"Sa'n ba kasi muna tayo mauuna? Ang pangit mo kasama, kamo noh? Wala kang plano sa buhay"
Nandito na kami ngayon sa mall. Ang walang'ya, hindi na naman alam kung saan kami pupunta.
"E kaya nga hindi ako nagplano para ikaw ang magdecide. Ngayon, ikaw ang boss. Hindi ako tututol, promise" kunot-noo ko siyang tiningnan, nakanguso para itago ang ngiti.
Loh, boss daw ako? Ubusin ko yang pera mo, gurl.
"Oh, sige. Sa isang fast food resto muna tayo. Isa ka kasing bugok na hindi muna kumain bago gumala" pairap na anas ko.
"May utang kang sampu!" He scoffed but I just made face.
"May utang kang sampu" I mocked him using my silly tone. Napanguso naman siya saka umirap.
"Saang fast food?" Nakahalukipkip na anas niya.
"McDo lang naman kaya ng budget mo! Tigilan mo nga ako" saad ko. Napakamot naman siya ng ulo, guilty. "Kanya-kanyang bayad ah?" Sabi ko. May dala naman kasi akong pera.
Duh! Mayaman na ako.
"Kung anong trip mo. Ikaw naman ang boss eh" kaswal na sabi niya.
Boss pala, ah? Pagpanain ko kaya toh sa Archer's Arcade at ipakuha ko sa kanya yung purple na teddy bear? Hihi.
"Anong nakakatawa?" Biglang saad niya kaya naman tinikom ko ang bibig ko.
"Bakit? May Republic Act against public amusement? Public laughing? Public giggle? Publi----"
"Ititigil mo yan o itatapon kita sa public toilet?" Hindi ko na mapigilan ang tawa ko. Pinagtitinginan na kami ng mga tao. Buti na lang nakapagpalit ako into casual attire. Si Harry naman ay naka-uniform lang.
"Tara na. Kanina pa tayo sa parking lot. Ikaw ba naman tong si tanga na hindi marunong magplano. Magkaiba ang, life full of surprises, sa life without destination" walang kwentang saad ko.
"Anong connect nung panghuli?" Tanong niya habang naglalakad kami.
"Parang yung utak mo. May utak ka ba? Wala!" Simpleng saad ko. Dinunggol niya naman yung balikat ko saka ako nilampasan.
Aba't napakagago!
Sa inis ko ay hinabol ko siya at sumampa sa likod niya. Natawa ako nang magulat siya.
"Bumaba ka nga!" Naglikot likot pa siya. Kaso, kada likot niya, nasasakal siya ng kamay ko.
"Larga na! Dalian mo" sabi ko sa kanya habang nakasampa pa rin sa likod niya. "Ako boss diba? Lakad na, alipin ko" I used the, 'ikaw ang boss' card.
Napailing naman siya saka inakay yung paa kong nakalaylay saka naglakad. Kumaway pa ako sa mga nadaanan namin kaya naririnig ko ang daing ni Harry kapag lumilikot ako.
Bumaba na rin naman ako pagkarating namin sa entrada ng mall. Pinapasok kami ng guard. Ganda ko lang!
"Wag kang lalayo, ha?" Ang sungit naman neto.
"Okay pi, lesa" nakangiting saad ko. Pero ang walang'ya, pinitik lang ang noo ko.
"Pag ikaw nawala----"
"Di mo ako hahanapin kasi di mo na ako lab" pag-iinarte ko.
"Pag ikaw nawala, alam mo naman ang daan palabas" sabi niya saka nakapamulsang nauna maglakad. Since malaki ang hakbang niya, kelangan ko pang dalian maglakad.
"Alam mo kung nasan yung McDo, 24/7? Ikaw naman ang matagal ng nakatira dito eh" saad ko.
"U-Uhmm...actually, f-first time ko lang makapasok dito" nakaiwas pa siya ng tingin kaya naman nilakasan ko ang tawa ko para mainis siya. Tinakpan naman niya ang bibig ko pero dahil malakas ang bunganga ko, naririnig pa rin ang tawa ko. "Tumigil ka nga"
BINABASA MO ANG
HS1: When Fate Plays
Teen FictionHIGHSCHOOL SERIES 1 [C O M P L E T E D] Fiona is cheerful and optimistic girl. She lived in her sister and father. Her father decided to move place for a better access of their little business. And on that place, he met Harry, the man who loved Ka...
