"Ha? Anong gagawin mo kapag nalaman mo yun?"
Napatunganga ako dahil kinausap ako ni Katleya. Hindi naman sa imposible akong makausap pero imposibleng kausapin ako nito.
Pero hindi ko na lang siya masyadong pinansin. Lalampasan ko na sana siya nang magsalita na naman siya.
"Alam mo ba? Ako naman talaga ang liligawan ni Harry. Kaso dumating ka kaya sinabi ko sa kanya na kapag napasagot ka niya, magiging kami na." Hindi ko na lang pinahalata na napatigil ako dahil sa sinabi niya.
Hindi yun totoo.
"Hindi ko naman alam na magiging madali lang pala ang pagpapasagot sa'yo. Hindi ko alam kung malandi ka lang or hindi mo na-resist ang kagwapuhan ni Harry kaya mo sinagot agad." I can even hear her smirk.
"Manahimik ka na lang, Katleya. Ang lakas mo manira ng tao." Saad ko at lalampasan na sana siya kaso nagsalita na naman.
"Alam mo ba? Nagde-date din kami habang kayo pa. Nagki-kiss nga rin kami eh. Ang sweet lang. Akala ko nga binreak ka na niya kaso nag-eenjoy pa daw siya." Hinarap ko siya. Hindi pa nga ako nakakarecover kanina, nandito na naman 'toh?
"Kahit anong sabihin mo, hindi ako naniniwala sa'yo." Saad ko saka siya sinampal. Nanggigil na ako eh.
He can't lie to me. He won't!
Pigil luha na naman akong bumalik sa room. Kaso nung makita ko si Harry, parang gusto kong umiyak. Gusto kong sabihin sa kanya lahat. Yung tungkol kay Papa pati si Katleya na may balak atang sirain kami.
"Goodmorning!" He greeted me and hugged me. Sa simpleng yakap niya lang, komportable na agad ako.
Hindi si Harry ang tipo ng lalaki na manloloko. Hindi ang tulad niya.
Umupo na ako sa upuan ko at tumabi na naman siya sa akin. Napansin niya ata ang mukha ko kaya naman iniwas ko ito.
"Umiyak ka. Bakit?" He asked in a concern and slight angry voice making me laugh a bit.
"May nabasa lang akong nakakaiyak." Palusot ko. Ayokong sabihin sa kanya. Not because I didn't trust him but because...I don't want to be a burden.
"'Wag ka na kasi magbasa ng mga nakakaiyak na kwento. Ang pangit mo kapag umiiyak." Tinawanan niya ako nang samaan ko siya ng tingin.
Kinulit niya pa ako pero tumigil din naman. Naging tahimik ako sa klase. Iniisip ko pa rin kasi yung nangyari kanina. Hindi ko alam kung paano ko na sila haharapin pagkatapos nun.
Hindi ko namalayan na break time na pala. Hindi ako lumabas dahil hindi naman ako nagugutom. Nang makaalis na silang lahat pati si Harry na bibilhan na lang daw ako, dumukdok ako sa lamesa ng armchair ko at hinayaan ang sarili na umiyak.
Sana nandito siya para hindi masyadong mabigat yung pakiramdam. Sana nandito siya para madamayan niya ako. Dahil ngayon, mas kailangan ko siya kesa sa lahat. I need my mom's comfort.
"Fiona...I...I want to tell you something about Harry." Napaangat ang tingin ko kay Tiffany nang magsalita siya. Nagulat pa siya nang makitang umiiyak ako pero sabi ko, okay lang.
"A-Anong tungkol sa k-kanya?" Kinakabahang tanong ko.
"Narinig ko lang ito and I am not sure about this. So, habang nasa CR ako nung isang araw, dumaan ako papuntang backyard. Tapos..." Bumuntong hininga pa siya. "Tapos narinig kong sabi ni Katleya na k-kelan ka daw niya ibe-break..." Pahina ng pahina ang pagsalaysay niya.
Ako? Ito. Walang emosyong nakatingin sa kanya. Wala nga akong maramdaman eh.
Ayoko pero unti-unti ng kinakain ng pagdududa ang pag-iisip ko. Nagdududa na ako kay Harry at...sa nararamdaman niya. Alam kong hindi dapat pero hindi ko mapigilan.
BINABASA MO ANG
HS1: When Fate Plays
Teen FictionHIGHSCHOOL SERIES 1 [C O M P L E T E D] Fiona is cheerful and optimistic girl. She lived in her sister and father. Her father decided to move place for a better access of their little business. And on that place, he met Harry, the man who loved Ka...
