CHAPTER TWENTY

13 1 0
                                    

"Ahmm? Guys? Any reaction?"

Nasa harap kami ngayon nina Tiffany at Hershey. Sinabi ko na kasi sa kanila na kami na. Ang awkward pala. At ang mga bwakanang-ina na ito, hindi man lang kami pinansin.

"Anong reaction?" Tanong ni Hershey habang nag-aayos.

"Magulat daw tayo, girl..." Bulong ni Tiffany na noon ay nagsusulat.

"Pa'no pa tayo magugulat eh ang alam ko sila na. Wala pa palang label yang mga yan pero dinaig pa sa ka-sweet-an si Naih at Lee. Sila na ata ang living Jay-Jay at Keifer." Umirap pa si Hershey kaya napanguso ako.

Ganon? Wala man lang, 'OMG, girl. Anong gayuma ginamit mo?' o kaya, 'albularyo reveal'? Mga walang kwenta.

"Kahit congrats, wala?" Matabang na ani ko.

"Congrats." Sabay nilang sabi. Mamaya saken 'tong mga ito.

Ngumuso na lang ako saka bumalik sa upuan ko. Bumalik na rin naman si Harry na mukha namang walang pake sa reaksyon nila Tiff. Ganon? Hindi talaga sila magugulat?

Pumangalumbaba na lamang ako saka tumingin sa harap, nag-iisip kung anong magandang gawin.

"Good Morning, class. I'm just going to tell you that our topic for today is Events, Union and Intersection of Events. But before that, who wants to lead the prayer?"

Ano daw? Events? Like party? Hala, hindi ako party-goer, pano yan? Char. Bahala na si bebe Superman.

Nagtaas ng kamay ang isa sa mga kaklase ko, nag-volunteer na magdasal. Santo yan eh. Hindi sa demonyo ako pero mas prefer ko ang silent praying. Yun bang, parang may privacy kayo ni God? Yun ang trip ko.

"Okay, classmates. Let's close our eyes and bow our head..." He then start praying.

Pagkatapos nun, nagsimula na ring magturo si Maam. Pero hota, ang hirap! Yung utak kong maliit na, mas naramdaman kong lumiit pa. Ang daming numbers! I hate numbers!

Pero kung bilangan ng inches...sure! Why not, diba? Charot.

Pinilit ko talagang intindihin ang sinasabi ni Maam. Gandang bungad sa umaga. Mathematics. Umagang kay tuyo.

"That's all for today. I hope you guys learn something. And I guess... enjoy" natatawang saad ng teacher namin saka kami iniwan. Napahinga naman ang mga kaklase ko.

"Mag-aaral pa ba ako? Pwede pa bang tumigil?"

"Tigil ka, eh. Wala namang may pake."

"Ay, di ka sure. Mamaya ma-miss mo ako tapos puntahan mo pa sa bahay namin."

"At bakit naman kita mami-miss? Elijah Montefalco ba pangalan mo?"

"Hindi. Pero pwede mo na ring ituring na Elijah Montefalco ng buhay mo."

"Ikaw ba ang dumi sa CR? Kadiri ka!"

"Oo. Ako ang dumi sa CR. At ikaw ang kubeta."

Malakas na tawanan ang bumalot sa classroom habang nagbabardagulan ang dalawang kaklase namin. Ang sweet nila. Stay strong na lang.

"Ganyan din ang naging simula ng pagmamahalan ng magulang ko." Proud na sabi pa ng isa.

"Ah. Kaya pala ang pangit ng bunga." Nagtawanan na naman ang mga kaklase ko dahil sa sagot na iyon.

Ngayon ko napatunayang masaya pala talaga ang highschool life. Jijie lang yung una kong sinabi na hindi masaya.

At kung kelan masaya na, syempre dapat may epal. Fairy tales has it's own villain.

HS1: When Fate PlaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon