CHAPTER ELEVEN

19 2 0
                                    

"Ano?! Eh ang bata mo pa para ikasal!"

Hindi ko mapigilang matawa dahil sa kanya. Uto-uto rin eh. Nagtaka naman siya kung bakit ko siya tinawanan.

"Ganon talaga. Kelangan ng company namin ng tagapagmana eh" nagtunog malungkot pa ako. Pinaglaruan ko lang yung cotton candy. Dalawa pala yung pinaglalaruan ko noh? Siya at ang cotton candy. Don't touch me, I'm a player. Pareho ding yummy, hihi.

"E-Eh kelan daw ang...ang alis niyo?" tanong niya. Napailing na lang ako. Naaawa na sa katangahan niya.

"Hindi ko alam" nagkibit-balikat na lang ako, walang balak bawiin yung sinabi ko. Nagiging malawak na talaga ang imagination ko dahil sa kababasa. "Lungkot ka ba?" Nakangising anas ko. Umiling lang siya.

Aba! Dapat malungkot ka! Wala ng magandang magbibigay ng kulay sa mundo mo, hehe.

"Bukas na ba ako magsisimulang manligaw?" I can't help but to laugh at his choice of phrase. Seriously? Parang wala pang nililigawan dati amputa.

"Parang nag-aapply ng trabaho amp. Ikaw? Kung kelan mo bet" walang pake na sagot ko. Hindi ko naman kasi makita ang sincerity niya sa pinaggagawa niya. Sure, I enjoy his company pero nakikita kong medyo ilag pa siya eh siya naman ang nangyayaya. Boang rin eh.

Is he playing with me or what?

Pinakatitigan ko lang siya. By his features, may potential siyang maging playboy. Given the looks. Pero sa ugali, siya yung tipo ng tao na seryoso lang at oblivious sa paligid. Cold kumbaga. Kulang din ata sa pakisama toh.

Hindi ako nagulat nang lumingon siya saken. Umiling lang ako sa sarili kong naiisip.

Sana naman hindi siya ganon...

"Saan mo pa gustong pumunta?" Tanong niya na bumasag sa katahimikan. Na-awkward-an na siguro.

"Ikaw ang nanliligaw diba?" Sarkastikong anas ko. Nanlaki naman ang mata niya.

"Nililigawan na kita?" Di makapaniwalang tanong niya. Napasapo naman ako sa noo ko. "As in, ngayon na?" Gulat pa rin siya.

"Gulat yan, girl? First time mo bang mangligaw? Hindi halata ah" may bahid ng sarkasmo ang pagkakasabi ko nun.

"A-Ahehehe. Uhmm...saan mo nga gustong pumunta? Libre ko!" Bibong anas niya kahit medyo napahiya pa. Inirapan ko na lang siya at sinabing kahit saan lang which means, lakad-lakad lang. Hindi ko naman kasi talaga alam kung saan. Sa resto? Sa mall? Sa park? Hindi ko alam kaya mas mabuting explore-explore muna.

Ang dami niyang gustong ipabili! Para siyang bata eh. Ako naman ay kumakain lang ng street food habang siya ay kung saan-saan ako binibitbit. Natawa na lang ako ng sarkastiko dahil mas madami pa siyang binili kesa sa aken.

Tanga ka, Fiona. Ang sabi niya, libre niya daw. Hindi niya sinabing libre ka niya. Hindot ka lang talaga.

"Pagod na ako~" nilagyan ko pa ng tono ang pagkasabi ko non pagkaupo ko sa gutter ng daan. "Ayoko na sa earth~" sumimsim ako sa palamig ko.

"Edi dito ka na lang sa life ko" nakangising ani ni Harry, making me chuckle.

"Ang landi-landi mo!" Binato ko sa kanya yung plastik ng palamig ko. Tinawanan niya lang ako.

Minsan, hindi ko rin masabayan ang extreme mood swings netong taong toh eh. Minsan, mahiyain, minsan naman, sobrang landi. Hayst! Buti na lang maganda ako.

"Magtatanghalian na. Uuwi ka na ba?"  Tanong niya. Inisip ko naman kung may gagawin pa ba ako sa bahay. Wala naman...ata?

"Ikaw? Gusto mo ng umuwi?" Balik na tanong ko. Mamaya pala, hindi ko pa gustong umuwi pero siya bet niya na, edi napahiya ako.

HS1: When Fate PlaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon