CHAPTER TWENTY-ONE

14 1 0
                                    

"Iba talaga ang awra kapag may jowa na nagpapasaya. Sana lahat."

Nandito kami ngayon sa canteen. Magkakasama kami nina Xia, Hershey, Tiffany, at Lola. Walang boys since sinabihan namin sila na girls talk ito.

"Bakit, Hersh? Hindi ka na ba pinapansin nung nireto ko?" Nakangising sabi ni Xia. May dala pa siyang notebook at lapis and her usual glasses.

"Naku, dzai. Ilayo mo ako dun at baka masapak ko pa yung hayop na yun. Ginigigil ako." Kagat ang straw na sinipsip niya ang biniling Zest-O.

"Makareklamo sa jowa, akala mo mauubusan ng lalaki sa mundo eh. May college pa, uy! Hindi ko nga alam kung magtatagal kami ni Harry pero sana..." Saad ko.

Totoo yun. It's not that I am doubting his love for me and mine to him. It is just...too early. Too young.

"Magtatagal kayo niyan. Loyal 'yan eh." Nakangising ani ni Hershey.

"Alam ko namang bitter ako pero alam kong magtatagal kayo. Matagal na rin naman yung one year, noh?" Binato ko siya ng plastic ng burger dahil sa sinabi niya.

Hindi ko lang maiwasang isipin ang magiging tratuhan namin kapag naghiwalay. Maaring isa sa'min ang mapagod o magsawa at tanggap ko naman yun. Paghahandaan ang paghihiwalay pero hindi ang impact ng sakit. Magiging handa sa mangyayari pero hindi sa sakit na dulot ng pangyayari. Dahil kahit gaano ka kahandang masaktan, parehas lang ang intensity na ibibigay nito, handa ka man o hindi.

Pero okay lang den. Atleast, isa siya sa kumumpleto at nagpasaya ng highschool life ko. At bakit ko ba iniisip ang paghihiwalay namin? Eh, kasisimula pa nga lang namin eh.

"Happy Weeksarry!" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Harry sa bahay. Alam ko namang first week na since naging official kami pero hindi ko in-expect na ice-celebrate namin.

"Bakit naman hindi? Lahat ng sarry, ice-celebrate natin nang magkasama." Saad niya habang narito kami sa park.

"Talaga?" Paninigurado ko.

"Talaga!" Saad niya kaya napangiti ako.

"Kahit sarry-sarry store?" I don't know where I get the thought. Basta ko na lang siyang sinabi without thinking twice.

"Gusto ko yung nagjo-joke ka kahit corny. Alam mo yun? Yung napapagaan mo yung mood ng iba dahil sa pagiging tanga mo or corny." Pinaningkitan ko siya ng mata. "Half compliment." He said before laughing his ass of.

"Ikaw yung fart sa farther." Pairap na saad ko.

"Kapag may problema ka, okay lang naman mag-open up saken. Pwede akong iyakan." Napatingin ko dahil sa sinabi niya.

"Ha?" Binigyan ko siya ng naguguluhang tingin.

"Nakikita ko kasi sa mata mo na malungkot ka. Kahit tumatawa ka, umiiyak ang mata mo. Kahit ngumingiti ka, mapait ang mata mo. Kahit mukha kang masaya, may bahid ng lungkot ang mata mo. At kahit maingay ka, alam kong sa loob mo, tahimik kang umiiyak. I am a good listener, Fiona." He sighed.

Napabuntong-hininga naman ako. Tama naman siya. Hindi ako buo. Laging may kulang dahil hindi ko hinahayaan na mapunan. Dahil pakiramdam ko, walang deserving na pumalit sa kanya. Malungkot ako. At nalulungkot pa rin ako. But I don't want to be a bothersome. Kaya...

"Okay lang naman ako." Tinapalan ko pa ng ngiti. Yung ngiting siya lang ang nakapansin na blangko. A genuine one but a dull smile.

"Oo nga pala, anong pangarap mo?" Tanong niya.

Pangarap? Ang makasama ulit siya.

"Marami akong pangarap. Isend ko sa'yo listahan." Nakangiting sabi ko.

"I mean, yung pangarap mong trabaho. How do you see yourself after years?" Tanong niya.

"Kukunin kong course is tourism. Yun lang." Saad ko, and it feels like I said that because I had no choice. It's just... I don't see myself as a professional worker. Baka asawa lang talaga ng CEO o Engineer. Pasingit na rin ang Lawyer.

"Yun ba yung gusto mo?" Tanong niya.

"Depende. Nagbabago ang gusto ng tao. Ngayon, gusto kita. Bukas, mahal na pala. Charot!" Tumawa pa ako nang marealize kung g'ano katanga yung nasabi ko. "Hmm, ikaw?" Tanong ko.

"I am taking business management." Simpleng hanash niya. Tumango lang ako.

"Nakikinita kong magiging magaling na business manager ka. Or businessman. You should pursue that. And ngayon pa lang, proud na ako sa'yo." Nakangiting ani ko.

"Ako rin. Alam kong makakamit mo yung mga pangarap mo pagdating ng araw." Ngumiti lang ulit ako sa kanya.

Sana...

"Gusto mo sa ibang lugar? Pwede naman tayong lumipat." Saad niya matapos ang mahabang katahimikan. Napatingin naman ako sa kanya.

"Saan?" Tanong ko.

"M-May bukas pa ba na nagtitinda ng...ng i-inihaw na bituka?" Napatingin naman ako sa kanya, naguguluhan.

Inihaw na bituk----ISAW???!!!

Napahalakhak ako dahil sa sinabi niya.

"Bakit mo ako tinatawanan?" Nakangusong ani niya. "Eh, sa hindi ko alam ang tawag dun eh." Dagdag niya pa.

"Isaw yun. Tara na." Medyo hapon na rin naman so may bukas na rin sigurong ihawan. Bilib ako sa t'yan namin. Kakakain lang namin kanina, kakain na naman. Eating-Buddy na kami.

"Gusto kong tawanan yung mukha mo nung unang makakain ka ng isaw. Para kang natatae n---" napatigil ako sa pagsasalita nang mabuga niya yung kinakain niya. I blinked many times.

"Ang bastos ng bibig mo! May kumakain eh!" Tinawanan ko na lang siya. Totoo naman.

"Okay pi, lesa." Simpleng saad ko, pairap. Arte-arte.

Tae. Tae. Tae. Tae. Tae. Tae and 99+ others.

Hindi ko na isinatinig ang 'tae' at baka i-break niya ako ng maaga. Ayaw ko pa noh! Masyadong maaga. Kaka-weeksarry lang namin.

Pagkatapos naming kumain, hinatid niya lang ako sa amin. Sabi ko pwede naman siyang pumasok kaya lang mukhang kelangan niya na ring umuwi since pagabi na so I just smiled when he declined. Mas mahalaga pa rin naman kasi talaga ang safety niya kesa sa kalandian ko. Char.

Masaya na rin ako na na-celebrate namin yung weeksarry namin. Well, masaya naman talaga kapag kasama siya. It's always been him who makes me smile, who makes me laugh, who makes me crazy, who makes me feel comfortable.

It's always been him who made my day. A day without him is a day without a sun. Exaggerated isn't it? But you will feel it when you're...well, in love.

HS1: When Fate PlaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon