CHAPTER FOURTEEN

10 2 2
                                    

"Anong binabasa mo?"

Habang naka-upo ako at nagbabasa, bigla na lang tumabi si Harry. Nagbabasa kasi talaga ako ngayon sa wattpad.

"Fated to Fuck You" saad ko.

"Ano ba yan!" Singhal niya saka inagaw yung phone saken. Uto-uto amputa. Chasing In The Wild yun.

"Akin na, shuta ka" inagaw ko ang phone ko at nagpatuloy sa pagbabasa. Tumayo naman siya at akala ko ay aalis na pero nagulat ako nang may maglapag ng garapon sa arm chair ko. Napahilot naman ako sa sintido ko.

"One Profanity, One Ten Peso" nakangising ani niya.

"Pwede bang One Profanity, One Kiss na lang?" Nakapout na anas ko. Pero napalitan yun ng inis nang pitikin niya ang noo ko.

"Masyado kang manyak. Magbayad ka na!" Inis kong dinukot ang lalagyan ko ng pera at hinulog sa garapon. "Magbabayad naman pal---aray ko! Gago!" Tumawa ako matapos kong apakan ang paa niya.

"One Profanity, One Ten Peso" nakangising anas ko. Sinamaan niya naman ako ng tingin saka naghulog ng bente. "Wow, bente! Galante!" Parang tangang pumalakpak pa ako na akala mo'y first time makakakita ng bente pesos.

"Hindi kasi ako hampaslupa na katulad mo" aba! Bastedin ko na kaya toh? Napaka-kapal ng mukha. Heh!

"Lumayas ka dito at medyo badtrip ako. Pero yung medyo ko, nananapak" inambahan ko pa siya ng sapak.

"Why? Di mo na atho lab?" Nagpacute pa siya. Hala, putik!

"Distansiya o ambulansiya?" Saad ko. "Sabi yan ni Maxpein, hihi" bumungisngis ako ng kumunot ang noo niya.

"Sino na naman si Maxpein? Alam mo, yang mga kaibigan mo walang naituturo sayong maganda" pagsaway niya.

"Why? Di mo na ba atho lab kaya ayaw mo akong magka-friend? Sige. Okay lang. Ganyan ka naman eh. Hashtag No Friends Policy. Hashtag, grabe ka na 2018" exaggerated na sabi ko kaya sabay kaming tumawa.

"Baliw ka na nga" natatawang ani niya kaya napatigil ako sa pagtawa para samaan siya ng tingin. Anong panga ang meron 'toh para sabihing baliw ako? Hah!

"Ikaw rin naman ah!" Singhal ko sa kanya.

"Baliw saan?" Nakataas ang kilay na tanong niya.

"Baliw sa'ken" and on a cue, sabay na naman kami tumawa. Baliw sa baliw.

"Napakaingay, jusmiyo!" Napatigil kami sa pagtawa ng sumingit ang bunganga ni Hershey.

"Maglalampungan na lamang, sa loob pa ng classroom" iiling-iling naman na saad ni Tiffany.

Konti pa lang naman kaming nandito. Meron pa naman kasing 30 minutes bago ang klase kaya enjoy muna. Inggit lang yang mga yan.

"Punta tayong mall bukas!" Excited na anas niya. Shuta, mall?

Mall?!!

Ano yun? Charot. Wala akong budget, gurl.

"Puro ka na lang gala" suway ko.

"Sagot ko ulit! Dali na!" Pamimilit niya pa kaya wala na akong nagawa. Mabuti na lang may savings ako. Kaso pambili ko yun ng libro eh!

"Bukas? May pasok bukas" saad ko.

"Girl, may General Assembly bukas. Half day lang. About ata sa nalalapit na graduation" sabat ni Hershey na busy mag-ayos ng kilay.

"Oo, girl. Outdated much?" Gatong ni Tiffany na nag-aaral sa gilid-gilid.

Malapit na pala graduation? Eh third quarter pa lang. Advance naman masyado ang pagka-advance. Ilang linggo pa lang ako dito, pa-graduation agad.

"Sige ba. Basta sagot mo pagkain!" Girl, nagmukha na akong gold-digger, buiset. Kasalanan ko bang hindi na ako masyadong nakakahulog kay Penny Wise?

HS1: When Fate PlaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon