CHAPTER NINETEEN

7 2 0
                                    

"May gala ka na naman noh!"

Habang abala ako sa kwarto kaiisip kung ano yung sinabi ni Harry na hindi ko naman masyadong narinig dahil niliteral niya ang salitang bulong, umeksena na naman si Ate. In fairness, ang dalang ko na siyang nakakausap.

"Wala nga akong maisip na puntahan eh." Napabuntong hininga ako kasi wala talaga akong maisip na galaan. Hindi pa naman ako sanay na ganito lang sa bahay kapag weekend. Hayst.

"Mag-ukay ka kaya?" Napatingin ako sa kanya ng magsuggest siya. Tama nga naman siya. Kelangan ko rin naman ng bagong damit since maliliit na sakin yung mga damit ko.

"Sama ka?" Tanong ko.

"May gagawin ako, girl. Hassle na yung med. Siguro next time" nagpeace sign pa siya. Napabuntong hininga naman ako.

Si Harry kaya?

Natawa ako sa naisip ko. Si Harry? Eh hindi nga ata marunong magyapak sa lupa yun eh.

"Yung lalaki mo ang isama mo" napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

"Sino?" Takang tanong ko.

"Sino? Ilan ba ang lalaki mo?" Natatawang tanong niya. "Yung lalaking bumisita dito three weeks ago" saad niya.

"Ah, si Harry? Tingin mo mapapa-ukay mo yun?" Natatawang sagot ko. Parang ang imposible naman.

"Rich kid ba?" Nanlalaki ang matang tanong niya.

"O---" hindi ko pa man nasasagot ay tumunog na ang cellphone ko.

From: Harry-beh
Wala kang gala ngayon?

Napangisi ako nang dahil sa chat niya. Kung sinuswerte ka nga naman.

To: Harry-beh
Meron. Sama ka?

From: Harry-beh
G!!!

"Ate may kasama na ako!" Napahiga pa ako sa kama sa sobrang saya. Makakagala na ako!!

"Oh, sinong kasama?" Tanong niya habang hinihila ako pabangon kasi naiintrega siya.

"Si Harry." Ngingiti-ngiting anas ko.

"Weh?! Napapayag mo yung anak ng langit na yun?" Gulat na sabi niya.

"Hindi ko sinabi kung saan" saad ko saka binagsak ang katawan ko.

"Tingin mo hindi siya aayaw kapag nalaman niya?" Tanong niya.

"May choice pa ba siya?" Nakangising anas ko. "Atsaka hindi naman siya ganon kaarte. Hindi ko nga malalaman na mayaman yun kung hindi ako nililibre eh" saad ko. Totoo naman. Napansin kong ang dami niya maglabas ng pera plus the fact na wala siyang pakealam. Gastador den eh.

Napatingin ako kay Ate nang may magdoorbell. Charot. May kumatok sa gate.

Yaman yarn?

"Ikaw na magbukas." Saad niya saka nagpatuloy sa pagsusulat ng kung ano-ano sa makapal na bondpaper. Reviewer ata yun?

Lumabas na ako ng kwarto niya. Oo, kanya yun. 'Kala niyo aken ah? Akala ko rin.

Dumeretso na ako sa labas ng bahay suot ang gray na oversize shirt at isang dolphin short na pink.

"Wait lang!" Sigaw ko habang nagsusuot ng tsinelas. Pagkarating ko sa gate, binuksan ko ito ngunit muling naisara.

Bakit naman hindi siya nagsabi?! Gago talaga!

"Bakit hindi mo naman sinabi na papunta ka na?!" Sigaw ko mula sa loob.

HS1: When Fate PlaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon