CHAPTER FOUR

38 4 0
                                    

"Ay gago!"

Napahawak ako sa dibdib ko nang may biglang nagtakip sa mata ko. Tumawa siya saka tinanggal ang kamay niya at umupo sa tabi ko.

"Tangina mo!" Ang lakas ng kabog ng dibdib ko! Akala ko kikidnapin na ako ng mafia eh. Akala ko kukunin na nila ako dahil ako ang long-lost heiress. Ugh! Puset.

"Sorry. You're zoning out. Kaya ginulat kita" natatawang saad niya saka umupo sa tabi ko. Umisod naman ako palayo, nawiwirduhan dahil sinundan niya pa ako. Or did he?

"Pano kapag inatake ako? Sino nang matitirang maganda sa bahay? Wala na!" Naghihisteryang ani ko. Tinawanan niya lang ako.

"Gusto mong ice cream?" Tanong niya matapos ang katahimikan dahil pinapahinga ko sa gulat. Okay naman na.

"Oo. Bilihan mo nga ako" walang hiya ako noh! Nihalungkat ko naman yung bag ko. Nakakita ako ng limang piso. Saka isang buong sampo. So bale kinse. Uy, ice cream na rin yun noh!

"I'll pay" sagot niya at hindi tinanggap ang pera ko. Napa-pout naman ako. Ano bang kinain niya at ang weird niya? Ngayon lang ba siya nakakita ng maganda? Well, dapat masanay na siya noh! Dahil may kaklase siyang diwata.

"Oh, sige. Bahala ka" I shrugged. Hindi ko siya pineperahan! Grabbing opportunity ang tawag dito hindi gold digging.

"Flavor?" Nag-isip naman ako.

"Layers of ube, vanilla and chocolate" nakangiting anas ko. Sinaulo niya muna ang sinabi ko saka tumayo.

Talaga lang?

Naghintay ako sa pagbabalik niya. Iniisip kung bakit bumalik pa kay Ariela ang charm niya eh wala naman siyang ginagawa. Fish!

"Oh, ayan" saad niya. Taray nang cone, mamahalin. Nag-alinlangan tuloy akong kainin. Sayang effort nang gumawa eh.

Kinain ko na lang ang binigay niya. Ang laki ng pagkaka-scoop! Ang hirap tuloy ipasok sa bibig ko kaya dinilaan ko na lang. Pag pinapasok ko sa bibig ko, nadadampian ang ilong ko kaya ang lagkit. Tanginaners.

"Oh" nagulat ako nang abutan niya ako nang tissue. Nahiya na tuloy ako!

"May dumi ba ako sa mukha?" Tanong ko. Tumango naman siya. Nag-isip naman ako. Ang lagkit nga! "Ikaw na magpunas. Tinatamad ako. Oh!" Tinapat ko pa ang mukha ko sa kanya. Tinigil ko na rin ang pagkain para maayos niya. "Dali na! Malagkit kaya!" Singhal ko nang nakamaang niya lang akong tiningnan.

"Tss..." Nagpipigil ako nang tawa ng mabasa ko ang ilang sa kanya habang pinupunasan niya ako. Nakatingin lang ako sa kanya habang ginagawa niya yun.

Malayo ka nga kay Harry. Siya, palangiti, ikaw, masungit at kung ngingiti, plastik naman.

"Ayan, para sweet!" Nakangising saad ko nang matapos siya. Inirapan niya lang ako.

Nagkuwentuhan lang kami nang nagkuwentuhan hanggang sa medyo padilim na.

"Mauna na ako!" Saad ko habang kinakawayan ko siya. Tinanaw niya lang ako. At nang mawala siya sa paningin ko, tumakbo ako. Takot ako nang slight sa dilim uy! Slight lang naman. May lampshade kasi ako kapag nagbabasa kaya hindi ako sanay sa madilim. Geez!

"Nasa bahay na ako kung hindi niyo pa alam" bati ko habang abala sa pagtanggal sa sapatos ko. Shet, ang hirap!

"Asan ang ate mo?" Tanong saken ni Papa.

"College siya, hello? Gabi ang uwi!" Saad ko matapos successful na matanggal ang sapatos.

Si ate ay nagtake ng nursing. Ako naman ay tourism ang plano ko. Kung hindi papalarin, sa club na lang. Chour! Kung hindi papalarin, edi pilitin!

HS1: When Fate PlaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon