"Dito na ako"
Napairap ako nang iwan ako ni ate. Eh, hindi ko nga alam kung san yung room ko tas iiwan mo ako? Nice, ate. Ang bait mo talaga.
"Miss, anong section ka?" Nagulat ako nang may isang lalaking lumapit saken. Mukhang napilitan lang dahil hindi siya makatingin saken. It's like, lumapit lang siya kasi may nagsabi sa kanya. Char, spoiler.
"A, Amethyst" sagot ko. "Grade 10, malamang" pairap na saad ko. Nililibot ko pa rin ang mata ko, finding someone to ask for.
"Great! Uh...uhmm...s-same section" saad niya.
"Oh? Grade 10 ka rin pala? Akala ko 12" Saad ko. Tumawa naman siya. Pilit nga lang. Pangit mo mang-plastik kuya. "Tara na!" Anas ko saka nagpamaunang maglakad. Hindi naman siya sumunod. "Uy, kuya tara na kako" saad ko. Nag-angat naman siya ng tingin saken. Saka tumagos yung tingin niya.
"H-Hindi na pala. I-It's a prank!" Saad niya saka tumakbo. Napabuntong hininga naman ako.
Parang bobo naman. Magsasabi ng same sec, tas hindi naman pala true.
Napairap ako sa hangin. Hawak ang bag ko, humarap ako, dahilan ng muntikang pagbunggo ko sa taong nasa harapan. "Oh, shit!" Napaatras agad ako dahil ang lapit namin.
"10, Amethyst, right? Samahan na kita" saad niya saka nagpamaunang maglakad. Char, ang guwapo.
Sumunod na lang ako sa kanya. Bitbit ang paper bag na may lamang uniform at id ko, sinabayan ko siya.
Ramdam ko ang titig ng mga taong nadadaanan namin. Mukha namang walang pakealam yung kasabay ko kaya kunwari wala akong pake. Though, mas okay kung totoo yung sinasabi nila. Chos~
"We're here" saad niya. Naks, cold! Lakas maka-Zeke. Tinanguan ko lang siya saka ako pumasok sa loob. He followed me from behind, making me frown.
"Char, stalker" bulong ko.
"Same sec, miss" saad niya saka ako nilampasan. Wala pa namang teacher. I just mocked him behind para hindi niya makita.
Umupo ako sa upuang bakante. Katabi ang isang babae. Ewan ko kung anong name.
"Hi!" Bati niya, nakangiti. Tiningnan ko siya.
Maxpein ako ngayon please. Maxpein ako ngay----
"Hi! OMG, ang ganda ng bag mo. San mo nabili yan? Though mas maganda pa rin ng slight yung bag ko. Pero, anyways, ang ganda ng pagkakabraid ng buhok mo. Bagay sayo. Pero mas bagay ata kung nakalugay lang. Saka anong shade ng make-up gamit mo? Ang cute, bagay sayo" gusto kong ipikit ng mariin ang mata ko. Maxpein ang sabi ko, ginawa akong Naih.
"Hahaha. Ang dami mo namang tanong. Pero, ayos yan. May kadald---"
"Hoy, hoy! Inaabuso mo ba yung transferee? Hoy, babae. Sabihin mo lang kung inaabuso ka niyan ni Hershey ah? Ako na sasapak" saad niya saka naupo sa lamesa ng armchair ko. Tinampal niya pa yung kamay ko. Nakakahiya naman senyo, ate.
"Hoy, ako pa ang nang-abuso ah. Efwayay, mas abusado ka pa saken. Anyways, ibalik mo na saken yung Chasing Hell ko" pairap na anas niya.
"Uy may Chasing Hell ka?" Nakisabat na ako. "May HU ka? Dalawang aklat yun. Meron ka both?" tanong ko sa kanila.
"Uhmm, no. Isa pa lang ang book ko sa HU. But I am looking forward of buying that rin naman. Nag-iipon lang. My dad didn't give me allowance pa kasi para sa books eh" anas niya.
"Yeah. Mahirap kasi siya eh" base sa paraan ng pag-uusap nila, I can tell na close sila.
"Getting judged by the one who's just borrowing aklat" pairap na anas ni Hershey daw.
"I have aklat noh. You know the, The Rain In España? The, Moon? I have that na already" saad naman ni Tiffany daw.
"Wait. What's the, The Rain In España?" Saad ko. I haven't read that yet. May asawa na naman akong aagawin.
"You can read that in wattpad app. Just search, at areyumink. Eto spelling. Ilista mo ah. At, as in yung A na paikot, tas four, R, E, U, M, I, N, C at T. Search mo lang yun. University Series 1. You can read na rin 1 to 4. Ongoing pa ang 5" saad niya, kahit 'ano' lang yung tanong ko.
"Reminder, aken lang si Sevi ah?" Sabat ni Tiffany.
"Hiro's mine. May pila. Sa likod ka" saad ni Hershey.
Kaya kong mang-agaw ng asawa, mga ulol. Mamalay-malayan niyo na lang, ako na ang asawa nila.
Nginitian ko na lang sila saka ko nilabas ang cellphone.
"Tago mo yang phone mo. Parating na si Maam" saad niya. Dali-dali ko naman itong tinago sa sling bag ko.
Nagturo lang ang teacher namin. Well, I have already introduced myself na rin naman bago siya mag-discuss. So nagtuloy-tuloy na ang daloy. Unlike usual na kada-klase, magpapakilala, dito once lang. Nabasa na rin naman siguro nang guro yung background ko so they don't ask na lang.
"Sabay na tayo" napatigil ako sa pag-aayos ng gamit ko when a man approach. Choz. Si Kuyang masungit.
"Hep! Anong sabay? Kami ang kasabay niya, uy!" Napabaling naman ako kina Hershey at Tiffany na nakapamewang habang hinihintay ako.
"Maybe I can join you?" Halos mapairap na si Kuya.
"Bakit? Ayaw mo nang kasabay sina Taylor? Si Christian?" Saad naman nila, iminuwestra pa yung dalawang tao.
Taray. Nandito pala yung pagkain sa zoo.
Kinawayan ko lang sila. Tinanguan naman nila ako.
"Anong gusto mo?" Napabalik ako sa katinuan nang magtanong siya.
Sayang. Gwapo sana, ang pangit nga lang ng name. Harry? Hah! Eww~
"Kahit ano" saad ko. Siya na daw kasi ang pipila para saken. Sweet noh? Sana may ganyan den kayo.
"Walang kahit ano sa menu nila eh" anas niya, natatawa. Nagjo-joke ba siya or what?
"Ha-ha!" Sarkastiko ang pagkakatawa ko pero tumawa pa rin siya. "Kahit ano lang means kung ano sayo" halos umirap na ako. He just gave me a nod.
"Sana lahat may taga-order" parinig nila nang marating ang respective table namin. Taray~
Kasama namin sa isang table ang friends niya. So bale, anim kaming nasa table. Si Christian at Tiff, bardagulan goals. Si Taylor at Hershey, harutan goals. Ugh! Pashnea.
"Oh, eto sayo" saad niya. Egg sandwich saka juice? Gusto kong sabihin na mas gusto ko ang hamburger at tubig kaso wag na. Nakakahiya noh! Libre pa naman niya.
"Salamat" anas ko. Nasa harap namin ngayon ang tatlo. Mukhang pikon na si Tiffany kay Christian. Si Hershey naman, shut up na lang. Ako ay kumakain lang habang iniisip kung sino yung nagmura sa labas ng classroom nina Deib.
The Mystery that even Loki and friends can't solve.
"Oh, tubig" mukhang napansin niyang hindi ako umiinom sa juice. Bakit kasi pineapple yung binili niya! I prefer orange, though.
"Salamat. Hindi ko kasi talaga bet yung pineapple. Mas bet ko yung orange" anas ko.
"Pero mas bet mo yung bumili, noh?" Muntik na akong masamid nang bumulong si Tiffany saken.
"Gago" natatawang bulong ko.
Ayaw ko na sa Harry, uy! Ayaw sa LDR. Choosy porke yummy.
"Salamat sa libre" anas ko pagkapasok namin sa room. Nginitian niya lang ako saka sinabihang welcome. Palangiti rin naman pala siya.
Char! Halata namang fake, duh! Pangit niya magpanggap.
Mapagpanggap rin naman ako so alam ko kung sino ang mga fakies. Don't me na lang.
Hindi ko alam kung anong rason mo sa pakikisama mo saken pero sana... hindi ako masaktan nang hard. Dahil kung masasaktan ako nang hard, isusunod kita kay Rome, Peter, Yeshua and 99 others.
BINABASA MO ANG
HS1: When Fate Plays
Teen FictionHIGHSCHOOL SERIES 1 [C O M P L E T E D] Fiona is cheerful and optimistic girl. She lived in her sister and father. Her father decided to move place for a better access of their little business. And on that place, he met Harry, the man who loved Ka...