip ng masama.

May tiwala ako sa kanya. May tiwala ako sa kanya. May tiwala ako sa kanya.

Pinaulit-ulit ko pa yun sa isip ko na akala mo naman ay makakalimutan ko. Bakit hindi naman niya na-ikwento sa akin? May nililigawan na pala siya dati?

Napabuntong-hininga ako. Baka naman kasi akala niya, hindi na magma-matter yun. Wag mo nang problemahin yun. Faithful si Harry sa'yo at hindi naman naging sila sa past.

"Ikaw, Tiff? Ano sa tingin mo?" Napabalik ulit ako sa wisyo nang magsalita si Hershey. Hindi ba ito titigil? Nasaan na ba ang packing tape ko?

"H-Ha? E-Ewan..." sabi niya at tiningnan si Hershey na para bang sinira nito ang kanyang malalim na pag-iisip. "Ewan ko." Pabuntong hiningang saad niya.

Ipinagkibit balikat ko na lang yun. Tumayo na rin si Hershey at umalis na.

Nagpatuloy ang pagtakbo ng oras at wala namang masyadong nagbago. Si Harry, patuloy sa pangungulit, si Hershey, dakilang jejemon, si Tiffany, pinagpalang killjoy.

Sa isang araw na ang labas ng periodical test result. Medyo kinabahan pa ako dahil hindi ko naman naintindihan yung ibang sinagot ko dun. Syempre, last year ko na sa high school tapos gaganon-ganon pa yung grades ko? Aba! Mali naman ata yun.

"Tingin mo papasa ako?" Tanong ko kay Harry isang beses nang lumabas kami. Bukas na ang labas ng resulta. Lakas ng peg ko noh? Entrance exam ang kinuha?

"Ano ka ba naman. Pang-ilang tanong mo na 'yan. Pumasa ka man o hindi, hindi ka naman babagsak. Okay lang 'yan."  Kahit na alam kong pinalalakas niya lang ang loob ko, hindi ko pa rin maiwasang kabahan.

Ano ba 'yan! Periodical test lang eh. Para namang hindi ako makakatake ng Senior High kapag hindi ko naipasa 'yang periodical test na 'yan. Hayst.

"Ang cute mo namang kabahan." Pinisil niya pa ang pisngi ko kaya napanguso ako. Masakit ah!

HS1: When Fate PlaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon